Jailyn's POV
Nalungkot ako nang malaman ko nawawala ang aking pinsan na si Raylin. Naawa ako sa kalagayan ni Tita, dahil kita ko rin sa kaniyang mga mata ang lungkot, sakit, at pag-alala para sa kaniyang anak.
Alam kong pagod na pagod siya sa paghahanap kanina kay Raylin kung kaya't nakatulog sa upuan. Hindi nga niya nagalaw ang kaniyang pagkain na niluto ni mama.
"Jailyn, kuha ka ng takip para pangtakip sa pagkain ng tita mo. Takpan mo yung pagkain sa lamesa niya at pagkatapos dito na tayo kumain."
Sinunod ko ang utos ni mama, kumuha ako ng pangtakip sa kusina at tinakpan ang pagkain ni tita. Nagsimula na kaming kumain ni mama. Habang kumakain kami ni mama, pumunta sina Lester at papa nakita kaming kumakain ni mama.
"Darling (Papa), kumain na ba kayo ni Lester?" tanong ni mama
"Oo, kakatapos lang. Kamusta na si Ate Almara? Saka pala bago ako umalis dadaanan ko ang barangay para ipaalam at matulungan tayo na mahanap si Raylin."
Aalis kasi si papa ngayon papuntang trabaho niya. Malayo kasi trabaho ni papa at stay in siya doon. Nakwento na rin kasi ni mama kay papa kanina
ang tungkol kay Raylin nung tinawag ako ni mama sa bahay para pumunta at samahan namin si tita dito.
"Sige, darling. Nakatulog si Ate sa sobrang pagod sa paghahanap niya. Dito na lang muna kami para may kasama si Ate. Tapos ingat ka sa pag-alis mo ha.. Bye!" tumayo si mama at kiniss niya sa pisngi si papa.
"Sige, mauna na ako mga anak. Wala bang kiss kay papa diyan." malambing na sabi ni papa sa amin
Tumayo at kiniss ko din si papa sa pisngi "Bye, 'pa ingat!"
Tumayo din si Kuya Lester, nagpaalam at nagkiss siya sa pisngi ni papa. Nang matapos naming magpaalam lumabas na si papa.
Nainis naman ako sa ginawa ni kuya Lester, nanguha siya ng ulam ko. Kinuha niya ang isang manok na laman sa kanin ko na walang paalam.
"Ano ba, kuya?! Ulam ko niyan, nangunguha ka, kumain ka na di ba? Nangunguha ka pa! 'Ma, si kuya oh.. nabawasan pa ulam ko." inis na sabi ko.
"Sayo ba niyan? akala ko walang may-ari. Parang ulam lang, iiyak ka na agad. Hahaha" pang-aasar pa niya sa akin
"Di ba plato ko niyan? nakikita mo kumakain ako tapos sasabihin mo , walang may-ari!" nakakainis na sabi ko. Hindi ko mapigilan na magalit sa kaniya.
Akala mo naman hindi kumain sa bahay kung makakuha ng ulam. Dalawang manok ulam ko kinuha niya yung laman. Nakakainis, ang bilis nangunguha agad.
"Ikaw, Lester. Umuwi ka na sa bahay kung mangungulit ka lang dito. Nakakain ka na di ba? ba't kinukuha mo ulam niya (Jailyn)? Natutulog ang tita niyo. Hindi niyo ba nakikita, pagod ang tita Almara niyo. Tapos mag-iingay pa kayo dito. Lester, doon ka sa bahay matulog para walang maingay dito. Walang tao doon , dito kami matutulog ng kapatid mo. Umuwi ka na..."
Lumabas na si Kuya Lester dahil pinagsabihan siya at dinagdagan naman ni mama ang ulam ko kapalit sa kinuha ni Kuya.
Kinabukasan, pagkagising ko ay wala na sina mama at tita Almira dito.
Saan kaya sila magpunta? Iniwan ako mag-isa dito.
Tiniklop ko ang banig na hinigaan namin ni mama kagabi. Tinabi ko muna ito sa isang gilid dahil baka dito ulit kami matulog mamaya.
Pumunta muna ako sa bahay baka sakaling naroon si mama. Pagpasok ko sa bahay, wala doon si mama. Ang nakita ko lang si kuya Lester na tulog pa din hanggang ngayon.
Binalikan ko ang bahay nina tita dahil nakalimutan ko isarado ang pintuan.
Dahil wala akong magawa nagwalis muna ako sa sala ng bahay ni tita.
Dinamay ko na rin ang paghuhugas ng plato na naiwan sa hugasin.
Naging masipag ako ngayon, siguro dahil wala akong magawa. Naisip ko rin na tulong na rin kay tita Almara.
Napagod ako sa pagwawalis at paghugas ng plato.
Gusto ko magpahinga muna at manood ng TV. Binuksan ko ang tv at sabay umupo sa upuan.
"Kakapagod, makanood muna. Tama rin naman pala ginawa ko kaya okay lang mapagod. Tinutulungan rin naman ako ni Raylin na maglinis ng kwarto ko kapag napunta siya minsan sa bahay."
Abala ako manood ng tv hanggang sa narinig ko ang boses nina mama at tita almira sa labas na may kausap sila sa labas. Pinatay ko agad ang TV at sumilip ako sa labas kung sino ang kausap nila mama.
Mga barangay tanod pala kausap nila at may kasamang isang pulis.
"Ma'am kahit kami na lang po muna maghanap sa anak ninyong nawawala. Maghintay na lang po muna kayo at kami na bahala. Babalitaan na lang namin kayo kapag nahanap na namin ang anak ninyong si Raylin." sabi ng isang pulis kina Tita at kay mama.
"Sir, hindi po ako kampante na walang gagawin at maghihintay na lang dito. Gusto ko rin tumulong sa paghahanap sa anak ko." nakakaawang sabi ni tita
Hinawakan ni mama si tita sa balikat nito "Ate, kaya naman nila kahit siguro huwag muna tayo sumama sa paghahanap. Mas mabuti kung magpahinga ka muna ate para bumalik ang lakas mo."
"Okay lang po ma'am, naiintindihan ko naman. Kung kaya niyo sumama, pwede naman po pero if ever na gusto niyo muna magpahinga ay kami na lang po muna kikilos sa paghahanap."
Bumalik na ako sa loob at hindi na ako nakinig sa usapan nila. Nagugutom na kasi ako, pumunta ako sa kusina baka may pagkain para makapag-almusal ako.
Nang tiningnan ko ay walang pwedeng kainin kahit sa bahay namin walang pagkain nung pumunta ako kanina. Nagugutom na talaga ako, lumabas ulit ako para tanungin si mama kung ano ang almusal ko.
Kinalabit ko si mama sa kamay niya at tumingin ito sa akin.
"Mama, gutom na po ako. May pang-almusal ba tayo 'ma?"
Kumuha si mama ng pera niya sa kaniyang bulsa sa short. Binigyan ako ng sixty pesos ni mama.
"Bumili ka ng tinapay, isang kape na twinpack at gatas mo. Bumili ka muna ng kape at gatas tapos yung natirang pera bilhin mo ng tinapay."
Agad akong umalis para bumili ng almusal namin. Gusto ko na talaga kasing kumain nagugutom na ako.
Pagkarating ko sa bakery, doon na ako bumili ng dapat kong bilhin. Hindi ko na kailangan pumunta sa ibang tindahan dahil nakita ko may kape at gatas na tinda.
"Ineng, bali fifty five pesos lahat. Umuwi ka na agad baka makapasok ka sa pintuan gaya ng kasama mong babae nung isang araw. Kung may makita ka man na kakaiba, huwag mong lapitan, buksan lalo na pumasok sa loob. Umuwi ka na agad sa inyo.'' sabi ni kuyang nagtitinda na hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya.
Balak ko sana tanungin kung sinong babae na tinutukoy niya na kasama ko. Hindi ko talaga maintindihan kaso pumasok agad siya sa loob kung saan doon sila nagluluto ng mga tinapay kaya umalis na lang ako at umuwi.
Habang nakain kami ng almusal sa bahay nina tita Almara, hindi ko maiwasan maisip ang sinabi ni kuyang nagtitinda sa bakery. Iniisip ko sinong babae na kasama ko na nakapasok sa pintuan.
Anong pintuan tinutukoy niya? Baka may sira sa ulo yung nagtitinda kasi kung ano-ano pinagsasasabi. Hirap kasi paniwalaan.
"Jailyn... nakikinig ka ba?" tanong ni mama, hindi ko alam kung may sinabi si mama. Parang wala namang sinasabi tapos tatanungin ako kung nakikinig daw ba ako.
"Uulitin ko ha.. baka hindi mo narinig sinabi ko. Sasama kami sa mga barangay tanod at sa pulis para hanapin ang pinsan niyo. Tapos kayo, dito lng kayo sa bahay ng tita niyo o sa bahay natin. Huwag kayong lalabas o pumunta kung saan. Uso ngayon ang nawawalang mga bata. Naiintindihan niyo? lalo ka na, Lester kahit sa kumpyuteran di ka pwede pumunta. Kapag nakita o nalaman ko na nasa labas kayo malalagot kayo sa akin."
"Sige po 'ma, dito lang ako." sabi ko at si kuya tumango lang ito sa sinabi ni mama.
Umalis na si mama at tita, kami na lang naiwan ni Kuya Lester.
"Jailyn, kanina nakatulala ka kaya hindi mo narinig agad sinabi ni mama. Bakit ka nakatulala? May iniisip ka ba?" seryosong tanong sa akin
Sinabi ko kay kuya tungkol sa sinabi sa akin kanina ng lalake nung bumili ako ng almusal namin.
"Sinabi niya na ano, yung babae na kasama mo no'ng isang araw ay pumasok sa pintuan at pinapauwi ka kaagad pati pinag-iingat. Yung nagtitinda na lalake sa bakery ang nagsabi sayo?" tanong ni kuya sa akin na parang may alam siya sa sinabi ng nagtitinda sa akin.
Hindi kaya kilala niya ang babae na tinutukoy na kasama ko daw noong isang araw.
Tumango lang ako kay kuya Lester at meron siyang sinabi
"Naalala mo ba yung pintuan na usap-usapan dito na mga bata na tulad natin. Katulad sa nakita ni Raylin na kakaibang pintuan na sinabi sayo tapos pinaalam niyo sa'kin. Tungkol sa sinabi sayo about sa babae na kasama mo noong isang araw. Di ba ang madalas mong kasama si Raylin? Baka si Raylin ang tinutukoy niya. Kung pagdudugtungin ay konektado lahat. Si Raylin ang pumasok sa pintuan at ang pintuan na niyon yung kakaibang pintuan na para bang may magic kaya hanggang ngayon hindi pa rin makita si Raylin at pinag-iingat ka ni Kuyang nagtitinda dahil para hindi ka matulad sa pagkawala ni Raylin."
Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Kuya Lester sa mga nabuo niya sa lahat nang mga nalaman niya.
Hindi ko naisip niyon pero wala pa din kaming patunay kung ayon talaga nangyare.
"Pero kung gano'n nga nangyare kuya anong gagawin natin? Di ba natin ipapaalam kina mama at tita?"
Tumanggi naman si Kuya na ipaalam kina tita at mama dahil may punto siya tungkol sa sinabi niya.
"Sa tingin mo paniniwalaan ba tayo kapag sinabi natin tungkol dito? Di ba na ikwento niyo sa kanila tungkol sa pintuan tapos hindi naman sila naniwala."
Ang hirap pala ng ganito kahit sabihin namin sa mas nakakatanda sa amin ay hindi rin naman paniniwalaan. Ano na lang gagawin namin? Itatago na lang ba namin ito kasi wala namang makikinig sa sasabihin namin kasi kahit ako ay nahihirapang maniwala na may ganitong nangyayare.