ISANG pwersa ang parang nagpaatras sa tatlong Maharlika na nakarating sa itaas ng bangin na naging dahilan upang hindi na nila magawang maigalaw ang kanilang mga sarili nang mga oras na iyon. “A-ano’ng nangyayari?” bulalas ni Venus na parang nanghina na lamang dahil doon. Si Neptune nga ay nabitawan ang kanyang hawak na punyal dahil nanginig bigla ang kanyang katawan habang si Terrance naman ay naging seryoso na pinilit pang ikuyom ang kanyang kamao dahil parang may pwersang nagpapanginig sa kanya mula sa loob ng kwebang nasa kanilang harapan. Isang takot na unti-unting dumadaloy sa kanilang isip na maaring magpatigil sa kanilang nais gawin. Mula naman sa loob ng kweba, isang masamang balita naman ang winika ni Xevi kay Seb na kasalukuyang nakahiga sa loob ng laboratoryo. “Wala

