AGENT JOANNA Pareho kaming napatayo ni Mike sa aming kinauupuan ng makita namin ang isang babaeng tumayo mula sa pagkakaupo sa kabilang table. Maging sina Kyle na nakita rin ang pagtayo ng babae ay naging alerto. Pare-pareho kami ng naiisip ng mga sandaling iyon na marahil kasamahan iyon ni Reina. "Pasensiya na, hindi ko naman sinasadyang makinig sa usapan niyo. But it seems you didn't notice people around you dahil sa seryoso niyong pag-uusap." Narinig naming sinabi ng babae mula sa earpiece namin. "And you are?" tanong ni Alex. Lumapit ang babae sa lamesa nila Alex. "Keira Montefalcon," sabay lahad ng palad niya kay Reina ngunit hindi ata iyon pinansin ni Reina dahil binawi na lamang ni Keira ang kamay at ipinasok sa bulsa. Binalingan na lamang nito si Alex. "Since I know your se

