SEVEN

570 Words
Laura TAHIMIK kami pareho kumain ng gabihan at ang tanging marinig lamang ay mga kubertos na ginagamit namin. Nakatulog ako sa byahe at paggising ko ay nasa ibang lugar na kami. Iba na hitsura at desisyon ng bahay. Pati may pagkain na galing sa kilalang fastfood, mukhang inorder niya ito or may inutusan siya habang natutulog ako. Nanghinayang ako bigla ako sa sinigang na niluto ko. Bigla akong napaisip kung mayaman ba ang lalaking ito at bakit siya may magagandang bahay at isa ring rason kaya ba siya hindi nahuhuli ng pulis. Imagine paggising mo ay nasa bahay ka na may swimming pool at yung magdala sayo ay isang wanted na kriminal. “Sino ka ba talaga?” sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nasabi ko ng malakas ang nasa isip ko. Binalingan ako nito ng tingin “Hmm.. what do you think?” lintaya nito at isinandal ang sarili sa upuan. Ramdam ko ang intensidad sa mga mata nito. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. “I-isa kang kriminal pero bakit may ganto kang bahay?” hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagtaas ng sulok ng labi nito. “Dahil mayaman ako” wika nito sabay kibit balikat. “Kung mayaman ka naman pala bakit mo pa ako kinidnap?” mayaman naman pala ito, kayang kaya niya ako patahimikin o kaya patayin pero hindi niya ginawa bagkos ay kidn*pped niya ako at dinala sa lugar na kahit sino ay walang may alam. “Secret” hindi makapaniwala akong tumingin sa kanya at siya naman ay kumuha at kumagat sa fried chicken. “Alam mo pakawalan mo nalang ako kasi ganun din naman eh” biniba nito ang fried chicken na nasa bibig. “Ayoko” malamig nitong sabi at tumayo sa kinaupuan. Naguguluhan ako sa inaasta nito, paiba iba ang mood niya. Nakita ko ang bulto nito patungo sa kusina. Ipagdadasal ko na sana tuparin niya yung sinabi niya kung di ay wala siyang magagawa kapag tumakas ako. Ipagpatuloy ko nalang kinakain ko, hindi ko pa naisusubo ang manok ay may humila sa upuan ko at pinihit paharap sa kanya. “Ano bang problema mo?” nakasimangot kong tanong. “Ikaw! ikaw ang problema ko, bakit ba ang hirap mong paamuhin huh?” umawang ang aking bibig at napasinghal dahil sa sinabi nito. “Mukha ba kong hayop para paumuhin mo huh?” asik ko. Baliw na talaga 'tong lalaking 'to. Nagtagis ang bagang nito sa sinabi ko. Napaigtad ako ng hilahin ako nito patayo. “You know what nagbago na ang isip ko hindi na kita papakawalan pa, kung kinakailangan pakasalan kita para manatili ka rito ay gagawin ko” Pinukolan ko ito ng masamang tingin at sabay non ang nagbabadyang mga luha. “Hindi ka marunong tumupad sa pinangako mo” ngumisi ito. “i don't remember na nangako ako sayo” umusbong ang galit ko sa sinabi niya kaya hindi ko mapigilang sampalin siya. Bahagyang gumalaw ang maskara nito ngunit hindi man lang ito natinag. “Sinungaling ka!!” pinagsusuntok ko ang dibdib nito habang umiiyak. Pilit akong nagpupumiglas ng hawiin nito ang buhok kong nakatakip na sa aking mukha. Hindi na dapat ako umasa na papakawalan niya ako. Unti unti akong nawalan ng lakas, bigla akong nakaramdam ng pang lalambot kaya hindi na ako nagpumiglas pa “I'm sorry sweetheart” bulong nito at hinalik halikan ang tuktok ng ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD