ONE

725 Words
Laura “SISTER Laura may good news ako sayo” bakas sa boses ni sister julie ang tuwa nang makalapit sa pwesto kung saan kami ng mga bata na aking tinuturuan. Sinenyasan ko ang mga bata na ituloy ang pinapasagutan ko sa kanila. Lumayo kami ng unti upang makapag usap kami ng aayos ni sister. “Ano iyun sister julie?” tanong ko. Halata sa mukha nito ang ligaya. “Nagbigay ng malaking donasyon ulit si sir Michael para sa mga bata” napasinghap ako sa aking narinig, hindi ko mapigilan ang aking sariling yakapin si sister julie dahil sa tuwa. Sa wakas ay mabibilihan na ang mga bata ng gamit na pwede nilang gamitin kapag ako'y nagtuturo o mga importanteng bagay na pwede nilang magamit sa araw araw. “Salamat sa kanya at mabibilihan na natin ng school supplies ang mga bata” turan ko at bumitiw sa pagkakayap kay sister julie. Kahit hindi ko kilala ang taong iyun dahil bago lang ako sa kumbento ay labis akong nagpapasalamat sa kanya.Sana'y gabayan siya ng diyos. “Oo nga, hindi lang siya makisig na lalaki kung di ay isa ring mabuting tao” hindi makapaniwala ko ito tiningnan. Kung narinig ni mother superior ang kanyang sinabi ay mapapagalitan ito. Nang maunawaan nito ang sinabi ay napatakip ito sa bibig “Pasensya na” luminga-linga ito sa paligid. Umiling nalamang ako at nagpaalam sa kanya bago bumalik sa mga bata. Nang matapos ako sa pagtuturo sa mga bata ay tumungo ako sa office ni mother superior upang makausap siya tungkol sa pag uwi ko sa probinsya dahil tutal ay summer ngayon at buwan iyun ng pahinga. Kumatok muna ako “Sino iyan?” rinig kong tanong ni mother superior sa loob. “Si Laura po ito” tugon ko. “Pumasok ka” nang marinig ko iyun ay pumasok na ako sa loob. May kausap ito base sa katawan nito ay isa itong lalaki. Sinenyasan niya akong umupo kaya pagkaupo ko ay nakaharap ko yung kinausap niya bago ako pumasok. Nalipat sa akin ang tingin nito kaya alanganing akong ngumiti dito dahil sa kakaiba nitong titig na nagsanhi ng nararamdaman kong pagkailang. May kung anong hipnotismo sa abo nitong mga mata. “Sister Laura” nabaling ang atensyon namin kay mother superior ng magsalita ito. “Nais kong ipakilala sayo si Mr. Castro, siya ang nagbigay ng donasyon para sa mga bata” pamilyar ang apelyido niya.Siguro ay business man ito o kaya abogado dahil nakasuot ito ng formal suit habang ang buhok nito ay nakagel. “Mr. Castro siya naman si sister Laura siya ang bagong madre rito sa kumbento” pagpapakilala nito. “Nice to meet you sister laura” sa hindi malamang dahilan ay kinalibutan ako sa boses nito. Parang may kakaiba sa ngiti ito hindi ko matukoy kung ano ang iyun, lihim akong napailing sa aking isip baka imahenasyon ko lang iyun dahil pagkailang ko sa kanya. Pinakalma ko muna ang aking sarili bago magsalita. “Nice to meet you too Mr. Castro at nais kong magpasalamat sa pagtulong mo sa mga bata” pagpasalamat ko sa kanya bago bumaling kay mother superior. Kailangan kong magpaalam para makapaghanda ako mamaya kung sakaling papayag niya ako. “Mother superior pasensya na po sa pag istorbo ko sa pag uusap niyo ni Mr Castro pero nais ko lamang magpaalam sa inyo” panimula ko “Saan ang iyong punta?” may halong pagtataka nitong tanong. “Gusto lang po sana mabisita sila nanay ngayong bakasyon” hindi ko na masyadong matandaan kung kailan akong huling bumisita kila nanay simula ng umalis ako para mag aral dito . “Kailan ang iyong alis?” pinagsiklop nito ang mga palad. “Bukas po ng madaling araw para maaga po ako makarating” mahirap kapag tanghali ako bumiyahe baka pahirapan na ang paghahanap ko ng pwedeng sakyan. Tumango tango ito “Sige pero magkaingat ka't maraming mga krimen ang nangyayari sa paligid” “H'wag po kayo mag alala iingatan ko ang aking sarili, salamat po” wika ko bago lumabas sa opisina ni mother superior. Nakahinga ako ng maluwag dahil pinayagan ako ni mother superior at nakalayo rin kay Mr Castro. May maliit na pagitan sa aming dalawa kanina pero pakiramdam ko ay sobrang lapit niya sa akin. Patawarin nawa'y ako ng diyos sa aking iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD