Charmane's POV
Halos mahigit isang buwan na ang nakalipas simula nung mawalan ako ng malay. Nang araw kung iyon ay nagdesisyon na mismo si Ken na ituloy ang pag-alis namin at pagtungo sa ibang bansa para makapagpagamot ako.
Pilit ko nilalabanan ang sakit na nararamdaman ko. Sobra ang sakit na nararamdaman ng ulo ko. Parang mas gugustuhin ko na lamang na maging tulog na lang oras oras para kahit papaano'y hindi ko ito maramdaman. May kung anong sakit rin ang nararamdaman sa bawat parte ng katawan ko.
Nasabi ko na rin sa pamilya at kaibigan ko ang sitwasyon ko. They broke down in tears and pain nung mismong araw na malaman nila. Batid kong nararamdaman nila iyon hanggang ngayon pero pilit nilang ipinapakita na maayos ang lahat para kahit papaano ay mabuhayan ako ng loob.
Nung nakaraang linggo lamang ay nandito ang buong pamilya ko kasama ang ilan sa kaibigan ko, pero agad rin silang bumalik sa pilipinas dahil may kanya kanya ring pinagkakaabalahan.
Naiintindihan ko naman. Ang mga kaibigan ko ay may sari-sariling flight. Ang magulang ko ay may negosyong naiwan sa pilipinas bukod doon ay may pasok pa ang nga kapatid ko. Hindi naman maaaring pati ang mga gawain nila ay matigil dahil lamang sa may sakit ako.
I looked at my right side. I saw my man. May kung anong kirot at saya akong naramdaman dahil kahit anong nangyari ay hindi nya ako nagawang iwanan, pero mukang ako ang mangiiwan. Kahit anong gawin namin ay hindi namin malalabanan pa ang kamatayan.
Alam ko na rin kung saan ang patutunguhan ko noon pa lang na malaman kong may sakit ako. I even refused his suggestion na magpunta dito para sa treatment.
Napatigil ang paglalakbay ng isip ko ng may pumasok na doctor.
"Mr. Chua, can I have your little time? I just want to discuss something"
Tumingin naman sakin si Ken na parang nagpapaalam. Pinisil ko naman ang kamay nya para sabihing ayos lang ako mag-isa.
Ilang minuto lamang ay bumalik si Ken na tila namumugto pa ang mata. I knew it.
"Ken" pilit kong pinasigla ang tono ng boses ko kahit hirap na hirap na ako.
"Ano yon? May kailangan ka ba? May masakit ba sayo? Sabihin mo saken"
"Ano ka ba ayos lang ako. Ken I want to go to park. I want to see the life yung sa labas ng hospital"
"No."
"Ken sige na" pagpupumilit ko.
"Charmane anong pinagsasasabi mo? Akala ko ba lalaban ka? Magpapakasal pa tayo diba? Kapag gumaling ka babalik tayo ng pilipinas. Magpapakasal tayo at bubuo ng pamilya. Nakuha na natin ang blessing ng family mo, Charmane naman"
"I want to live a normal life for the last time Ken. Wag na tayong magpanggap alam na nating dalawa ang kahihinatnan ko umpisa pa lang" mapait akong napangiti.
I'm sorry for causing you too much pain baby.
"Fine. Dadalhin kita sa Park. Mamamasyal tayo" nakangiti nyang saad kahit bakas sa mata nya ang lungkot.
You deserve someone better. Someone who can stay with you no matter what happened. Someone na mabibigyan ka ng masaya at kumpletong pamilya. You deserve all of that.
"I wanna go picnic with the man I love"
"I wanna go fishing"
"I want to spend my remaining life with you"
"Charmane don't say that. Para namang nagpapaalam ka e"
"No. Come on let's face reality. You deserve someone better"
I wanna enjoy life to the fullest. Ayoko ng ikulong pa ang sarili ko sa hospital na 'to wala namang nanggayari.
Habang nasa park ay panay ang linga ko. Buhay na buhay ang paligid. Puro batang naglalaro ng masaya. Naghahabulan, taguan at kung ano ano pa.
"You want ice cream?" tanong sakin ni Ken.
I want to live longer.
"Sige" I nodded.
May bolang tumigil sa may paanan ko, agad ko iyong kinuha at iniabot sa batang babae.
"Thank you po ate!" masayang tugon nito na nakapagpangiti sakin.
Dumating si Ken na bitbit ang ice cream. Iniabot ko naman sa bata yung ice cream na agad naman nitong tinanggap na ikinatawa ko. She likes ice cream that much huh?
Halos magiisang oras na kaming namumuni-muni ni Ken sa ilalim ng puno.
"Ken m-my head hurts" Ani ko ng makaramdam na naman ng matinding sakit ng ulo.
Habang papalapit sakin si Ken ay naramdam ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko.