bc

Saving the General's Princess

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
no-couple
war
like
intro-logo
Blurb

Sandra Valencia, the hottest celebrity of her generationmeets Major Dave Saavedra - the most elite and formidable soldier there is, yet also the most arrogant and cold-blooded bastard.Will there be a happy ending?

chap-preview
Free preview
Meet Sandra
Sandra Valencia — the hottest celebrity of her generation. Renowned for her versatility. At the age of 23, ay namamayagpag sa kasikatan. Top celebrity endorser for three consecutive years. Sabi nga ng manager/best friend niyang bakla na si Brenda (dating Brando), halos lahat daw yata ng parts ng katawan niya ay nagawan na ng ads, mula buhok hanggang kuko sa paa. Nagkalat din ang billboards niya sa kahabaan ng EDSA. Also a blockbuster queen for four years now. Lahat naman kasing pelikula niya ay talagang dinumog at pinilahan ng mga manonood, dito man o sa labas ng bansa. Lagi kasing may international screening ang mga pelikula niya. This is true kahit sino pa ang makatambal niyang leading man—talagang laging patok sa takilya. Kaya nga halos lahat ng movie actors ay pinapangarap siyang makatambal sa pelikula. And to complete her versatility, matagal-tagal na rin na hawak niya ang best-selling recording artist title. Despite the music industry crisis, never did she fail to achieve platinum awards sa lahat ng albums niya. Lagi ring sold out ang concerts niya, here and abroad. Kung tutuusin, what she has right now is really more than enough. Talagang hindi niya inaasahan na sa loob ng 11 years ay maabot niya ang ganitong nakakalulang tagumpay sa showbiz. Sa sobrang dami ng engagements niya, halos maituturing na napakalaking kayamanan na rin ang mga proyektong tinanggihan niya at ng kanyang manager dahil na rin sa hindi na nila kayang i-accommodate ang lahat. But she loves what she’s doing dahil talagang nasa showbiz ang puso niya. SANDRA’S POV She can still remember the time when she started her life in show business. Grade 6 siya noon, humahangos siyang umuwi ng bahay para ipaalam sa Dad niya ang kanyang balak na mag-audition sa lead role ng isang soap opera. Bata raw na kaedad niya ang hinahanap ng producer at direktor na gaganap na bida sa isang soap opera na may halong musical concept, ayon pa sa kaklase niyang si Dianne. Nagtatrabaho kasi ang Mama nito sa isang malaking TV network. Hindi siya nagdalawang-isip at nakabuo siya ng planong subukang mag-audition. Sinuportahan naman siya ni Dianne. Naalala niya ang sinabi nito. “Sandy, kaya ko nga sa’yo mismo sinabi ’to kasi feeling ko ikaw talaga yung hinahanap nila. Bukod sa napakaganda mo na, super ganda pa ng boses mo. This is your chance, Sandy!” Excited pang turan nito. “Sana nga, Di. Sana nga!” aniyang teary-eyed pa. Wala pa ang Daddy niya noon nang dumating siya sa bahay, pero naabutan niya ang Tita Del niya na dumalaw sa kanila para kumustahin siya. Thirty-six years old na ang Tita Del niya, subalit hindi ito nabiyayaan ng anak sa halos eight years ng pagiging may-asawa nito. Kaya nga spoiled siya rito. Parang anak na rin kung ituring siya nito. Bunsong kapatid ito ng Dad niya. Simula nang mamatay ang Mom niya sa panganganak sa bunso niyang kapatid, ay ito na ang naging mother figure niya. Namatay ang Mom niya when she was barely three years old. Halos wala pa siyang malay noon. Ayon sa Dad niya, hindi raw nailigtas ang dalawa kahit ng pinaka-advanced technology na sinubukan nila. Mahina raw kasi ang puso ng kapatid niya at nang ilalabas na ay nag-cardiac arrest naman ang nanay niya, na hindi nila inasahan. Kahit anong pilit daw ay hindi na na-revive pati ang kapatid niya. Masyadong dinamdam iyon ng Dad niya kaya nga hindi na nito binalak mag-asawa pa. Lalong lumakas ang loob niyang magpaalam sa tatay niya para mag-audition kasi alam niyang ba-back-up-an siya ng Tita Del niya, kaya hindi siya nagdalawang-isip na ipaalam dito ang plano. “Tita, you’re here! I missed you! Ba’t ang tagal mo dumalaw?” Naka-pout pa ang labi nang turan niya. “Tagal ba? Eh, two days ago andito din ako, ah. But I missed you too, baby!” At hinalikan siya nito sa pisngi sabay abot ng pasalubong. Hindi na siya nag-aksaya ng oras dahil baka dumating na ang Dad niya kaya isiniwalat na niya ang balak niyang mag-audition sa soap opera. As expected, suportado siya ng tita niya. Namilog pa nga ang mga mata nito na parang mas excited pa sa kanya. Habang naghuhuntahan silang mag-tita ay tumunog ang cellphone niya. Ang Daddy niya. “Baby, I won’t be home tonight. May emergency operation yung mga tao ko. I need to monitor the situation very closely. Anyway, andiyan naman ang Tita Del mo. Baka bukas ng gabi pa ako makauwi. I miss you, sweetie. I need to hang up now. Love you.” Mahabang paalam ng Dad niya. “It’s fine, Dad. Stay safe po. Love you!” aniya at pinatay na ang tawag. “Tita, wala si Dad at bukas na yung audition. Hindi ako nakapagpaalam, nagmamadali siya eh.” “It’s okay, honey. We will go for that audition, nevertheless. I can’t wait to have a superstar for a niece.” Super excited na turan ng tita niya. SA AUDITION Sobrang haba ng pila. Subalit may ibang napapauwi agad kaya medyo mabilis ang pag-usad nila. Todo dasal siya habang nasa pila. Ang Tita Del naman niya ay nakaupo sa kaliwang side kasama ang mga kasamahan ng mga kapwa niya nag-a-audition. Bakas sa mukha ng tita niya ang confidence kaya medyo lumalakas din ang loob niya. Luckily, sa physical screening ay na-shortlist siya. Limampu silang nakuha roon. And then sa singing naman, dahil nga may musical concept yung soap na gagawin, ay pumasok ulit siya at nakatanggap pa ng ilang papuri mula sa musical director. Labinlima na lang silang natira. Last na screening ang acting. Sa kagustuhan niyang makapasok ng showbiz ay itinodo na talaga niya at—bingo! “You nailed it, Sandra! From the very start, nagkakaisa na kaming ikaw ang kunin. Nagbigay lang kami ng chances sa iba, pero ikaw na talaga ang napupusuan naming gawing bida sa soap na ito. Tandaan mo na ito ang launching mo. This can make or break you. You have to do everything in your power to make this a success. Sana hindi kami nagkamali ng pagpili sa’yo. Our taping will start this coming Monday. Siguro naman hindi na masyadong busy sa school ninyo kasi halos bakasyon na rin.” Umiiyak pa rin siyang tumango. Hindi siya makapagsalita sa galak. Ang tita niya na lang ang sumagot. “We’ll arrange everything. I am very confident that my niece will be able to do what you would expect from her. Thank you so much for trusting her with this big project,” anang tita niya. SA BAHAY “No! And when I say no, it’s really a no! At paano ang pag-aaral mo, aber?” Halos pasigaw na sabi ng Dad niya nang magpaalam na siya habang nagdi-dinner sila kasama ang Tita Del niya. Wala siyang maisagot. Tumulo lang ang luha niya. Lumambot naman ang mukha ng Dad niya nang makitang punong-puno na ng luha ang mga mata niya. “All I am saying is, huwag na, anak. Matagal kong pinangalagaan ang apelyido natin at narating ko ang pagiging isang heneral nang walang inaargabyadong tao. Magulo ang showbiz, anak, dahil magiging public figure ka na. Naiintindihan mo ba ako? Kahit anong pag-iingat mo, may masasabi at masasabi pa rin sa’yo. Baka naman ngayon pa ako masisira kapag may intrigang ibinato sa’yo. Baka kung ano ang magawa ko sa mga taong maninira sa’yo. Anak, ayaw kitang makitang nasasaktan. Ikaw na lang ang meron ako.” Mahaba at madramang litanya noon ng Dad niya. “Dad, gusto ko po talagang mag-artista,” naiiyak na sagot niya. “Pangako ko sa’yo, wala po akong gagawin na ikakasira ng pangalan ninyo. Hindi ko po pababayaan ang pag-aaral ko. Magtatapos po ako. Promise ko po ‘yan sa’yo. Marami naman pong artista ang napagsasabay ang showbiz at pag-aaral.” “Siya nga naman, kuya,” susog ng Tita Del niya. “Look, kuya, you are about to deprive your own daughter of her passion. Why can’t you just be supportive? Matalino ang anak mo. I know she’ll be able to handle things responsibly. And FYI, kuya, this Monday na ang first taping niya. Andito ako para gabayan siya at ako ang bahalang maghanap ng manager na tunay na aalagaan siya at hindi siya pababayaan. I promise you, the moment na makita kong may mali, ako na mismo ang aalis sa kanya sa showbiz. Besides, ngayong kapo-promote mo pa lang bilang general, malamang magiging busy ka lalo. Pero kung nagso-showbiz si Sandy, at least malilibang siya kahit papaano.” Kumunot ang noo ng Dad niya. Mukhang nag-iisip, and then he suddenly uttered, “I’ll think about it.” Sa tulong ng mga pangungumbinsi ng tita niya ay pumayag na rin ang Dad niya, eventually. Pero napakaraming habilin. Kailangang huwag pabayaan ang pag-aaral, maging maingat lagi, and avoid flirting with any boy. Hindi puwede ang kissing scene or any intimate scene, na nagpa-padyak sa kanya noon while saying: “Dad, I’m too young for that, in case you forgot. Twelve pa lang po ako. At promise, hindi ako tatanggap ng project na may kissing scene kahit magdalaga na ako.” Natatawang turan niya noon. “In that case, sige na, payag na ako basta yung mga ipinangako mo, tuparin mo lahat ’yon. Otherwise, I will make the necessary action,” matigas na pahayag nito. “Sir, yes sir!” Nag-salute pa siya na ikinangiti ng Dad niya sabay ginulo ang buhok niya. At ngayon nga, sa edad na 23, masasabing naabot na niya ang rurok ng tagumpay. Naihahanay na siya sa mga beteranong celebrities. Natupad niya lahat ng naipangako niya sa Dad niya. Noong nakaraang taon, natapos niya ang kursong Business Administration kahit medyo nahuli na nang kaunti sa mga ka-age niya. Si Diane nga na best friend niya ay two years nang nurse sa isang sikat na hospital sa Taguig. Hindi naman kasi siya makapag-full-time dahil sa showbiz career niya. Karamihan pa nga roon ay home study, pero at least she is a degree holder now. As of now, mapili pa rin siya sa role. Strictly walang kissing scene pa rin sa mga proyektong ginagawa niya. Kung meron man, lahat pine-peke. Nakapagtataka nga rin na kahit ganoon ay tanggap na tanggap ng kanyang mga fans. Kung meron man siyang isyung nasasangkutan madalas, iyon ay dahil sa image niyang napaka-reserved at parang takot makipagrelasyon. Hindi iilang beses na rin siyang natanong sa mga interview kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagkaka-boyfriend. Iisa lagi ang pabirong sagot niya: “Eh wala pa pong nakakatalo sa firing range sa Dad ko, eh. So far, wala pang malakas ang loob na gustong sumubok. Yun lang naman po ang hinihintay namin ni Daddy.” Sabay tatawa siya to give emphasis that she’s just joking, pero ang totoo, iyon talaga ang kondisyon ng Dad niya—hindi lang niya alam kung may halong biro. Kilala siya na maldita pagdating sa mga lalaki. Yung mga nagtatangkang manligaw ay sumusuko na lang. Napaka-prangka niya talaga kasi. Pero marami pa ring nagpaparamdam. Mga batang pulitiko, kapwa mga taga-showbiz, mga negosyante na patuloy niyang iniiwasan. Ayaw niyang masira sa Dad niya. Besides, wala siyang natitipuhan sa mga nagpapahaging sa kanya. May mga napagbibigyan siyang makipag-date pero kadalasan ay isa hanggang dalawang beses lang at hindi na siya pumapayag ng kasunod. Well, she doesn’t have the luxury to waste her time naman kasi. Sa ka-busy-han niya ba naman. Ang napagbigyan niya nga lang ng twice na date ay ang batang-batang governor na saksakan ng kulit manligaw. He’s not a bad catch, though. At the age of 30 ay governor na, and he is also a good-looking young man. May kayabangan nga lang—tipong ipaparamdam sa’yo na kaya niyang bilhin ang lahat, and she’ll bet na pati mga botante ay nabili nito. Isa pang ubod ng kulit ay si Jacob Miranda, ang apat na beses na niyang nakatambal sa pelikula, na ang pang-apat ay kapapalabas pa lamang a month ago. As expected, blockbuster na naman. Dalawang beses na rin niya itong nakatambal sa soap opera, and so far, ito ang medyo kinikilalang ka-love team niya kaya ito ang pinaka-close niyang lalaki sa showbiz. “Total, lagi namang patok ang tambalan natin, Sandy. Why don’t we bring this to a higher level? Totohanin na natin and please make me the luckiest man alive.” Naalala niyang pangungulit ni Jacob. “Jack,” palayaw ni Jacob, “kung lahat ng pumapatok na katambal ko eh magiging boyfriend ko, naku, malamang ako na ang record holder ng may pinakamaraming naging BF dito sa showbiz,” aniyang may himig biro. “Sabagay, kahit sino nga palang makatambal mo, patok,” may bahid lungkot na turan nito. Subalit biglang lumiwanag ang mukha nito. “Pero may edge pa rin ako sa kanila dahil ako ang escort mo nung debut mo,” anitong naka-smile nang pagkatamis-tamis. Kung tutuusin, napaka-boyfriend material ni Jacob, naisip niya. Super hunk ito at talaga namang ubod ng gwapo. Isa rin sa pinakasikat at pinakamatagumpay na actor. Pinag-aagawan din ng mga leading ladies sa showbiz. But it stops there. Wala talaga siyang maramdaman na kakaiba rito. Hanggang big screen lang talaga yata ang chemistry nila. “Jack, nagkataon lang na may pelikula tayo noon kaya ikaw ang naging escort ko,” nakalabing turan niya. Wala nang nagawa si Jacob kundi kumamot ng batok, pero may pahabol pa rin ito. “I won’t easily give up on you, gorgeous. Hangga’t wala ka pang boyfriend, patuloy pa rin kitang susuyuin,” determinadong turan nito. END OF FLASHBACK Napukaw ang malalim na pag-iisip niya sa tunog ng cellphone. Nasa set siya sa taping ng kanyang soap opera na, as usual, namamayagpag na naman sa primetime at consistent na top ang rating from its first airing. Naka-break lang sila ng 15 minutes. “Hi, Dad. Are you home? I’m sorry, male-late ako for dinner—but not that long. Isang eksena na lang po and then uwi na po ako. Sorrrrrryyyyy…..” Malambing na pakiusap niya. “Sandra, nasasanay ka nang suwayin ako nang pakunti-kunti. Baka nakakalimutan mo na yung mga naipangako mo. Miminsan na nga lang tayo makapag-dinner together, late ka pa,” himutok ng Dad niya. “Alam mo namang may pag-uusapan tayong importante,” dagdag pa nito. “Dad, promise, kahit hanggang umaga tayo mag-usap pag-uwi ko. Huwag ka nang magtampo, Dad, okay? Love you, Daddy kong super gwapo! Mwaaaah!” malambing niyang turan. “Hindi mo ako madadala sa ganyan, Sandra! Matagal ko nang alam ’yan! Kaya nga artista ka ngayon kasi nagmana ka sa gwapo mong tatay,” turan ng Dad niya na may bahid ng biro. “For tonight, sige, hindi muna ako kokontra, Dad. ’Yaan mo, pag-iisipan ko kung papasukin ko ang pagiging action star kasi magkamukha pala tayo, eh. Kamukha mo pa naman si George Clooney.” Lumabi pa siya nang biglang may magsalita sa likod niya. “Sandy, start na raw ulit. Ay, sorry! May kausap ka ba?” Hingging paumanhin ng PA niyang si Reah. “Sunod ako, Reah. Thanks!” aniya. “Hey, Dad, this won’t take long. I’ll be home in an hour, okay? Love you po.” Paalam niya. “Okay. Ingat pag-uwi! Yung mga bodyguards mo baka tulog-tulog, ha? Baka kamo type din nilang walang gising,” biro ulit ng Dad niya. “Daaaaaad….” aniya pang nakasimangot. Apat ang personal bodyguards niya sa pagpipilit na rin ng Dad niya. Maraming beses na rin kasing muntik-muntikan siyang mapahamak, lalo na kapag dinudumog siya ng sandamukal na mga fans. Pinagtalunan din nila ng Dad niya ang kanyang mga bodyguards kasi feeling niya OA na yung apat, kaso sa bandang huli ay napahinuhod din siya. “Biro lang, sweetie. Be safe, okay?” natatawang usal ulit ng tatay niya. “Hmp! Dry humor! Love you, Dad… bye.” At ibinaba na niya ang phone.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

HOT SINGLE DAD: AGENT SERIES 20 (R-18 SPG)

read
104.3K
bc

Wanted: Mafia Lord Series 13 (R-18 SPG)

read
124.3K
bc

Agent Series 15 : Officially Yours (SPG R-18)

read
152.0K
bc

Love at First Shot [SPG]

read
21.2K
bc

LIBERTY: THE WORLD'S MOST WANTED 2 (SPG/R-18+)

read
10.0K
bc

Agent Series 17: Money Or Kiss Me? (R-18 SPG)

read
189.8K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
361.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook