Almara's POV
Ilang oras nang nakakalipas, hindi pa rin bumabalik si Raylin na aking anak. Inutusan ko kasi siya nun na bumili ng meryenda para sa bisita na dumating sa aming bahay.
Nag-aalala na ako, walong oras na siya na wala sa bahay. Saan ba nagpunta ang batang niyon? Inutusan ko lang naman na bumili pero bakit hanggang ngayon wala pa rin.
Kanina pa ako naghahanap sa kaniya at kung kani-kanino na ako nakapagtanong. Wala maski isa ang nakakita kung saan napunta ang anak ko.
"Excuse, me Ms. may nakita ka bang batang babae. Ganito lang ang height niya. Ito ang picture niya." tanong ko sa dalagang babae na ipinakita ko ang larawan ni Raylin.
Tiningnan niya ang larawan at sinabing "Sorry, but I didn't see her."
Sobrang nag-aalala na ako sa anak ko, hindi ko alam kung nasaan siya, kung ligtas ba siya. Kahit pagod na ako sa paghahanap ay patuloy pa rin ako na maghahanap kay Raylin. Hindi ako mapakali kung nasaan siya.
Sa pagtatanong ko sa mga tao rito, isang boses ang narinig ko na tumatawag sa akin.
Napalingon ako sa boses na narinig ko upang malaman kung sino ang natawag sa akin
"Ate, Almara! Ate!" tawag at sigaw ni Riza na aking kapatid upang marinig ko siya.
Lumapit si Riza, may dala siyang pinamali dito sa talipapa. Maraming mga tao ritong nagsisipunta para mamili rito. Kaya't malakas ang boses nito sa pagtawag niya para marinig ko siya.
"Ate, anong ginagawa mo rito? Namimili ka rin ba? Kanina tumatawag ako sa bahay niyo. Walang tao, pinapaabot kasi sayo ni Lusei ang pera na sahod mo daw sa pagwawalis. Nasa bahay ang pera mo ate, mamimili ka ba ate? Samahan kita sabay na tayo umuwi. Saka pala, Ate nasaan si Raylin. Hindi mo ba siya kasama dito?"
Napayakap ako bigla kay Riza na kaniyang ikinabigla. Hinayaan niya lang ako na yumakap. Ramdam niya ang pag-iyak ko at alam niya na may problema ako dahil sa pagyakap at pag-iyak ko.
Niyakap niya din ako kahit sa kanang kamay niya ay may bitbit siya na kaniyang pinamili. Ramdam ko ang kaliwang kamay niya na hinahaplos ang aking likuran. Nag-aalala ito para sa akin dahil ramdam niya na may problema ako.
Nang makauwi ako sa bahay ay sinamahan muna ako ni Riza dahil kita ko nag-aalala ito sa akin sa kalagayan ko.
"Eight hours na ang nakakalipas, hindi ko pa rin alam kung nasaan si Raylin. Riza, nag-aalala na ako para sa anak ko. Hindi pa siya nauwi, nakapagtanong-tanong na ako pero walang nakakita kung nasaan ang anak ko. Baka kung anong mangyare don lalo na babae ang kaisa-isa kong anak."
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mag-alala ng sobra para sa anak kong si Raylin. Sino bang nanay ang hindi mag-aalala sa anak kung ilang oras na nawawala.
"Ate, magpahinga ka muna. Hayaan mo, tutulungan ka namin mahanap si Raylin. Sa ngayon, dito ka muna at kami na muna bahala maghanap. Kumain ka na ba, ate? " wika niya sa akin na may pagmamalasakit.
Sa pag-aalala ko at sa paghahanap sa anak kong si Raylin ay nakalimutan ko nang kumain. Malapit nang maggabi nang tingnan ko ang oras namin na nakasabit sa dingding. Hindi ko namalayan ang oras na gumagabi na pala dahil sa paghahanap sa nawawala kong anak.
Umiling ako kay Riza sa tanong niya kung kumain na ba ako.
"Ate, wait lng. Dito na lng ako magluto para mabigyan kita pagkain agad. Kailangan mo kumain para may lakas ka na mahanap si Raylin. Huwag mo pabayaan sarili mo, Ate. Baka kami naman ang mag-alala sayo."
Pumunta siya sa kusina at nangielam ng mga gamit upang doon magluto.
Pinabayaan ko na lang ang kapatid
ko na magluto siya roon.
Pagkatapos niyang magluto, kinukumbinse akong kumain ni Riza na kaniyang niluto. Tinolang manok ang niluto nito.
Dahil sa pag-aalala sa anak ko ay wala akong ganang kumain sa niluto nito.
Pilit akong kinukumbinse ng kapatid ko na kumain.
"Ate, kumain ka na.. sige na ate kahit konti lang kailangan mo rin kumain."
Iniwan niya sa lamesa ang kaniyang niluto na hindi ko ginalaw at tiningnan lamang ito.
Makikita ko pa kaya ang anak ko? Hindi ko alam kung nasa maayos ang kalagayan niya kung nasaan man siya.
Gusto ko nang makita si Raylin, lumipas na ang gabi pero bakit wala pa ring nakakakita sa anak ko.
Sa upuan ako nakatulog, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakahintay na baka sakaling makauwi o may makuha akong balita para sa anak kong nawawala.
Nandoon pa rin sa lamesa ang kanin at ang tinoklang manok na hindi ko ginalaw para kainin ito. Nakatakip ang pagkain sa lamesa. Siguro, tinakpan ito ni Riza.
Sinamahan pala ako ni Riza at ang kaniyang anak na si Jailyn na matulog dito kagabi upang may kasama daw ako. Naglatag na lang sila sa lapag ng banig na kinuha nila sa kanilang bahay. Tumayo ako sa inuupuan ko, ramdam ko ang gutom ko dahil kagabi pa walang laman ang tiyan ko.
Hanggang ngayon, wala pa rin akong gana at wala akong lakas. Ramdam ko ang panghihina ng aking katawan. Dahil siguro hindi ako nakakain kagabi at sa pagod na rin ng aking katawan.
Naisip ko na kumain muna ako kahit konti para magkaroon ako ng lakas sa katawan ko. Tinanggal ko ang takip sa pagkain na nasa lamesa. Nang maamoy ko ang ulam ay mabaho na ito dahil panis na pero ang kanin ay okay pa naman.
Mahimbing ang tulog ng mag-ina sa lapag dahil rinig ko ang kanilang hilik sa pagtulog. Napagpasiyahan ko na kainin ko na lang ang kanin kahit walang ulam.
Hindi ko naubos ang kanin na nasa plato. May konting tira pa na kanin, dumiretso ako sa lamesa upang itapon ang panis na tinoklang manok.
Kumuha na rin ako ng tubig at uminom ako.
Minabuti ko munang magmumog at maghilamos bago ako lumabas ng bahay. Gusto kong mahanap si Raylin
na aking anak baka sakaling may balita akong makuha.
Pagkatapos kong maghilamos, pagkatalikod ko nasa likod ko na pala si Riza.
"Ate, tapos ka na ba kumain? Nag-almusal ka na ba?" tanong niya sa akin.
"Nakakain na ako ng kanin tapos yung ulam kagabi tinapon ko panis na. Dito muna kayo, walang tao dito. Lalabas ako para makakuha ng balita baka may balita na sa anak ko. Pupunta na rin ako sa police station para i report at mabilis mahanap si Raylin."
Lumabas na ako ng kusina at tumingin ako sa salamin sa sala para suklayin ang aking buhok at tinali ko ito.
"Samahan na kita para may kasama ka, ate. Tulungan kita na mahanap ang pamangkin ko. Saglit lang, mag-aayos lang ako ng mabilis para masamahan kita."
Inantay ko siya, makalipas ang walong minuto nakaayos na si Riza at sinumulan na naming magtanong-tanong sa labas ngunit wala pa ring nakakapagturo kung nasaan ang anak ko. Sunod naming pinuntahan ang presinto para i-report ang anak kong nawawala.
"Good morning po Sir, saan po pwede magreport? nawawala po kasi anak ko kahapon pa." tanong ko sa pulis na nasa labas ng police station.
Sinamahan kami sa loob at itinuro sa amin kung kanino kami pwedeng magreport patungkol sa anak kong nawawala.
"Tara po, ma'am dito po sa loob. Sa Desk officer po ma'am. Dito kayo pwede magreport o humingi ng tulong. " ang mabait na tugon ng mamang pulis sa amin.
Lumabas na ang mamang pulis na nagturo sa amin dito.
"Good day, ma'am! Ako po si Police Officer Reynaldo, Ano po ang maitutulong ko sa inyo? Maupo muna kayo."
Umupo muna kami ni Riza sa upuan
at agad kong sinabi
"Sir, ire-report ko lang po yung anak ko pong babae nawawala. Kahapon pa po. Hindi pa siya nauwi hanggang ngayon. Nag-aalala na po ako para sa kaniya. Sir, please tulungan niyo po kami mahanap siya. Kahapon ko p kasi hinahanap ang anak ko pero wala akong balita kung nasaan siya. Baka kung anong nangyare na sa anak ko, sir."
Hindi ko mapigiling umiyak, nag-aalala na kasi ako kay Raylin.
Ang sakit sa pakiramdam kapag nawawala ang anak mo. Hindi mapigilan mag-isip ng kung ano-ano. Hinihimas ni Riza ang aking likod dahil sa pag-iyak ko.
"Sige po, ma'am pero may mga ilang katanungan ako na kailangan niyong sagutin para mahanap po natin ang inyong anak. Anong oras po ba nawala, ang anak ninyo kahapon? Bago po siya mawala, saan po huling nakita ang anak ninyo?"
"Bandang alas tres ng hapon, Sir. May bisita kasi ako sir sa bahay tapos inutasan ko bumili ng pang meryenda para sa bisita. Tapos po hindi na siya nakauwi. Humingi pa nga po niyon ng pera kasi may bibilhin daw po siyang pagkain na gusto niya. Binigyan ko po tapos inutusan ko siya bumili na rin ng tinapay at softdrinks." pagsalaysay ko sa pulis na kausap ko.
"Ano po ba anak niyo, babae o lalake po ba? Ano po buong pangalan niya "
"Babae po sir, Raylin B. Suarez ang pangalan ng anak ko, sir." sagot ko sa tanong niya.
"Bago po ba nawala ang inyong anak, napagalitan niyo po ba siya or may tampo sa inyo? Saka ilang taon na po pala ang anak niyo, ma'am?" mga tanong sa akin ng police officer na kausap ko.
May kinuha siyang notebook sa kaniyang lamesa at kaniya itong binuksan. Sinusulat niya ang mga detalye na sinabi ko kanina.
"Hindi ko naman po siya napagalitan at wala rin sir tampo ang anak ko sa akin."
Inabot niya ang notebook sa akin pati ang ballpen.
"Pasulat na lang po ma'am buong pangalan mo, pangalan ng anak niyo, edad, number niyo rin po para kung sakaling mahanap ang anak ninyo or makita ay matawagan po kayo. Pasulat rin po ng address niyo para kung sakali may information kaming nakuha ay mapuntahan namin kayo."
Sinunod ko ang sinabi ni Sir Reynaldo sa akin, sinulat ko ang mga details na kailangan niya.
Binalik ko ang notebook at ballpen nang matapos ko isulat.
"Ikaw po ma'am (Riza), kasama niyo po ba siya?" tanong niya sa kapatid ko.
"Opo sir, pamangkin ko po ang nawawala. Gawin niyo sir ang lahat para mahanap po pamangkin ko sir. Nakakaawa po ang ate ko di na siya makatulog at makakin sa pag-aalala sa anak niya." pakiusap ni Riza.
Tumayo ang police officer na aming kausap at sinabi sa amin na
"Makakaasa kayo na gagawin namin lahat para mahanap po ang anak niyo ma'am. May picture po ba kayo ng anak ninyo. Kakailanganin po natin ang picture ng anak ninyong nawawala."
"Meron po sir, ito po nasa cellphone ko. Pwede na ba niyan sir?"
Nang makita niya ang larawan ng aking anak "Basta ma'am hindi magkalayo sa picture ang hitsura ng anak niyo ngayon. Pasa niyo na lang sa akin ang litrato."
Pinasa ko ang litrato ng anak ko at naghintay pa kami sa presinto dahil aayusin pa ang ipi-print para sa ipapaskil at ipapamigay naming papel
na naroon ang details upang mabilis mahanap si Raylin.
Sinabi rin sa amin na ipaalam sa barangay ang tungkol sa anak kong nawawala para matulungan din kami at mapabilis ang paghahanap.