FIVE

702 Words
Laura HABANG nagluluto ay nararamdaman ko ang titig niya sa aking likuran ngunit hindi ko nalang pinagtuonan ng pansin iyun bagkus ay nagfocus nalamang ako sa aking niluluto. Hindi ako nahirapan pumili ng lulutuin dahil marami siyang kagamitan at kasangkapan sa kusina. Pero hindi rin nagtagal ay naririnig ko ang mga hakbang nito patungo sa aking puwesto. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng aking puso tila gustong lumabas sa sobrang bilis. Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa kahit halos mawalan ako nang hininga sa sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Nakapatong ang mga kamay nito sa magkabilang tagiliran ko “What dishes is that?” pigil hininga ako nang tumapat ang mukha nito sa mukha ko habang ang tingin ay nasa niluluto kong sinigang. May binuksan ito sa gilid at kumuha nang kutsara. Pagkakuha ay bahagya itong nilapit ang kutsara sa niluluto ko at kumuha nang unting sabaw. Mahina nitong hinipan ang sabaw bago isubo ang kutsara. Tumango tango ito bago bumaling ang tingin sa akin. “Masarap! I like it” napakurap ako nang ilang beses dahil sa sinabi nito. Bakit parang unang beses niya lang ata nakatikim ng sinigang sa buong buhay niya. “Ahm.. Okay” sabi ko at pinatay ang sinaing pero napakislot ako nang hawakan nito ang magkabila kong beywang. Tumapat ang mukha nito sa aking tenga “Hindi ko alam na higit sa pagiging maganda mo ay magaling ka ring magluto sister” nakangising sambit nito. Inalis nito ang pagkakahawak sa beywang ko at dumiretso sa ref at kumuha ng can beer. Nang mabuksan ang beer ay diretsahan nitong ininom hanggang sa maubos. Dumako ang tingin nito sa akin nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Ngumiti ito sa akin at dahan-dahan dinilaan ang labi na para bang nang aakit. Mabilis kong iniwas ang aking mga mata. Kung kanina ay buong mukha nito ay nakatakip ng mask ngayon ay mata at ilong nalang ang nakatakip. Kakaiba ang suot nitong maskara parang hayop ang disenyo. Pinatay ko ang kalan pati rin ang gasul. Pinakalmahin ko muna ang aking sarili bago naghanda nang plato at mga kutsara para sa amin. Alam kong pinapanood niya ang bawat galaw ko pero hindi nalang yun pinansin dahil baka isipan niya ay apektado ako sa presensya niya. Sinimulan ko na ang pag aayos ng mga plato at kutsara sa dining table pati rin ang ulam at kanin na ang aking sinandok. Tumungo ako sa kusina para kunin yung pistel. Akmang kukunin ko na ang pistel sa countertop ay may kamay na humablot sa braso. Napasandal ako sa dibdib nito pero natulos ako sa kinatatayuan ko nang hinawakan nito ang aking baba at inangat. Nagtama ang mga mata namin, may kung anong hipnotismo sa abo niyang mga mata na para bang may sinasabi ito na hindi ko maipaliwanag. Sinapo nito ang magkabila kong pisingi at nanlaki ang aking mga mata ng lumapat ang labi nito sa aking mga labi. Tinutulak ko ang kanyang dibdib at iniwasan ang aking mukha pero imbes na binitiwan ako ay lumipat ang kamay nito sa batok ko at mas lalong diniin ang mukha ko kaya mas naglapat ng aming mga labi. Kinagat nito ang pang ibaba kong labi at pilit na pinapasok ang kanyang dila. Humigpit ang hawak ng isang kamay nito sa beywang ko. Ramdam ang pag init ng sulok ng mata ko kasabay ng pagpupumiglas ko. Tumigil ito sa paghalik ng mapansin niyang nauubusan na ako nang hininga. Napayuko ako habang hinabol ang aking hininga. Napahagulgol ako sa pandidiri na nararamdaman ko pagkatapos niya akong halikan. “Are you oka-” hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at sinampal siya. Pero Imbes na magalit ay may mapaglarong ngisi sa kanyang mga labi na tila natutuwa sa ginawa ko. Humarap ito sa akin habang hawak ang labi “I like that feisty” Tinulak ko ito nang malakas kaya natanggal ang mga kamay nito sa katawan ko. Tumakbo ako patungo sa main door at pinagpasalamat ko na hindi nakalock. Pagbukas ko ay labis akong naglumo nang makita ko na halos mga puno ang nasa labas. Wala na akong pakialam kung nasa gitna ng kagubatan pa'to basta makaalis lang ako sa bastos at kriminal na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD