Charmane's POV
"Good morning sunshine, how's your sleep?" malambing na bungad sa'kin ni Ken.
Parang walang nangyari sa paglayo ko. Umalis ako sa apartment na tinutuluyan rin nj Ken para makaiwas sa kanya pero heto ako at kasama sya, katabi pa. I never thought that it would be this hard para lumayo sa kanya.
Karupukan level 99999.
"Alam mo bang ngayon lang ako nakatulog ulit ng maayos?"
Liar.
"Wag mo kong sabihan ng mga ganyang salita di eepek saken, alam ko naman na you slept with another woman na naman e. Wagas ka kayang mambabae"
"Hindi kaya, seryoso ako" he pouted. "Ayoko na ng babae halos mabaliw ako sa sakit nung iniwan mo 'ko ayoko na non Charmane"
"Sus"
"Totoo nga. Tapos minsan pa akong nanaginip na nawala ka daw sa'ken iniwan mo daw ako" saglit sya ng napatigil.
Iniwan ko naman talaga sya. Lumipat pa nga ako ng tirahan e.
"Based on my dream you already leave me... Permanently" malungkot nyang dugtong
"You won't leave me right? Hinding hindi kita hahayaang makatakas at lumayo saken. I'll keep you in any way I can."
"Get up. We'll see a doctor."
Pagkatapos naming kumain ay nagayos na ako ganon rin ang ginawa ni Ken. Daig ko pa ang disabled person kung alalayan ako ni Ken, akala ata baldado ako. Pero malaki pa rin ang pasasalamat ko kase nananatili sya sa tabi ko para alagaan 'daw' ako. Samantalang halos ako rin umaasikaso sa lahat maging sa kakainin namin.
"I'm Doctora Valdez, actually inaanak ko yang si Kendrick" pagpapakilala saking ng isang doctor na sa palagay ko'y nasa limampung gulang na.
Tinanggap ko ang nakalahad nyang kamay tsaka nagpakilala "Charmane po doc."
They do some test para daw malaman kung ano at bakit ganito ang nararamdaman ko nitong nga nakaraang araw, puro sakit ng ulo pagkaliyo.
Ilang minuto pa'y bumalik na ang doctor na kausap namin kanina.
"Iha gusto sana kitang makausap ng tayong dalawa lang"
"Ninang sasamahan ko na sya" - Ken
"Hindi na, ahm Ken sige na hintayin mo na lang ako sa labas"
"Nako ikaw talaga Ken hindi porket inaanak kita e hahayaan kita, hala sige at don ka muna sa labas"
"Tatapatin kita ija. Hindi ka buntis"
May kung anong panghihinayang akong naramdaman sa loob loob ko.
"Sad to say but you have Chronic Myelogenous Leukemia. You're already in stage 3. This kind of leukemia mostly affect adults. Ang person with this kind of leukemia may have few or no symptoms at all."
Napatungo ako at hindi napigilan pa ang mga luhang maglakbay sa pisngi ko.
"Siguro ay may nararamdaman ka na rin noon pa pero hindi mo nabibigyang pansin. Marahil nabalewala mo lang at inakalang simple lamang ang ganoong pakiramdam" paliwanag ng doctor.
"Don't tell it to Ken."
"He deserved to know, tutal di mo rin naman ito maitatago sa kanya"
"I know. Ako na lang po ang bahalang magsabi sa kanya."
Buong byahe hanggang makabalik sa apartment ay tahimik lang ako, nagiisip. Anong gagawin ko ngayon?
"Di ko alam kung bakit ayaw mong sabihin saken ang sinabi sayo ni ninang kanina" he hugged me from behind and rested his head to my shoulder. "Tell me what's wrong hmm?" malambing nya lang dugtong.
"Ken may sakit ako."
"Anong gamot ba kailangan mo? Daan muna tayo sa bilihan?" saad nya at kumalas sa pagkakayakap saken. Iniharap nya ako sa gawi nya habang ako'y patuloy sa pagiyak.
"Ken I have Leukemia stage 3. I-m gonna die... Am I? K-Ken natatakot... N-natatakot ako."
Niyakap nya ako ng mahigpit at sinubsob sa kayang dibdib. Yumakap rin ako sa kanya dahil sa totoo lang ay natatakot ako. Natatakot ako na sa katotohanang malala na ako. Hindi ko na kailan man makikita si Ken, ang pamilya ko, ang nga kaibigan ko. Ang hirap tanggapin.
"Magpapagamot ka okay? Lalabanan mo yan. Sasamahan kita, kasama mo ako, pamilya mo" nang aalo nyang saad.
"Hindi na Ken magsasayang lang tayo ng pera at lakas, baka sa huli ay mamatay lang rin ako" umiiling kong sagot.
"That's bullshit Charmane!"
Napahagulhol naman ako. Too much emotion. Nakakapanikip ng dibdib.
"Kumalma ka nga. You deserve someone na mahaba ang buhay okay?" pabiro kong saad
"No! Ikaw ang hindi makaintindi e. Charmane mahal kita, mahal na mahal kung alam mo lang kung paano ako parang nabaliw nung iniwan mo ako, dahil nagalit ka saken. Charmane mahal kita, I can't afford to lose you. Hindi ko kaya." aniya habang umiiyak
Realization hits me.
He loves me.
I smiled.
Mahal nga natin ang isa't isa pero mali yung timing naten e. Nasa maling pagkakataon tayo