CHAPTER 20 "INALALA"

1775 Words
ANTONELLO Araw ng lunes ay umuwi na rin kami bandang alas onse ng umaga. Madami kaming dalang prutas at gulay galing mismo sa Farm namin. Pinasobrahan naman ni Mama ang mga ipinadala sa amin at tuwang tuwa si Rhaiza dahil bibigyan nya daw ng Pasalubong si Zhel. Dahil hindi naman gaanong Traffic ay mabilis naman kaming nakarating sa Alabang. Agad namang inayos ni Rhaiza ang mga dala namin, tinulungan ko naman sya sa pag aayos ng mga ito. Habang inaayos nya ay nakatangap ako ng tawag galing Kay Engr.Ae nagkaron ng konting problema pero naayos naman daw. Matapos naming mag usap ay nagulat ulit ako noong tumunog ulit ang telepono ko. Inaasahan kong si Engr.Ae ulit ito kaya di na ako nag abala pa na tingnan pa ang pangalan. Ngunit nagulat ako ng magsalita ang isang Babae. At Napaka pamilyar ng Boses noon sa akin kahit pa sabihin na di ko nakikita ang mukha ng babaeng kausap ko ay nakatitiyak ako kung sino iyon. "Hello...Anton, pasensya ka na, Nakita ko sa directory yung number ng company nyo. Nag ask nalang ako sa staff mo na kunin ang numero mo. Ayaw pa ibigay pero sinabi ko na malapit mo akong Kaibigan." Sagot pa nito sa kabilang linya. "Everette? Bat ka napatawag?" Casual na tanong ko. "Hmm..ni renovate kasi ang bahay namin. Naghahanap si Mama ng maayos na trabtrabaho para tiyak na safe yung mga elecrical lines sa bahay. Naalala kita kaya knuwento ko kay Mama. Sabi ko ikaw nalang ang kunin at Okay sya." "Hmm..ganon ba? Bakit ako? Madamj namang ibang eletrical services bakit ako?" "Bakit? Ayaw mo ba? So namimili ka ng customer, ganon ba?" "Hindi naman sa namimili ako pero alam mo namang." "So ayon naman pala, dahil di ka naman namimili e di tangapin mo ang request ni Mama." Anya pa nito.sa akin. Ayaw ko man sanang kunin ang project na iyon ay wala na akong nagawa. Sa bagay next month pa naman magsisimula talaga yung sa site, more on inspection lang muna kami. Kaya naman nang hapon ding iyon ay binisita ko ang lugar o ang bahay na sinasabi ni Everette para ma inspect. Sinabi ko sa kanya na may iba akong responsibilidad na proyekto kaya hindi ko kako ito mapupuntahan ng madalas. Kaya nga sinabihan ko sya na sa iba na magpagawa, pero ako ang pinipilit. Bandang alas Dos ay nagpaalam ako kay Rhaiza. Di naman siguro ako magtatagal roon. "Rhaiza, lalabas muna ako, may pupuntahan lang." "Sige Engr. Ahmm..pwede din ba ako pumunta kina Zhel? Dadalhin ko lang ang ibang mga pasalubong." "Oo naman? Wala ka din naman ibang gagawin dito kaya sige lang." Sagot ko naman sa kanya. Umalis na ako at nagtungo sa lugar na sinabi ni Everette. Malaki ang bahay na iyon, medyo malapit lamang din iyon sa dati nilang bahay. Madadaanan ang luma nilang bahay kung saan ko sya noon dinadalaw at inihahatid at natatandaan ko pa noon na nakatulog na rin ako sa kanila ng osang beses. Noong nag bakasyon sa ibang bansa ang Mama at Papa nya at hindi pa dumadating ang pinsan nya na makakasama nya dapat noon, kaya tinawagan nya ako at nagpunta naman ako, at doon din ay may naganap sa amin. Nag door bell ako at agad naman akong pinagbuksan. Nagpakilala ako na ako ang pinatawag para mag check at estimate ng mga iba pang kailangan. Pinapasok naman ako agad. Nagulat pa ako ng patakbong sumalubong sa akin si Eve. "Hi Anton, andyan ka na pala. Pasok ka, kanina ka pa din hinihintay ni Mama." Anya nito saka ako hinawakan sa kamay at inaya papasok. Hihilahin ko sana ang aking kamay ngunit di ko alam, bakit di ko magawa. "Hi Mama, andito na po si Anton." Maligayang tawag ni Everette kay Tita Yette. Lumabas naman ito at nakangiting sumalubong sa akin. "Oh Anton kumusta? Long time no see Hijo, Kumusta ka na ba?" Magiliw na tanong nito sa akin. "Ayos lang naman po Tita, medyo busy po sa buhay buhay." Casual naman na sagot ko. "May Pamilya kana ba ngayon? Asawa? Anak?" Sunod sunod nitong tanong. "Ahmm..wala pa po Tita, napaka busy ko pong tao kaya baka po hindi na." Sagot ko naman. "Ohh..So ibig sabihin binata ka pa rin? Aba nakakatuwa naman, pareho pa kayong single ni Eve, may boyfriend yan pero di naman ako boto doon. Hangat maaari gusto ko na pinoy parin ang mapang asawa nya. Gusto ko nga ay tulad mo. Dahil sa lahat ng mga naging Nobyo ni Eve ay ikaw lang ang mas nakahihigit." Anya pa ni Tita Yette. Medyo naiilang lang ako dahil nakaraan namin ni Eve ang usapan at kaharap pa kami pareho, medyo awkward lang. "Ah..Ahm..Tita check ko na po yung mga Lines ng bahay nyo." Pag putol ko sa usapan. "Sya sige Pasok ka, i check mo habang nag gagawa ako ng meryenda nyo." Nakangiting sabi nito. Pumasok na ako sa loob at chineck ang ibang mga daraanan ng mga lines kung safe ba. Nagulat pa ako nang nasa likod ko pala si Everette at nakamasid sa aking ginagawa. "Ang galing mo talaga Anton, Naalala ko noon sinama mo ako sa unang project mo. Ang saya pa nga non eh kasama kita sa buong maghapon. Tapos bago tayo umuwi dinaan mo pa akon sa Mcdo non kasi binigay agad sa inyo yung paunang bayad kaya ang saya ko nung ipinag mcdo mo ako." Kwento pa ni Eve habang ako ay patuloy sa pag gagawa at pag i estima sa mga linya. Habang gumagawa ako, sya naman at nag to throw back ng mga nakaraan namin. Bigla ko din naman naaalala yung iba. May mga masasaya din naman kaming mga moment ni Eve. Mabait din naman kasi sya noong una, pero nung huli nga ay medyo parang nag iba sya gusto na nya na magsama kami which is di pa naman talaga ako handa. Hangang sa nauwi na sa pagpapangap nya na buntis sya kahit na di naman. Doon ako labis na nasaktan. Sa pag sisinungaling nya sa akin. Kaya kinabikasang din iyon ay nakipag hiwalay ako. "Tapos na iyon Eve at ilang taon na rin ang nag daan ." "Oo tapos na Anton, pero isang magandang ala ala iyon para sa akin. Masaya ako na naging nobyo parin kita noon. Wala akong pinag sisisihan. Pero kung meron man, yun ay ang pagsisinungaling ko na buntis ako, sa kagustuhan ko na magsama na tayo. Pero siguro kung hinintay na lang kita baka sana tayo pa, Baka sana mas masaya ako." Wika nya kaya napatingin ako sa kanya. Nagtama ang aming mata, nakita ko na malamlam iyon at may nagbabadyang luha, kaya saglit akong natigilan. "Sige na Anton, maiwan na muna kita, Puntahan ko lang si Mama, pag may tanong o kailangan ka magsabi ka lang " nakangiting wika nya pero kita ko ang lungkot doon." "Sige, Salamat" tugon ko naman saka ito bumaba sa unang palapag. Habang ginagawa ko at ini estima ang mga linya ay di ko makalimutan ang sinabi ni Eve. Na sana ay hinintay nya nalang ako, e di sana mas masaya sya. Hindi ba sya masaya sa bago nyang Fiance?" Tanong ko na lamang sa aking isip. Matapos ang ilang minuto ng aking pag che check ay bumaba na ako. Inanyayahan naman ako ni Tita Yette na magmeryenda kaya naman di na ako tumanggi. Habang kumakain kami ay di pa rin mawawala ang kwentuhan. Ang dami nilang kwentong mag ina. Limang taon din naman kami naging mag nobya ni Everette kaya sobrang legal kami both side. Medyo hindi ko lang nakakasama ng madalas ay si Tito Reed ang Daddy ni Eve. Napaka busy kasi nito pero kapag nauwi ito sa kanila ay dinadala maman ako ni Eve at inaaya rin na doon na maghapunan kaya kahit papano ay nakakasama ko rin amg Papa nya, di nga lang madalas tulad nilang dalawa ni Tita Yette. Hindi ko mawari ang ugali ni Tito, Mabait naman ito makitungo sa akin pero alam mo sa mga kilos nya na may sinabi sya at maotoridad na tao. Pansin ko din na kapag nandyan si Tito ay limitado ang galaw ni Eve. Habang nag me meryenda kami at nagulat pa ako ng dumating itong bigla. "Hi, Honey, Halika may bisita tayo, andito si Anton, sya ang kinuha kong gagawa mg mga linya natin." Napatingin naman sa akin si Tito saka ako minukhaan. "Oh..Hi Anton, narito ka pala, I remember you, Ikaw ang unang Naging Nobyo ni Eve diba, Ang unang nakasibak sa kanya." Anya nito na tila may pag ngingitngit. "Papa." Pigil dito ni Eve. "Bakit hindi ba? Sa totoo lang tayo. Diba Anton. Anya ni Tito saka tumingin sa akin. "Honey, tama na nga yan, ikaw talaga, mga bata pa sila noon kaya ganon." Saway naman ni Tita Yette. "Oo naman Hon, wala lang naalala ko lang anyway, kumusta ka Anton?" Tanong nito sa akin. "Ayos lang naman po Tito medyo busy po sa trabaho " "Good for you , Balita ko may ari ka na ng isang construction services ngayon ah." "Ah..ahm..hindi naman po talaga sakin, bale sa Ninong ko po, Kaya lang ako na po ang pinamahala nya." "Ahh..Ganon na din yon, ikaw na rin mamamahala non. May asawa ka na ba? "Ah..wala pa po" "Aba..talaga ba? Anya ni Tito saka tumingin kay Everette ng matalim na tingin na pasimole kong napansin. "Ahm..Anton, Medyo pahapon na pala, Pwede ka na umuwi. Salamat ha, punta ka nalang ulit kapag libre ka sa time mo. Hwag ka mag alala di naman kami nag mamadali. Salamat ulit." Anya ni Eve na biglang pansin ko ang pagiging balisa." Tumayo na rin ako saka nag paalam kina Tita Yette at Tito Reed. Hinatid pa nila ako sa may pinto. Lumingon ako para mag paalam. Hindi ko alam ngunit kakaiba ang nararamdaman ko habang palayo na nakatingin kay Eve. Sumakay na ako ng sasakyan at pabalik na sa bahay. Pero di ko malimutan ang awra ni Everette kanina habang papalayo ako. Para syang aligaga at balisa. Pagdating ko sa bahay ay naroon na rin si Rhaiza. Sinalubong nya agad ako ng nakangiti. Nakaluto na raw sya ng hapunan namin. Tinawagan nya din daw si Mama at nagpasalamat ulit dahil tuwang tuwa daw si Zhel at si Tita. Habang nakangiti at nag kwe kwento si Rhaiza, hindi ko alam bakit naman biglang sumagi sa isip ko si Eve. Ang malungkot at malamlam nyang mukha kanina bago ako lumisan sa bahay nila. "Pero ano bang Meron? Bakit inaalala ko parin sya? Bat iniisip ko pa? At bat parang nag aalala pa ako sa kanya?" Sunod sunod na tanong sa aking isip na di ko naman kayang isa tinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD