SIX

679 Words
Laura TUMAKBO ako sa abot ng makakaya ko para lang makaalis sa bahay na yun pati na rin makalayo sa demonyong kriminal na yun. Napasinghap at napatakip ako nang bibig ng may narinig akong putok ng baril. “I DON'T KNOW THAT YOU LIKE TO PLAY HIDE AND SEEK SISTER” sigaw nito ngunit hindi ako nagpadaig sa takot bagkos ay mas binilisan ko ang pagtakbo. Mataimtim akong nagdarasal na sana ay makatakas ako. Hindi ko alam kung anong direksyon ang dapat kong puntahan para makalabas sa kagubatan. Bahala na at tumungo ako sa kanang direksyon. Mukhang dininig ng langit ang aking panalangin at nakakita ako nang kalsada malayo sa pwesto ko. Konti nalang Laura makakatakas ka na. Mas dinoble ko ang bilis ng pagtakbo ng makarinig ako nang tunog galing sa kalsada, sa tingin ko ay galing sa isang sasakyan iyun. Nang marating ko ang kalsada ay huminto ako sa gitna kahit walang kasiguraduhan na tutulungan ako nang tao na nasa sasakyan. Rinig ko ang kabog ng dibdib ko dahil sa saya, takot, at iba pang emosyon. Nang tumigil ang sasakyan sa harap ko at kumatok ako sa bintana. “Tulungan mo ko mister , nagmamakaawa ako” pakiusap ko sa taong nasa loob ng kotse. “Pumasok ka, bukas ang pinto” may kakaiba sa boses nito, malalim at parang kalmado lang ito. Umiling nalamang ako at sumakay na. Baka maabutan pa ako nang bastos na kriminal na yun. Pagkasakay ko ay napasandal ako sa backrest ng kotse at pumikit. Nagsimula ang pag usad ng sasakyan. Sa hindi malamang dahilan ay mas dumoble ang kaba na nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim bago minulat ang aking mga mata. Unti unti akong tumingin sa driver seat, nawala ang saya na naramdaman ko. Nang makita ang nagmamaneho ay parang gusto ko nalang tumalon palabas. Walang iba kundi ang kriminal na tinatakasan ko. Akala ko makakatakas na ako ngunit isa lang pala iyun imahenasyon. Nilingon ako nito ng mapansin ang pagtitig ko sa kanya. Umiwas ako nang tingin pero napatili ako ng higitin ako nito paupo sa hita nito. Nakalimutan kong magseatbelt kanina. Kainis! Sa sobrang okupado din ng aking isipan ay hindi ko napansin na inihinto nito ang sasakyan. “Do you think you can escape? huh?” pilit kong tinutulak ang balikat nito. Hinablot nito ang aking batok upang mas mapalapit sa kanya. “Then think again” nagbabadyang umalpas ang aking mga luha sa takot at kilabot. Napakislot ako nang haplosin nito ang pisingi ko at pinunasan ang luha. “Look at your feet” napatingin ako sa aking mga paa, ngayon ko lang napansin na nakapaa na pala ako tumakbo palabas ng gubat kanina kaya maraming itong sugat at pasa. “Next time kung tatakas ka, please magsuot ka nang kahit anong pang paa para hindi ka masugatan” bulyaw nito sa akin. Hindi ako makapaniwalang bumaling sa kanya. Seryoso ba siya... paano ko maiisip yun sa ganung sitwasyon. “E' kung pakawalan mo nalang ako para hindi na ako tumakas at magkasugat pa” sarkastiko kong suhestyon. Umiling ito at binuhat ako pabalik sa inupuan ko kanina. Aayos na sana ako nang upo ng kunin nito ang mga paa ko at pinatong sa kanyang mga hita. Kumuha ito ng wet wipes sa loob ng compartment ng sasakyan at masuyong pinupunasan ang mga paa ko. “Malamig na tuloy yung ulam na niluto ” asik nito, aba't parang ako pa may kasalanan. “Kasalanan mo yun! kung hindi mo ko binastos kanina e'di maayos sana” segunda ko. May kapilyuhang kumislap sa mga mata nito. “Your lips taste a candy actually” Sinamaan ko ito ng tingin pero imbes na magalit ay humagalpak ito ng tawa. Maya maya ay tumigil ito sa pagtawa at seryosong tumingin sa akin. “Huwag mo nang subukan ulit tumakas dahil baka masaktan o mapahamak ka lang kapag ginawa mo ulit yun” Tama siya pwede akong masaktan pero gusto ko ng umuwi. “Don't worry after 4 days I will release you” gulat ko siya pinukolan ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD