ISANG malakas na sipa ang pinakawalan ni Ingris nang makita niya ang isang nilalang na nababalot ng itim na aura. Nakasuot ito ng makapal na balabal at nakatalukbong pa ang ulo nito. Matapos ngang salagin ng nilalang na iyon ang sipa ng babaeng nakapula ay agad itong bumulusok paibaba dahil sa lakas na taglay noon. Isang pagsabog sa paanan ng bulkan ang naganap at ang paligid ay nayanig dahil doon. Seryosong pinagmasdan ni Ingris ang pinagbagsakan ng kalaban. Galit pa rin siya sa ginawa nito sa kanyang mga kasamahan kaya nga mabilis niyang pinagliwanag ang kanyang aura at ang tubig mula sa lawa ay unti-unting umangat paitaas. Matapos iyon ay buong-lakas na ikinumpas paibaba ni Ingris ang kanyang kamay at ang malaking tubig ay tila naging isang drill kung saan ay napakatilos ng dulo

