TWO

819 Words
TRIGGER WARNING: This story contains MATURE CONTENT like (k********g, Killing and etc) Laura Pagkagabihan ay inayos ko ang mga damit na kailangan kong dalhin sa pagpunta roon. Gabi na rin ako nakapagsimula dahil kailangan namin munang pakainin ang mga bata at patulugin.Hindi ako nahirapan magpaalam sa mga bata dahil alam nilang ilang araw lang ako doon. Binuksan ko ang telebisyon upang malaman ko kung may pag ulan ba bukas. Ngunit satingin ko ay tapos na ang balita. Papatayin ko na sana ang telebisyon ng biglang lumabas ang isang balita kasabay nun ang pagpasok ni sister Julie. ‘Breaking News: Kilalang mayor ay natagpuang patay sa hotel na kaniyang tinutuluyan ,at hinala ng mga pulis ay si Night na siyang most wanted ngayon dahil sa pagpatay sa dalawang kilalang politiko ngunit sa ngayon ay nagsasagawa parin ang mga pulis ng masusing imbestigasyon ,Ako nga pala si David Tergen nag uulat. ’ “Grabe na talaga ang nangyayari ngayon sister noh?”saad ni sister julie katabi ko habang nakikipanood din. Tumango ako at nagpatuloy sa pag aayos ng damit ko ”Hindi ko alam kung paano nila nasisikmura ang pumatay ng mga inosenteng tao” ”Correct ka diyan sister laura” pag sang ayon nito. ”Ah siya nga pala sister kailan ang alis mo?” tanong nito “Bukas ng madaling araw. Baka kasi gabi pa ako makauwi samin kung umaga ako aalis” tumango tango ito at nagpaalam na sakin dahil tutulog na ito. Pinatay ko sandali ang telebisyon bago pinagpatuloy ang pag aayos ng aking mga gamit na dadalihin ko sa pag alis. Habang nag aayos nang aking mga gamit ay hindi ko mapigilang makaramdam ng galak dahil sa wakas ay makakauwi na ako samin. Nag uusap naman kami sa telepono nila nanay ngunit gusto kong makita sila kaya naisipan kong hindi ipaalam sa kanila na uuwi ako dahil nais kong isupresa sila. Nalayo ako sa mga magulang dahil natanggap ako sa isang scholarship na pinag applyan ko, nahirapan akong papayagin sila nanay dahil nga nag iisa nila akong anak kaya mahirap sa kanila syempre mahirap rin sa akin ngunit kailangan kong igrab ang opportunity na makapag aral ulit at ilang taon na ako rito sa maynila, simula senior highschool ako ay dito na ako nag aaral. At nung tumuntong ako ng college ay napagdesisyunan kong kumuha ng kurso sa pagkaguro bago ako pumasok sa kumbento. Hindi naging mahirap sa akin ang desisyon tungkol sa pagpasok sa kumbento dahil satingin ko ay tinatawag ako ng diyos upang paglingkuran siya. Ngunit ng nalaman ng mga magulang ko ang desisyon kong magmadre ay hindi sila sang ayon dahil baka raw ay may matipuhan akong lalaki at magkaroon sila ng apo sa akin. Imposible at ayoko!. Dahil nakapagtapos ako sa kursong education at pumasa sa license exam ay naisipan kong magturo sa mga bata dito sa kumbento upang kahit papaano ay may maitulong ako kila mother superior. Nang matapos na ako sa pag aayos ng mga gamit ko ay humiga na ako sa aking kama at nagpahila sa antok. Pagkagising ko ay naghanda na ako sa aking pag alis at pagkatapos ay nagpaalam na ako kila mother superior. Habang naglalakad ay nakarinig ako ng ingay galing sa madilim na iskinita na dadaanan ko. Kinakabahang nanalangin ako sa isip.Nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba ako sa pagdaan dito o h'wag na, Ang kaso nga lang ay kung sa kabilang iskinita pa ako dadaan ay malayo pa iyun at aabutan ako nang umaga kasi walang masyadong sasakyang dumadaan doon. Ipapasadiyos ko nalang ang aking kaligtasan. Tumuloy parin ako sa aking paglalakad hanggang sa maaninag ko kung saan nang galing ang tunog na naririnig ko kanina. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang lalaking na nakamaskara na patuloy sa pagsaksak doon sa kawawang lalaki na nakahandusay at nakita ko rin ang mga boteng basag na nakakalat. Dahil sa gulat at takot ay hindi ko namalayang na nabitawan ko na pala ang aking bag na naglalaman ng aking mga gamit na nagsanhi ng ingay upang mapalingon sakin ang lalaki. Nakasuot ito ng itim na jacket at nakamaskara. Tinapon nito ang kutsilyo na hawak at nagsimula lumapit patungo sa aking kinatatayuan subalit napaatras ako sa takot. Kahit nanginginig ang aking mga tuhod ay hindi ako nagdalawang isip na tumakbo.Nang malapit na ako pabalik sa simbahan ay may mga brasong pumulupot sa beywang ko. Sisigaw na sana ako nang tinakpan nito ang aking bibig. Nagpupumiglas ako nang nagpupumiglas “Shhh h'wag ka nang magpumiglas” pumasok bigla sa isip ko ang napanood ko sa telebesyon, kung paano ang simpleng self defense sa ganitong sitwasyon kaya siniko ko ng malakas ang kanyang tiyan. Mukhang nasaktan ito kaya natanggal ang pagkakapulupot ng mga braso niya sa aking beywang. Nang malapit na ko sa harap ng simbahan ay biglang may kung ano akong nakaramdam sa aking leeg na sanhi upang ako ay mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD