3RD PERSON
Nang umayos na ang lagay ng binata ay
nakahinga na ng luwag ang dalaga. Pero hindi nito iniwan ang binatang Inhenyero.
Dahil may Sofa sa kwarto ay doon na lamang natulog ang dalaga. Nang matiyak nya na tulog na ito ay saka sya pumwesto sa may sofa. Doon na lamang sya humiga para sakali man na kailanganin nito mg tulong ay naroroon agad sya. Hindi nya alam kung ilang oras nya tulog ngunit naalimpungatan sya na may tila gumalawa sa balat nya. Nagulat sya ng makita si Antonello sa harap nya. Kinumutan pala sya nito.
"Engr. Bat ka tumayo? May kailangan ka ba." Abot abot na tanong nito.
"Wala, kinumutan lang kita. Malamig dito sa Bahay. Baka mabaguhan ka " anya ng binata.
"Hwag ako ang isipin mo Engineer kundi ikaw. Tingnan mo nga yang sarili mo bumangon ka na agad e di ka pa Okay." Anya nito saka nilapitan ang Binata na medyo hindi pa sobrang ayos ang kilos.
Wala namang nagawa ang binata kundi bumalik at sumunod kay Rhaiza sa Pagkakahiga.
Maya maya ay tumahimik sandali. Akala nila ay tulog na ang isat isa ngunit nagulat ang dalaga ng magsalita ang binata.
"Pwede mo na ako iwan, baka di ka komportable dyan." Anya nito sa malamyos na tinig.
"Ok lang ako dito, maayos naman akong nakahiga sa sofa, hwag ka mag alala sakin." Sagot naman ng dalaga. Hindi na naman nangulit pa ang binata. Siguro ay di pa rin ganon kaigi ang damdam nito kaya naman nakabalik agad uli ito sa pagkakatulog.
Nakaidlip din naman ang dalaga ng matiyak na mahimbing na ang tulog ni Antonello.
Kinabukasan ay nagising na rin amg dalaga. Nagtungo sya sa kusina at naabutan nya roon ang mama ni Anton na naghahanda ng agahan, dahil wala namang gagawin ay tumulong na lamang ito.
"Nakatulog ka ba ng ayos Hija? Salamat pala sa maagap na kilos mo para kay Anton. Dama ko ang pag aalaga mo sa anak ko. At dama ko na hindi lang basta pag aalaga yon. May kasamang pag mamahal." Wika nito saka hinarap si Rhaiza.
"Ahm..ganon lang po talaga ako sa mga inaalagaan ko mam, kasi po tinuturing ko na po sila na Kapamilya. Kaya naging malapit po ako sa mga inaalagaan ko."
Paliwanag ng dalaga.
"Alam ko, pero yun nga, alam ko na di lang basta pag aalaga ang gunagawa mo sa anak ko. Kaya maraming salamat Rhaiza. Sana balang araw makapang asawa si Antonello ng tulad mo." Anya pa nito.
Nang matapos nila magluto ay bumalik ang dalaga sa kwarto ng binata. Gising na ito. Nilapitan naman ito ng dalaga saka chineck ang BP pati na rin ang mga pula nito sa katawan.
"Medyo normal na ang Bp mo, medyo nawawala na rin ang ibang mga pula sa katawan mo."
"Salamat Rhaiza ah, Di ko maipaliwanag yung hilo ko kagabi."
"Ano kakain ka pa ng Pata? Saka ng Talaba at Maraming hipon?"
"Sorry na, di na uulit."
"Kaya makikinig ka, kapag sinabi kong tama na, Tama na, minsan kasi mas madali pa magsaway ng Bata kesa matanda. Ang bata pag tiningnan ng masama hihinto, pwede ding Kutusan kapag sobrang nakakainis na, pero pag matanda at sobrang pasaway at hindi nakikinig
sarap din sana isako." Anya pa nito habang tinutupi ang kumot.
Pansin nya naman ang pag ngiti ng binata ng bahagya.
Dahil lingo ng araw na iyon at dahil na rin sa nangyari ng gabi kay Antonello ay hindi na muna sila umuwi. Mag pa file na lang muna ang binata ng Sick leave bukas at gusto din nila sulitin ang kanilang pagdalaw dito.
Bandang alas syete ay sabay sabay silang kumain ng umagahan sa hapag nila Anton. Nakakatuwa tingnan dahil nga kompleto ang lahat. Nagdagdag pa ng dalawang long table para kumasya lahat. Sa may bandang dulo na lang pumwesto si Anton at Rhaiza. Sa tabi ni Anton ay ang kanyang paboritong pamangkin na si Julio, anak ng kanyang Ate Athena.
"Papa Anton, ok ka na po?"
"Oo Juls, nahilo lang si Papang napadami kasi ang kain ko kahapon, ang sarap kasi ng mga hinanda nila Daddy at Tito Gelo mo napadami ako ang kain, nasobrahan ayon kaya nahilo si Papa Anton.' Sagot ng binata dito.
"Buti po andyan si Ate Rhaiza inaalagaan ka, bat ayaw mo nalang po sya ligawan para may Mamang na kami." Bulong nito sa binata na tanging sila lamang nag tito ang nakakarinig.
"Ikaw talagang Bata ka isa ka pa hehe, alam mo kumain ka na masaral ang luto ni Lola Ella mo." Natatawang sagot ng binata rito.
Habang kumakain sila ay nagkalaron din ng kwentuhan hangang sa napunta kay Rhaiza ang usapan. Natatawa at kinakabahan naman ang dalaga dahil sa mga pa question and answer ng mga ito. Pero buti na lang at ayos nyang nasasagot.
Matapos nila kumain ay nag presinta ang dalaga na tutulong sya sa hugasin. Kaya silang dalawa ni Angela ang nag imis ng kanilang kinainan.
"Hay salamat at Bukas na lang kayo uuwi, tama dumito muna kayo, para naman makapag pahinga pa kayo ni Kuya saka maligo tayo mamaya sa falls." Anya pa nito.
"Yun lang wala na akong dalang extra pamalit, pang uwi nalang ang meron ako."
"Sauce, ano ka ba, syempre pahihiramin kita may mga extra damit naman ako dito kaya don't worry." Wika pa nito.
Samantala
RHAIZA ELIZE
Dahil nga sumama ang pakiramdam ni Engr. Ay nag desisyon na muna sta na di umuwi ngayon. Bukas na lamang kami uuwi.
Nagkayayaan naman kami nila Angela na maligo sa falls. Wala na akong damit kaya sinabi nya na pahihiramin nya na lamang ako.
Tama lalabhan ko na lamang ang Bra at Panty ko mabilis lang naman matuyo dahil mainit.
Bandang alas Dyis ng umaga nang mag aya sila. Akala ko ay kami lamang hindi ko akalain na sasamahan pala kami nj Engr. Anton. Kasama rin namin ang pamangkin nyang si Julio.
Habang naglalakad naman kami patungo sa Falls ay tinitingnan ko naman sya. Nasa hulihan kasi namin sya. At pag lingon ko ay busy naman sila sa kwentuhan ni Julio.
"Tara na Rhaiza, ok na yan si Kuya hwag mo na masyado alalahanin."
Anya ni Angela.
Ilang sandali pa ay narating namin ang Falls.
Napakalamig sa lugar kaya napangiti ako.
"Ang ganda, tabi tabi po, ngayon lang ako nakakita ng Falls na ganito maliit lang hehe." Wika ko pa dahil nakakatuwa ung Falls, hindi sya tulad ng iba na malaking falls."
Naupo kami sa Tabihan ng mga Bato. Inalalayan naman ni Julio ang kanyang Tito Antonello.
Maya maya pa ay inaya na ako ni Angela na lumusong na sa tubig.
Hinubad ko na ang tsbirt na nakapatong don ko lamang napansin na talagang swak na swak pala ang pinahiram na pang ligo ni Angela sakin push na push tuloy ang Boobing ko.
Hindi bale, tatalikod na lamang ako kay Engr. Busy naman sila ni Julio sa pag kwe kwentuhan.
Habang naliligo kami ay grabe din pala sa kulit nitong si Rhaiza.
"Wow..ang Laki ng hinaharap mo Rhaiza, tunay na Tunay haha." Anya nito saka Dinutdot ang aking Dibdib."
"Oo purong natural yan,"
"Kaya nga eh, sana all May laman, sakin kasi lugi hahaha."
"Haha, hirap din kaya kapag ganito hirap din kumilos minsan saka alam mo na kapag nasa matao na lugar ka madalas andon ang tingin nila."
"Hehe bagay naman sayo, sexy ka kasi kaya lalo na e emphasize haha." Sagot pa nito kaya natawa ako.
Abala kami sa paliligo ni Angela nag sasabuyan pa kami ng Tubig aakyat sana ako sa Batuhan ngunit di ko naman napansin na bababa pala si Engr. Nagulat na lamang ako ng Bumangga ako sa mAtigas nyang Dibdib. Dahil nga madulas ay Muntik pa ako ma Out Of Balance mabuti na lamang at Nakabig nya ako. Dahil kung hindi marahil ay nadulas ako at maaaring tumama ang katawan o ulo sa Bato. Ngunit dahil nga nakabig ako ni Engr. Ay sa ibang bagay ako Tumama. Walang iba kundi sa matipuno nyang Dibdib.
Halos mapaawang pa ang bibig ko dahil akala ko talaga ay madudulas ako. Pero heto magkadikit ang katawan namin ni Engr. Habang pareho kaming basa. Ang kanyang mga kamay ay naka hapit sa aking bewang, habang ang akin naman ay nakapulupot sa kanyang leeg. Hindi ko alam tila kapwa naghahabulan ang aming mga hininga. Nakatingin ako sa kanya habang sya ay ganon din sa akin.
Bumalik lang kami sa Ulirat ng magawi ang tingin nya Sa Dibdib ko na nakadikit sa Dibdib nya. Parang napalaki pa ang mata nya nang mapagtanto ang position namin.
"Ah... ma Mag iingat ka sa susunod Rhaiza madulas ang mga bato, baka bumarog ka." Anya nito saka niluwagan ang pagkaka hawak sa akin.
"Sa..Salamat Engineer ha, madulas pala yung inapakan ko di ko napansin." Anya ko naman.
"Ayieee...Kita namin yon, Bagay talaga kayong Dalawa. Para kayong si Malakas at Si Maganda hehe ayiee." Biro ni Angela.
Naglayo naman kami ni Engr. Dahil sa panay pang aasar ni Angela sa kanyang kuya Antonello.
Napakamot na lamang si Anton si Ulo at di na nag komento, saka ito tumalon sa Falls at naligo. Napatingin naman ako sa pinag dive van nya. Di parin ito nalutang.
"Angela, bat hindi pa nalitaw si Engr." Nag aalalang tanong ko.
"Haha, andyan lang yon, hwag ka mag alala mahusay MANISID si Kuya hehe swimmer din yan." Anya pa nito. Hindi nga nagkamali si Angela dahil maya maya lamang ay lumutang ito sa harap namin.
"Oh Diba sabi na sayo Rhaiza hehe., Kuya buti umahon kana, nag aalala kasi sayo si Rhaiza, baka daw ano nang naangyari sayo..Ayiee." Biro pa nito. Kaya napatingin sa akin si Engr. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya naman. Inaya ko na ulit maligo si Angela.
Hindi rin naman kami nagtagal maligo dahil ilang minuto lamang ay umahon na rin kami.
Matapos namin sa falls ay sa farm naman kami nagtungo.
Sakto na naroroon na ang iba para mamitas ng Mga Prutas kaya madali kaming nagbihis ni Angela at sumunod na rin sa kanila.
Nakakatuwa na Hitik sa bunga ang mga Pananim nila Mam Ella. Ibinukod nila ang ipapadala sa amin ni Engr. Talagang sulit ang pagbisita namin dito.
Habang inaayos ang mga ipapadala sa amin ay talagang napakasaya nila Tingnan. Bigla ako nakaramdam ng lungkot at hili sa Pamilya ni Engineer Anton.
Buti pa sila Buo pa at Masaya.
Pero sa akin wala na, Kaming magkakapatid na lamang ang naiwan magkakalayo pa.
"Are you Okay?" Tanong sa akin ni Engr. Di ko akalain na magtatanong sya.
"Ah..oo naman Engr. Ayos lang ako, masaya lang ako na makita na masaya ang Pamilya mo." Paliwanag ko rito.
"Hmm.. i see,9ryou miss your family. Diba may mga kapatid ka pa?"
"Oo kaso si Roger diba nasa Barko, tapos si Rana nasa Probinsya, hmm..pag pasko sisikapin ko na makauwi ako at magkasama sama kaming magkapatid. Yon kasi sana ang gusto nila Nanay at Tatay kaso di naman na sila umabot, kaya ganon nalang, kahit wala na sila gusto ko na tuparin iyon kahit sa aming magkakapatid na lang." Anya ko habang nakangiti ngunit nagbabadya na na bumagsak ang luha.
"Good, alam ko na malakas ka, sige sabihan mo ako para maayos natin ang leave mo kapag uuwi ka muna." Anya nito saka ako bahagyang nginitian at tinapik sa balikat.