TRIGGER WARNING: This story contains MATURE CONTENT like (k********g, Killing and etc)
Laura
Pagkamulat ng aking mga mata ay napahilot ako sa aking batok at leeg dahil pakiramdam ko ay para akong nabalian doon.
Iginala ko ang aking mga mata sa buong kwarto, napabalikwas ako ng bangon ng malaman kong hindi pamilyar na kwarto ang aking kinatutulugan kagabi.
Naalala ko bigla ang nangyari bago ako nawalan ng malay, may nasaksihan akong krimen. Napatakip ako sa aking bibig at nangilid ang aking luha dahil sa kaba na baka ako ang isunod kaya niya ako kinuha.
“Finally gising ka na” dumako ang aking tingin sa may pinto. Isang lalaking nakatayo doon habang nasa bulsa ng pantalon ang dalawa nitong kamay.
Nakasuot ito ng puting sando kaya nakita ko ang marami nitong tattoo. Nanatiling nakasuot ito ng maskara habang ang buhok nito ay top knot.
“Are you done staring at me sister” nakangisi ito base sa boses nito. Tumingin ako sa ibang direksyon upang maiwasan ang mapang asar nitong tingin.
Tinakluban ko ng kumot ang aking katawan nang nagsimula na itong maglakad palapit sa akin. Nagdarasal ako sa aking isip na sana ay h'wag niya akong patayin.
Nang makalapit ay tumayo ito sa harap ng kamang kinahihigaan ko at bigla nitong hinigit ang kumot na tinakbong ko sa aking katawan at tinapon sa kung saan.
Umakyat ito sa kama at dahan dahan lumapit sa akin na siyang kina atras ko. Nagsumiksik ako sa dulo pero napatili ako ng higitin nito ang mga paa ko at kinubabawan ako.
Sa pilitan itong puwesto sa pagitan ng aking mga hita.
“A-anong ginagawa mo?” nauutal kong tanong dahil sa takot at kaba pero imbes na sagutin ang aking tanong ay nilapit nito ang mukha sa kanya. Iniwas ko ang aking ulo upang hindi magpantay ang aming mga mukha.
Ngunit sinapo nito ang magkabila kong pisingi at maingat na hinahaplos. Pilit kong tinutulak ang balikat nito ngunit mas nilapit nito ang mukha, hindi ko kayang iiwas ang aking mukha dahil hawak nito ang mga kabila kong pisingi.
Nanalangin ako sa aking isipan kasabay ng aking pananalangin ay siyang pagpatak ng aking mga luha.
Naramdaman ko ang paglapat ng maskarang suot nito sa aking noo.Pinunasan nito ang luha sa aking pisingi gamit ang hinlalaking daliri nito.
“Shh stop crying, hindi naman kita sasaktan eh kung magiging mabait at masunurin ka” madiin nitong sabi at mas lalong diniin ang sarili sa akin.
Nakapikit ang mga mata nito habang sinasabi iyun. “H-hindi ko sasabihin kahit kanino yung nakita, pakiusap pakawalan mo na ako” nag mamakaawa kong saad. Alam kong masama ang magsinungaling pero iba ang sitwasyon ngayon.
Nagmulat ito ng mga mata kaya nagtama ang mga mata namin. “No, you will stay here with me forever” may diin ang bawat bigkas nito.
Umalis ito sa ibabaw ko kaya mabilis akong nagsumiksik sa dulo habang tinatakpan ang aking katawan gamit ang dalawa kong braso. Nagdarasal sa aking isip na sana'y magising ako sa bangungot na ito.
“Tumayo ka na dyan sister at ipagluto mo ko” lumabas ito ng kwarto pagkatapos iyung sabihin. Kahit nangangatog ang aking mga tuhod at kasabay ng pagtulo ng luha ay umalis ako sa pagkakasiksik sa kama. Dumiretso ako sa banyo para maligo sapagkat nandidiri ako sa aking sarili at pakiramdam ko ay nanlalagki na rin ako.
Nang makapasok ay sumalubong sa akin ang malawak na banyo. Napansin kong may bagong pangbabaeng gamit sa pangligo, mukhang kakabili lang nito.
Pagbukas ko ng pinto sa banyo ay ganun nalamang ang aking gulat ng makita yung lalaking dumukot sa akin sa harap ng pinto ng banyo.
Tinignan ako nito hanggang ulo't paa na para bang sinusuri ang buo kong pagkatao gamit ang kayumanggi nitong mga mata.
Bago pa ako maatras ay hinablot na nito ang aking beywang. Tinutulak ko ito sa balikat upang hindi magkadikit ang aming mga dibdib.
“Shh be a good girl sister or else you will see yourself naked while moaning my name” madiin at malalim na saad nito.
Kung pwede ko lang siyang itulak ay kanina ko na sana ginawa pero hindi ko magawa dahil sa takot na baka may gawin siyang bagay na pwede kong ikapahamak o ikamatay. Niyuko ko nalamang ang aking ulo habang nanalangin sa diyos na sana'y ako ay kanyang iligtas. Tumulo ang aking luha sa kaba, na maaaring may gawin siya aking hindi maganda lalo't wala akong suot na kahit ano sa ilalim nitong roba na suot ko.
Hinaplos nito ang aking basang buhok at tinulak ang aking ulo pasandal sa kanyang dibdib. “Stop crying, hindi naman kita papatay e kung magiging masunurin ka sakin” malambing nitong aniya na nagbigay sa akin ng kilabot at takot.