NANG mapatay ni Mars si Xevi ay bigla na lamang nagbago ang kapaligiran. Naging isa itong lugar ng mga guho na tila maraming taon nang walang naninirahan. Kasunod din niyon ay ang biglang pagdaloy ng isang napakalakas na presensya mula sa itaas. Si Prinsesa Lylia nga ay nanginig ang tuhod at nanghina nang maramdaman ang isang pwersang iyon. Ang Will Power ni Seb! Mula rin sa itaas ay makikitang bumubulusok paibaba ang walang malay na katawan ng prinsipe ng apoy na si Alpiro. Sa tindi ng lakas ng will ni Seb ay wala na nga itong nagawa kahit na ito pa ang pinakamalakas sa apat na Maharlikang ipinadala rito. Ang presensya ni Seb at dumaloy sa buong Enomenos at naramdaman pa nga ito sa buong Elementalika na ikinaalarma ng apat na kaharian sapagkat marami sa mga mamamayan nila ang bigl

