“BANKAI!” Hindi alam ni Mars kung ano ang mayroon sa salitang iyon, at nang banggitin nga niya ito ay biglang kumawala ang malakas na hangin mula sa kanyang espada. Kasabay rin noon ay ang paglaki ng kanyang aura. Nakaramdam siya ng labis na lakas na ni minsan ay hindi niya naramdaman. Kahit noong makahiram siya ng apoy mula kay Heat at Lava ay walang-wala ito sa nararamdaman niya ngayon. “Hindi ko alam kung may magagawa ito, pero susubukan ko pa rin,” sambit ni Mars at ang nakataas niyang espada ay mabilis niyang ibinaba. Kasunod noon ay ang pagtalon niya paitaas upang salubungin ang napakalaking apoy na kulay asul na maaring tumupok sa kanila ng buhay. Hindi pa siya natatalo at mula sa ibaba ay mabilis din niyang iwinasiwas ang Yama papunta sa apoy ni Hades. Ang mga manonood ay n

