GINAMIT na ni Xevi ang kanyang bilis upang maisakatuparan ang pagkuha sa dugo ng tatlo. Hindi niya kailangang lumaban sa mga ito dahil iyon lang naman ang kanyang pakay. Malakas nga pala talaga ang mga Maharlika sa panahon ngayon at isang malaking patunay nito ay ang pagkasugat ni Seb mula sa babaeng gumagamit ng tubig. Pagkakuha ni Xevi sa kanyang kailangan ay doon na nga siya mabilis na tumakas, ngunit tila hindi ito magiging madali dahil naabutan siya ng babaeng may asul na aura. Nakita niyang nakakuyom na ang kamao nito na nababalot ng tubig. “Wala akong oras para makipaglaban sa isang ito,” bulalas niya at sa pagtama ng suntok ni Venus sa kanya ay siya ring pagsabog ng tubig sa ere. Nawasak ang katawan ng lalaking iyon at si Venus ay mabilis na tumingin sa paligid. Isa lang pe

