ANG KAGUSTUHAN ni Mars na lumakas ay tila nasasayang lang dahil habang ninanais niyang makamit ito ay nalalagas naman ang mga nilalang na nais niyang protektahan. Namatay na ang kanyang apat pang mga kasamahan at ngayon ay ipinahiram na ng mga ito sa kanya ang kanilang mga apoy. Isa itong regalo ng pamamaalam na dapat niyang magamit nang maayos upang hindi mauwi sa wala ang lahat. Tinanggap niya ang apoy ng apat na kasamahan at naramdaman niya ang tiwala ng mga ito sa kanya dahil dito. “Ito ba ang kanilang kapalaran sa mundong ito? Ang mamatay at ibigay ang apoy sa akin?” tanong ni Mars sa sarili na napatingin sa asul na apoy na lumalabas sa kanyang palad matapos niyang muling makabangon. Hindi niya gustong mangyari ito. Parang may kung anong dumudurog sa kanyang puso nang oras na

