CHAPTER 17 "ISINAMA"

2555 Words
3RD PERSON Madaling nakatapos sa Pagluluto si Rhaiza. Kaya naman nakapag pahinga at nakapag shower muna din sya agad bago dumating si Engineer. Hangang ngayon ay di nya parin makalimutan ang kwentuhan nila kanina ng ina ng binata. Ala sais pasado ng marinig nya ang sasakyan nito kaya dali dali syang nagtungo sa may Pinto para pagbuksan ito. "Hi Engineer, Magandang gabi " bati nya sa binata saka nya kinuha ang dala nitong laptop. Halos magulat naman ang binata, di sya sanay na masyado syang naaasikaso. Sa halos ilang taon ba naman na namuhay sya mag isa. Tapos sa isang iglap bigla na lang may darating sa buhay nya na mag aasikaso sa kanya, kaya napailing sya habang nagpipigil ng ngiti. Umakyat muna sya sandali sa kwarto para magbihis. Habang ang dalaga naman ay abala na sa paghahanda ng kanilang hapunan. Ilang minuto lamang ay bumaba na rin ito at Handa na rin ang dinner nilang dalawa. Magsisimula na sana silang kumaing ng merong maalala ang binata. "Ay wait...May pasalubong pala ako sayo, buti pala naalala ko." Anya nito saka may kinuha sa bag." Nagulat pa ang dalaga ng iabot ng binata ang Siomai. "Heto pala, Nagpa Free taste si Madam She kanina. Masarap naman kaya bumili na ako. Tapos dinagdagan nya na rin sabihin ko daw para sayo." Wika pa nito. Tuwang tuwa naman ang dalaga. Wari nya ay nanalo sya sa bingo dahil pinasalubungan sya ng binata. "Naku salamat Engr. Isa ito sa favorite ko. Alam mo ba na isa ito sa nagpa survive sa akin nung nag aaral ako ng vocational noon? Kaya talaga namang naging paborito ko ito." Anya naman ng dalaga. Masaya silang kumakain habang panaka nakang nag kwe kwentuhan. Hangang sa makatapos sila ay naupo muna si Engr.Sa sala saka nagbukas ng TV medyo nanibago ang dalaga dahil dati ay diretso agad ito salwarto matapos kumain pero ngayon ay tumambay muna ito sa sala saka nagbukas ng Netflix. "Engr. Mag mo movie marathon ka ba? Gusto mo bang ipaghanda kita ng snacks habang nanonood ka?" Tanong ng dalaga rito. "Hmm..Good Idea, Sige gawa ka ng snacks para may Pagkain tayo habang nanonood Tayo." Sagot pa nito. Palihim na napangiti naman ang dalaga. Ibig sabihin ay nais ni Engr. Na makasama sya na habang nanonood sila ng Movie. Nag gawa ng popcorn ang dalaga plain lamang ito dahil ayaw ng binata ng maalat dahil baka sumobra na daw. Kaya plain lamang ang ginawa nya. Ni request din nito na magbukas sila ng LemonDou. Ok lang naman dahil 3% alcohol lamang naman ito kaya habang nanonood ay para silang nasa sinehan. Nakasuot ng salamin ang binata. Kapag kasi pagabi na at na e expose sa maliwanag ay nagsusuot ito ng salamin pero bagay naman ito dito. Maganda ang pinapanood nila May makukuhang aral. Pag may mga eksena nga lang na SPG ay parang na A Awkwardan sila Kaya kapag Bedscene ang eksena ay kanya kanya silang Dampot ng CP at kunwari ay may Ini Scroll. Ang malala after ng eskena sabay silang nagkakatinginan. Awkward diba.( hahaha) May eksena doon na nag cheat ang unang GF ng bida kaya naka relate si Rhaiza. "Sana ang magkakilala nalang ay yung mga pare parehong Cheater at Yung mga Matitino naman ay para sa matitino, kung ganon sana e di mas masaya ang buhay. Walang GF or BF na iiyak dahil sa Pagloloko ng kanilang partner." Anya ng dalaga kaya napatingin ang binata. "Bakit? Naloko ka na rin ba?" Tanong nito. "Hmm...Oo Engr. Nung una at huli kong naging BF." Sagot naman nito. "Nag cheat?" "Oo eh, At ang pinakamasakit sa Tinuring ko pang kaibigan." "Hmm..ganon ba? Bat nahantong sa cheat ang nangyari?" Patuloy na tanong nito. "Ahm... may mga bagay kasi na gusto nyang gawin namin pero hindi pa ako handa. Tulad mo ay marami pa rin akong obligasyon sa buhay. Pero dahil doon sa pagtanggi ko iyon ang ginawan nya ng butas para makapag cheat sa akin. Mas ok pa sana na nakipag hiwalay na lang sya sa akin. Kesa sa Mahuli ko sila sa Akto." Anya nito saka natawa ng pagak. "Hmm..ganon ba? Malas naman ng Ex mo, Hindi nya nakita ang tunay na halaga mo Rhaiza, pero hwag ka mag alala, hindi ka siguro talaga para sa kanya. Basta mag tiwala ka lang darating din ang tamang tao para sayo" anya pa nito. Nabalik naman ng dalaga ang tanong nya sa binata. "Eh Bakit ikaw Engr.? Bakit di ka pa nag aasawa, dapat siguro ay mauna kamg mag asawa kesa sa akin." Biro naman dito ng dalaga ngunit buntong hininga ang una nitong pinakawalan bago sumagot. "Hmm..Asawa hindi na siguro? Parang nalipasan na ako ng Panahon. Di ko.alam pero parang tapos na ako sa mga bagay na yan." "Ganon? Bakit naman Engr. Kung makapagsalita ka naman para bang Ang tanda mo na e di ka pa naman ganon katanda. Makakapag asawa ka pa nyan." "Tingin mo ba maisisingit ko pa ang pag aasawa? Ang busy ko sa trabaho paramg doon na lang naikot ang mundo ko." "Eh kasi nga ayaw mong bigyan ng time ang sarili mo kahit pwede naman. Hindi naman kailangan palaging Mahal. Bakit ayaw mo subukan ang puso mo sa ibang bagay then getting to know sa ibang tao ganern tapos diba malay mo may makilala ka or baka naman nandyan lang pala sa Tabi tabi di mo lang napapansin." Anya ng dalaga sabay ng paghina ng boses nito. "Hmm..haha ano? Baka nasa tabi tabi lang? Sino yung nasa tabi tabi na yon ha?" Natatawang wika ng binata medyo nahiya at kinabahan naman ang dalaga kaya nagkanda utal utal ito. "Huh? Hmm..malay mo nasa tabi tabi mo lang..i mean sa site mo baka mamaya nandon lang pala. Oo tama kasi nung andon kami sa canteen may binibiro silang babae don eh..Miyuki...Oo tama Crush ka daw nong Miyuki sabi nung Megan." Wika pa nito saka naman natawa ang Inhenyerong Binata. "Hahahaa..Si Yuki Ba? Talaga ba Crush nya ako? Kaya pala palagi nya ako inaasikaso kapag andon ako sa canteen nila. Saka madalas nya rin ako bigyan ng sabaw nila don." Anya nito kaya napatingin dito si Rhaiza. "Tinitikman mo ang sabaw ni Yuki Engr.? Ayaw mo ba sa Sabaw ko? "Ha? Hindi naman, masarap ang sabaw mo syempre, pero nabibitin ako minsan kaya itong Si Yuki kapag nagbibigay ng Free e dinkinikuha ko na din hehe." "Hmm..ganon ba? Okay sabi mo eh. Hayaan mo Bukas Dadamihan ko na ang sabaw, para di kana Titikim sa iba." Anya nito saka kunwari ay sinamaan ng tingin ang binata. Saka sila sabay nagtawanan. Nanonood parin sila ng Movie hangang sa napansin na lamang ng dalaga na nakatulog na pala ang Gwapong Binatang Engr. RHAIZA ELIZE "Engineer....Engineeer.." mAhinang tawag ko dito ng mapansin ko na tulog na sya. Bahagya kong tinanggal ang suot nyang salamin dahil baka maipit nya pa ito. Nakatitig ako sa kanyang Mukha. Maamo naman pala tingnan ang mukha ni Engineer kapag Tulog. Mahaba ang kanyang mga Pilik mata. Ang kanyang matangos na ilong ba bagay sa kanya. Ang mapula nyang labi na sigurado akong natikman na ni Everette. Nakaramdam ako ng Hili ng maisip iyon. Kung inakala nila na Buntis noon si Everette ibig sabihin may nangyari na rin sa kanila. Sa bagay wala naman na tayo sa unang panahon saka sa edad din naman ni Engr. na 45 anyos tiyak na meron na talagang karanasan. Pinatay ko ang TV saka ko naman inimis ang ginamit namin pati narin ang pinagkainan namin ng popcorn. Nang makabalik ako ay muli ko syang tinapik para gisingin. Hindi parin sya magising kaya nilapitan ko sya ng husto. "Engineer...Engineer" muling tawag ko saka mas n̈nilapit ang pagtawag sa kanya. Hindi ko alam bat napa Patitig ako sa labi nya. Tila ba parang kay sarap noon halikan. "Nakawan ko kaya ng halik si Engineer?" Kalokohang sumagi sa aking isip. Marahan at pigil hininga kong inilapit ang aking mukha sa mukha nya. Halos magdikit na ang mga ito nang Bigla namang magharutang si Calla at Lily na nasa may ilalim pala ng Sofa Dahilan ng pagkagulat ko kasabay ng Pagmulat ni Engineer. Kaya ang ending ay na Out Of balance ako napabagsak sa ibabaw nito. "Wahhh." Gulat na sigaw ko kasabay ng pagbagsak ko sa ibabaw nya na sya namang Pagbangon ni Engineer. Kaya ang Ending ay ang Tuluyang Pagdikit ng aming mga Labi. Halos manlaki ang Mata ko at natulala ng ilang segundo, Ganon din sya." Ilang segundo na nagdikit ang aming mga labi habang ang mga mata namin ay parehong gulat. "So.. sorry Engineer, hindi ko sinasadya. Nagulat ako eh nasa ilalim pala si Calla at Lily." Pagdadahilan ko dahil ako na rin amg kusang kumalas sa sobrang hiya ko. "Ah, ganon ba..kaya pala," sabi nya saka hibarap ang kanyang alagang sila Calla at Lily. "Kayo talagang dalawa naghaharutan na namam kayo nagulat tuloy si Rhaiza." Anya nya sa mga Alaga nyang aso saka tumingin sa akin. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya kaya nilalaro ko na lamang ang aking mga daliri. "Sige na Rhaiza, pwede ka na Magpahinga, sorry pala dahil nakatulog ako, di ko natapos ang palabas." Anya nya pa. Tumango na lamang ako saka nagpaalam at dali daling umakyat sa ng kwarto. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay hinawakan ko ang aking labi. Ang unang pagdidikit ng labi namin ni Engr. Hangang ngayon ay malakas ang t***k ng puso ko. Parang may mga kabayo na tumatakbo. Hindi na naman ako makatulog ng maayos nito. Nung nakaraan hinalikan nya ako sa may ulo noong nakita namin ang Ex nya. Ngayon naman ay nagdikit ang aming mga labi. Kasalanan to nila Calla at Cally nang gugulat kasi. Balak ko lang naman sana talaga nakawan ng halik pero di ko naman sana gagawin kaso nagulat talaga ako. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog . Pero nag alarm ako ng Quarter to Six, wala naman pasok si Engineer kaya hindi sya babangon ng super aga. Naghilamos muna ako at inayos ang sarili saka ako bumaba para maghanda ng Almusal. Halos magulat ako ng makita na Bukas ang pinto at screen lamang ang nakasara. Sumilip ako sa Bintana at nakita ko si Engineer na nag e Ehersiyo sa labas. Nakasuot ito ng Tshirt na puti at ng Jogging pants na black. Pawisan ito ngunit tila mas lalo itong nagpa Hot sa kanya. Habang nag eehersisyo sya ay kasama nya ang kanyang dalwang alaga. Kita ko pa na meron Syang hinahagis saka naman ito kinukuha ng kanyang dalawang alaga. Napaka ganda ng tindig ng Katawan ni Engineer. Kaya suguro Hindi makalimot si Eve. Kaya hangang ngayon meron parin syang pagtingun dito. Bago nya pa ako makita na pinag papantasyahan sya ay nagsimula na akong magluto. Ayoko na magka atraso na naman sa kanya, kaya naman nagluto na muna ako ng aming almusal. Makalipas ang 40 mins ay pumasok na sya sa loob ng bahay. Sakto naman na tapos na ang nililuto ko, kaya naman naghain na ako para sa breakfast namin. Habang kumakan kami ay bigla syang nagsalita. "Rhaiza, after natin kumain mag ready ka. Within one hour aalis tayo, Pupunta tayo sa Laguna. Harvest daw ng mga ibang tanim nila Mama kaya pinapupunta tayo." Anta nito sa Formal na tono. "Ah, Sige Po Engineer." Sagot ko lamang ngunit di parin ako makatingin sa kanya. Mabilis akong kumilos para mag imis ng aming pinagkainan. Agad din naman ako umakyat sa kwarto at naligo para maghanda dahil pupunta kami ng laguna kung saan naroon ang pamilya ni Engr. Habang nag aayos ako ng buhok ay kumatok si Engr. Kaya agad ko itong binuksan. "Yes Engineer? May iuutos po ba kayo?" "Nope, ahm..magdala ka lang ng extra pamalit bukas pa kasi tayo uuwi." Wika nya pa. "Ah, copy po Engr. Salamat" sagot ko naman. Nagdala lamang ako ng Pares ng pamalit para bukas. Pagbukas ko ng drawer ay nakita ko ang mga panty na bigay ni Engineer. Kumuha ako ng dalawa. Pamalit mamaya bago matulog at para naman sa pamalit kinabukasan. Nagdala nalang din aki ng isa pang tshirt at manipis na pajama pang tulog. At namg handa na nga kami ay bumyahe na nga kami patungo sa Laguna kung saan naroroon ang Pamilya ni Engineer. Kahit sa express way kami dumaan ay halos mag 2 oras rin bago kami nakarating dahil traffic sa ibang bayan na dinaanan namin sa Laguna. Napangiti ako ng sumapit kami sa part ng Laguna na Sobrang mapuno at medyo part na liblib. Binuksan ni Engr. Ang bintana kaya pumasok ang sariwang hangin. Napangiti ako sa ganda ng view na aming dinaanan habang na byahe kami ay Kumukuha ako ng Video at Pic. "Malayo pa ang lugar nyo Engineer." Tanong ko rito. "Medyo malapit na, papasok na lang tayo sa Barangay namin tapos papasok na yung Farm nila Mama aa loob." Sagot nya sa akin hangang sa pasukin namin ang Arko na Welcome to Nagcarlan. Sa hindi kalayuan mula doon at may pinasukan kami na Isang barangay. Yun na pala ang patungo sa farm nila. Mula roon ay may 500 meters pa ang layo bago namin sapitin ang Bahay nila Engineer. Pagdating namin doon ay Tanaw agad ang isang Medyo malaking bahay. Sa tingin ko ay iyon ang sa magulang ni Engr. At at sa paligid naman noon ay may Dalawang bahay rin na sakto lamang ang laki. At mula rin doon at matatanaw mo na rin ang mga puno. Ang Sabi ni Engineer ay Lupang mana iyon ng kanyang Papa Antonio. Napagyaman iyon ng kanyang Mama at Papa. Pagbaba namin ay Kita ko agad si Mam Ella na kumakaway kasama ang isang lalaki na tingin ko ay Papa ni Engineer. Kasunod naman nito ay ang mga bata na palagay koy mga pamangkin nya. Pagbaba namin at agad sumalubong sa kanya ang kanyang mga Pamangkin. Talagang magiliw si Engr.Antonello sa mga Bata. "Hello... Kumusta? May pasalubong si Tito sa Inyo." Anya nito saka kinuha ang paperbag na pasalubong na binili namin sa grocery store kanina. Agad naman akong nilapitan at niyakap ni Mam Ella. Medyo nahiya pa nga ako. "Welcome sa aming Tahanan Hija Rhaiza, mabuti at nakasama ka. Nga pala ang Papa ni Antonello si Papa Antonio" tumango naman sa akin ito saka nag welcome. "Tapos yang mga bata naman mga Anak ni Athena at Angelo, May binili lamang sila sa bayan parating na rin ang mga iyon." Dagdag pa ni Mam Ella kaya ngumiti naman ako at nag pasalamat sa pag welcome sa akin. Maya maya lamang ay lumabas ang isang dalaga. Girl version ito ni Engineer. Nagulat pa ako ng nakangiting dire diretso itong lumapit sa akin. 'Hello, Ikaw na ba ang Babaeng ipakikilala ni Kuya Sa Amin? Sa Wakas nagsama din ng babae sa loob ng napakatagal na Panahon hehe." Anya pa nito saka bumeso at Yumakap sa akin. "Angela...Tantanan mo si Rhaiza, napakadaldal mo talaga." Saway dito ni Engr. "Apaka KJ mo talaga Kuya, di na mabiro eh, Pero Anyway Rhaiza, welcome sa aming Tahanan." Magiliw na Bati nito sa akin. Nakakatuwa ang Pamilya ni Engineer. Kung gaano katahimik si Engineer ay kabaligtaran naman ng iba nyang kapatid lalo na si Angela na di nawawalan ng kwento. Umaga pa lang ngunit mukang mag e enjoy ako dito. Bukod sa maganda at sariwa ang hangin ay masaya pa ang mga tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD