CHAPTER 16 "NALAMAN"

2008 Words
RHAIZA Kinabukasan ay muntik na akong tanghaling magising dahil hindi agad ako dinalaw ng antok kagabi. Naalala ko na naman ang ganap sa Resto kagabi. Ang pag papangap namin ni Engineer bilang mag Jowa. Maganda rin ang Ex ni Engr. Mukang laki ito at galing sa may kayang Pamilya. Kasama nya daw ang nobyo nya ngunit bilang babae ramdam ko na may something parin sya kay Engr. Lalo na noong sinabi ni Engr. na ako ang bago nyang nobya. Kita ko ang pagbabago ng expression ng kanyang mukha, ang pagtaas ng kanyang kilay sa akin. Hindi ko alam ngunit tila may naramdaman akong kakaiba habang pinagtatanggol ako ni Engr.Anton Kanina. Kaya sinakyan ko na lamang ang biro nya. Hangang sa makarating kami sa sasakyan ay doon lamang kami naghiwalay upang di mahalata ni Eve. Hangang sa pati sa paglalagay ng Seatbelt. Medyo awkward pero nangyari na ang nangyari na matapat sya sa dibdib ko. Mabuti na lamang at umalis din sya agad. Habang naghahanda ako ng breakfast nya ay nagulat ako ng makita ang mukha ni Engr.Anton. Ang laki ng eyebag nito at halatang di rin nakatulog. "Engr.Anton ok na po ang almusal, mag almusal kana po muna." Anyaya ko sa kanya. "Salamat Rhaiza" tugon nya saka nag suot ng shade. "Bakit may pa shade ka Engr.? Kunwaring tanong ko rito. "Ahm..Alam mo na, di ako nakatulog ng maayos kagabi. Kaya ang ending puyat." Saad nya pa. "Ahm..pareho lang tayo Engineer, hindi rin ako masyado nakatulog. Kaya pandalas ako kanina, akala ko late na ako sa paghahanda ng almusal. "Ahm..ganon ba..nga pala salamat kahapon Rhaiza. Sa pagsakay mo sa pag papangap bilang nobya mo. "Ah, wala yon Engineer, nagulat nga rin ako sa ginawa mo, pero buti nalang nasakyan ko agad hehe. Matagal mo bang nobya si Eve Engineer? Pansin ko kasi na..na parang may something pa sya sayo." Nauutal na wika ko. "Hmmm..limang taon din naging kami. Akala ko din noon sya na ang makakasama ko. Ok naman si Everette noong una. Pero nung huli medyo nag iba sya. Saka gusto nya na rin non na magsama na kami. Syempre nung time na yon bago palang ako nagka trabaho, kailangan ko pa tumulong sa magulang at mga kapatid ko." Kwento ni Engineer. Marami pa sana akong nais itanong ngunit hindi ko na rin nagawang osa tinig pa dahil nahihiya rin naman ako na mag usisa pa. Tulad ng dati ay ipinaghanda ko na lamang sya ng baon. Nagluto din ako ng Japchae para meron syang ibang makain maliban sa Kanin at ulam. At syempre hindi mawawala ang mga prutas na talagang binabalatan ko pa para kakainin nya na lamang pati na rin ang cookies na ginawa ko para sa kanya. Nang makaalis si Engr. Ay inabala ko ang aking sarili sa paglilinis ng bahay. Pinalantsa ko rin ang kanyang mga uniforme na sinusuot. Sunod ko namang ginawa ay inayos ko naman ang mga Grocery sa cabinet. Nasa ganong eksena ako ng biglang may mag doorbel. Pagbukas ko ay nagulat pa ako ng Makita si Mam Ella. "Hi Rhaiza, kumusta ka dito?" Bati nito sa akin habang nakangiti. Kung ano ang seryoso ng mukha ni Engr. Ay kabaligtaran naman ito ni Mam Ella dahil napaka magiliw nito. "Mam, kumusta po? Tuloy po kayo, nasa loob po kasi ako ng Kusina? inaayos ko po kasi ang mga grocery na binili namin kahapon." Anya ko dito. Pumasok naman ito sa loob saka ko naman ito ipinaghanda ng Meryenda. "Pasensya na po mam Ella, yan lang po ang maiihain ko. Ginawa ko po yan kanina pambaon ni Engineer." Anya ko saka inilapag ang ginawa kong cookies. "Salamat Rhaiza, napakanswerte naman sayo ng anak ko at ikaw ang nakasama nya sa bahay. At least kahit papano hindi na kami nag aalala tulad noon." "Naku, wala po yon Mam, napakaswerte ko na rin po dito dahil malinis po ang bahay kaya need na lamang i maintain. Kaya asikaso ko lamg po talaga si Engineer Anton sa pagkain." Wika ko pa rito. "Kahit pa, pero salamat Hija at alam namin na maayos ang anak namin, hindi kami nag aalala kasi narito ka. Kahit papano alam namin na naaasikaso sya. At lung may sakit sya alam namin na kahit papaano merong mag aalaga sa kanya." Wika pa nito. Nagtuloy lamang kami sa kwentuhan hangang sa mapunta ang usapan namin sa personal na buhay ni Engr. Antonello. "Alam mo Hija, hiling lang namin na sana ay makapag asawa pa yang Si Anton. Kwarentay singko anyos na pero di pa nag aasawa. Pinag tutulakan na nga namin." "Ahm..Mam Ella, kahapon habang palabas po kami ng Resto nakita po namin yung ex nya po si...Si Everette po." Anya ko kay Mam Ella. Nag iba naman ang awra nito sa pangalang binanggit ko. "Ah Si Eve? Ganon ba? A..anong reaction ni Anton ng makita nya si Eve?" Tanong nito. "Ahm..hindi ko po masyadong makita ang reaction ni Engr. Saka kasama po ni Eve yung Fiance nya daw po, kaya ginawa po ni Engr. Pinagpanggap nya rin po akong GF nya. Kita ko po ang reaction ni Eve nung sinabi ni Engr. Na GF nya ako. Tiningnan nya po ako mula ulo hangang paa." Anya ko pa. Huminga ng malalim si Mam Ella bago nagsalita ulit. "Yang Si Eve ang Long time GF ni Anton. Estudyante pa lamang sila noon. Si Eve, galing sa may kayang Pamilya yan, pero nung time na yon si Anton ay working student. Mabait naman sana sya. Kaso dahil nga anak may kaya kaya napaka bossy. Ang hilig pa ayaan si Anton noon na lumabas, Syempre itong si Anton bilang lalaki nahihiya kaya kahit gipit nagtatabi pa sa allowance nya ng pang date nila ni Eve. Si Eve madalas yan gusto gala. Kahit ayaw ni Anton mag aaya yan, kahit sya pa ang gumastos, pero yang si Anton mahiyain kaya sya parin ang magbabayad. Ok naman sila noong una. Alam ko na minahal at naging inspirasyon din naman ni Anton si Eve. Hangang sa makapag tapos si Anton naroon parin si Eve. " kwento ni Mam Ella, hindi ko alam ngunit tila nakakadama ako ng Kirot sa aking puso habang nag kwe kwento sya. "Ah, ganon po ba? Kaya after po ba kay Eve hindi na po nag Nobya si Engineer?" "Hmm..after ni Eve wala na syang ibang babae na ipinakilala sa amin. Si Eve na talaga ang Una at huli. Amg alam ko may mga nauna din syang naging GF noon bago kay Eve pero siguro mga Puppy love ganon, pero si Eve talaga yung dinala nya sa bahay noon at ipinakilala sya sa amin. Ganon din naman sya sa kanila. Pinakilala nya rin si Anton sa kanila. Akala nga namin noon sa pag aasawa na sila Hahantong. Ang alam ko gustong gusto na ni Eve na magsama sila ni Anton. May trabaho na noon si Anton pero kilala mo naman yan Bago palang sya tumutulong sa amin noon. Nung una sinabi nya kay Eve na pagbigyan sya ng ilang taon para tulungan pa kami pero hangang sa lumipas ang Taon patuloy parin syang niyaya ni Eve ngunit ang sabi nya, hindi pa sya handa magpakasal kasi nga wala parin sapat ang ipon nya nang mga panahon na iyon, Sinabi ko namab noon sa kanya na simpleng kasal lang naman ata ang gusto ni Eve, ang mahalaga magpakasal sila pero umiling sya, kasi kapag daw sa kasal ang napag uusapan nila may mga gusto si Eve na may ganto ganyan sa kasal. Bilang lalaki at Breadwinner ng Pamilya. Alam ng anak ko na hindi nya pa siguro kaya ibigay kay Eve. Kaya sa ikalawang pagkakataon wala paring kasal na nagaganap. Pero ang alam ko pumupunta yan si Eve sa Apartment ni Anton noon. Ilang beses namin yan naaabutan doon. Tinanong ko sya kung nag li live in na ba sila? Ang sabi nya naman at hindi pero halos araw araw naman daw bumisita." Patuloy na kwento ni Mam Ella habang ako naman ay patuloy sa pakikinig. "Isang araw nagulat kaming lahat nagtungo silang dalawa sa amin ni Eve dala ang isang PT na positive. Syempre magkahalong kaba at saya. Saya dahil sa wakas magkaka apo na kami, medyo ka ba dahil ramdam ko sa anak ko na gusto nya rin naman magka anak pero kita ko ang pag aalala sa kanya. Nag doble trabaho sya para sa pag iipon at para sa kasal nila ni Eve at ang isa naman ay para sa Panganganak ni Eve para sa panganay nila. Kita ko kung gaano nag sipag ang anak ko. Kung paano sya tumrabaho ng husto para ibigay ang pangangailangan ni Eve at nang bata sana na nasa sinapupunan nito. Kita ko rin naman na Mahal na Mahal nya Si Eve. Hangang isang araw meron syang natuklasan dito. Akala nya kasi maliit lang magbuntis si Eve kaya di masyadong halata. Hangang isang araw sinundan nya ito. Wala naman syang intensyon sana na sundan pero kinutuban sya. Sa isang bar ito nagtungo kasama ang mga kaibigan. Doon nakita ni Anton kung paano ito uminom ng Alak at Humipak ng Vape gayong buntis ito. Sobrang nag aalala sya para sa kalagayan ng anak nila sa sinapupunan ni Eve. Kaya ng tangka nya sana itong lalapitan doon naman sya halos di makagalaw sa narinig. Nalaman nya na Hindi pala totoong buntis si Eve. Na nagpapangap lamang ito para magsama sila sa iisang bubong at para mapakasalan nya. Ang sabi pa raw nito. Makakagawa at mabubuntis naman daw siguro sya habang nahhihintay na maikasal sila. Sasabihin na lang daw nya kay Anton na Dinugo sya at hindi nabuo ang bata kahit ang totoo ay wala naman talagang sanggol doon. Ginawa nya lamang talaga na magsinungaling para makasama at maka live in si Anton. Kung alam mo lang kung gaano parang gumuho ang mundo ni anton noon, umaasa sya na meron talagang sanggol pero niloko lamang pala sya. Kaya kinabukasan nakipag hiwalay sya kay Eve. Sinabi nya rito ang lahat ng narinig nya sa Bar. Mahal nya ito pero nasaktan sya ng husto sa pag sisinungaling nito." Kwento pa ni Mam Ella. Hindi ko alam ang aking nararamdaman. Awa sa part ni Engineer. Kaya siguro hindi na sya nag nobya ulit dahil nagkaron din sya ng Trauma kay Eve, pano nga ba naman niloko sya. Madami pang kwento si Mam Ella, na kwento nya rin sa akin ang mga paborito at mga ayaw ni Sir Anton. Bandang tanghali ay umalis na rin sya, hinatid ko pa sya sa may labas ng subdivision. Habang naglalakad ako pabalik ay naiisip ko ang pinagdaanan ni Engr.Anton kung gaano sya kasaya nung nalaman nya na magkaka anak sila. At Kung gaano sya kalungkot at nawasak noong nalaman nya na wala naman pala talagang Baby. Na nagsinungaling si Eve sa kanya para pakisamahan nya ito. Sa isanf banda ay nakaramdam ako ng awa sa kanya. Nagmahal din lang naman sya at nagtiwala pero nagawa din syang saktan at Pagsinungalingan. Kaya pala noong sa Resto, parang may something pa sa kanilanf dalawa. Kay Eve, dama ko na may pagtingin pa sya kay Engr. Samantalang kay Engr naman hindi ko gaanong mabasa, suguro may konting kirot parin. Minahal nya naman si Eve ng ilang taon. Pero napaisip ako. Ilang taon na rin ang lumipas hindi ba sila nakaisip na mag reconcile dalawa? Na try kaya nila na mag comeback? Oh after breakup is wala na talaga? Ang dami pang tanong sa isip ko pero ako lang din ang mag o overthink. Pero dahil sa mga nalaman ko mas lalo ko nalang aalagaan si Engineer. Mas lalo ko na lang ipapakita sa kanya na hindi naman lahat ng babae ay tulad ni Eve na niloko sya. Kaya ng makabalik ako sa bahay ay sunod ko nang inasikaso ang pagkain nya sa hapunan. Ang sabi ni Mam Ella ay isa sa paborito nito ang ginataang Manok na may pinya. Kaya naman dalu dali akong kumilos para maihanda ko ang pagkain nya mamaya. Kahit sa simple kong pag aasikaso at pagluluto ng pagkain nya eh maparamdam ko na mahalaga sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD