MABILIS na nagliwanag ang aurang Terranian ni Barbia at nang lumipad siya patungo sa lalaking may hawak kay Hades ay bigla na lamang may isa pang kalaban na humadlang sa kanyang landas. Aatakehin niya sana ito gamit ang kanyang palakol at sa pag-atake niya ay nagulat na lamang siya nang may isang matandang nababalot ng benda ang katawan ang sumangga sa sandata niya gamit lang ang isa nitong kamay. “Ako na ang bahala sa isang ito Haku,” wika ng matanda na kulay itim ang mga mata. Sa pagngiti nga nito at pagtitig kay Barbia ay bigla na lamang nagpakawala ito ng isang napakalakas na aura na itim. Si Barbia, sa kabila ng pagiging mamamatay-tao ay hindi napigilang makaramdam ng kilabot nang mga sandaling iyon. Nilakasan niya ang kanyang loob at mabilis na hinila ang palakol niya. Su

