Charmane's POV
Nagising ako kinabukasan na masama pa rin ang pakiramdam. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pinilit ko pa rin ang sarili kong bumangon para makapag-ayos dahil maaga akong papasok. May usapan kami nina Rachelle na say sabay kaming maguumagahan.
Pumasok ako sa banyo at inalis ang lahat ng damit ko. Nagtataka ko naman tinignan ang sarili ko sa salamin. May bago na naman akong pasa na tulad nung nakaraan ay hindi ko alam kung saan nagmula.
I even have night sweat. Hindi naman ako ganto dati.
I composed myself and do my routines.
Nagcommute na lang ako hanggang makarating kame sa meeting place na napagusapan namin ng mga katrabaho ko.
Napuno ng tawanan at kwentuhan ang lamesa ng dinulugan namin. Puro kantyawan at bukingan. Pero hindi ko magawang ma-enjoy dahil pakiramdam ko ay tatrangkasuhin ako.
"Cr lang ako" paalam ko, ngunit bago pa man ako makatayo ay nakaramdam na ako ng hilo kaya't napaupo na lang ulit ako.
"Your nose is bleeding" saad ni Michael at dinampi sa ilong ko ang kanyang panyo.
"Ano bang nangyayari sayo? Okay ka lang ba? Masama naman ata timpla mo bakit ka pa pumunta at may balak ka pang pumasok ah. Sumbong kita kay Ken" - Rachelle
Napairap naman ako sa hangin. Hindi ko na magawang makipagtalo dahil ansama talaga ng pakiramdam ko.
Inihatid ako ni Michael sa apartment na tinutuluyan ko para daw makapagpahinga ako, sila na daw bahala magsabi ng kalagayan ko.
Ano bang nangyayari saken? Maybe I should look for doctor.
Ilang oras ang nakalipas ng makarinig ako ng doorbel at sunod na sunod na katok.
Dahan dahan akong bumaba at pinagbuksan ng pinto ang kung sino mang taong naroon.
"I miss you so much" bungad ni Ken sabay yakap sakin ng mahigpit. Nagpatianod na lang ako sa kanya hanggang sa maisara nya ang pinto.
"What are you doing here?" I asked him kahit hinang hina na ako.
"I came here to visit you. Okay ka lang ba namumutla ka" nagaalala nyang tugon at inilapat ang likod ng palad sa noo ko at leeg. "Mainit ka mataas ang lagnat mo"
"Okay lang ako, kumain ka na ba? Magluluto ako"
"No let me, don ka na muna sa kwarto ako na magluluto"
"Pero hindi ka marunong, sigurado ka?"
"Trust me"
Kinabahan naman ako sa sinabi nya. Baka mamaya masunog ang buong building na ito dahil mapupunta sa kusina si Ken. Nakangiting iiling iling ako sa aking isipin.
Bumaba muli ako para silipin kung anong klaseng pagluluto ang ginagawa ni Ken.
"What the f**k Ken"
Kamot ulo naman syang tumingin saken. Lalo ata akong magkakasakit sa konsumisyon sa lalakeng 'to. Magprito ng itlog sa tubig? Taga bundok ba sya?
Kinuha ko yung itlog at akmang itatapon ng pigilan nya ako.
"Itatapon mo lang sayang yung itlog"
"Kakainin mo ba itong niluto mong itlog na pinirito sa tubig?"
"Hindi, sabi ko nga itapon mo na"
Kumuha ulit ako ng panibagong itlog tsaka kumuha ng mantika.
"Ganito ho magluto. Alam mo yung mantika? Yun po ang ginagamit pang prito ha? Hindi ho tubig"
Kagat kagat nya naman ang ibabang labi na tila parang napagsabihan ng magulang. Kahit kailan talaga.
"Sige na don ka na hintayin mo na lang itong maluto"
Inihanda ko sa lamesa ang niluto ko. Tsaka sya niyayang kumain.
Nang matapos kaming kumain inalalayan naman nya ako pabalik sa kwarto at pinainom ng gamot.
"San mo nakuha 'to?" patukoy nya sa pasa ko sa braso.
"Wala"
"Sino may gawa nito sayo?"
"Wala nga Ken. Nagigising na lang ako na may ganyan na ako. Wag mo nga intindihin"
"May iba ka na ba?"
"Anong klaseng tanong yan? You know it's always been you Ken"
"Good" aniya at yumakap saken
"You lose weight. Lumiit ang bewang mo. I feel it. Hindi ganto 'to dati pinabayaan mo ba sarili mo?" tanong nya.
"Madalas lang talagang sumakit ulo ko tsaka mahilo. Ang bigat din ng pakiramdam ko"
"Are you pregnant?" tanong nya na may malapad na ngiti.
Am I?
"Imposible yan"
"Pero ano yang nangyayari sayo? Malay mo may laman na 'to" masaya nya la ring tugon at hinawakan pa ang tyan ko.
"Wala nga tigilan mo ako. Hayaan mo bukas magpapacheck up ako"
"Talaga?" nakangiti nyang tugon sabay halik sa pisngi ko tsaka sa labi. "Can I sleep beside you?"
"Ken naman—"
"Shhh, I'll take that as a yes baby. I love you"
"I ahmm I love you too" nahihiya ko pang tugon.