NAKABULAGTA ang marungis at duguang katawan ni Seb sa tabi ng Simula. Wala na ang mga kabataang naroon at malapit na ring magdilim nang mga sandaling iyon. Dahil sa mga ginawa sa kanya ay hindi niya namalayang nawalan na pala siya ng malay. Wasak at gula-gulanit na ang kanyang suot. Nagtamo rin siya ng mga galos at sugat sa halos buong katawan. Kung titingnan si Seb ay parang isa na itong nilalang na hindi na kailangan pang mabuhay. Sa pag-alis niya rito ay ibang mundo na ang haharapin niya. Kung dati ay siya ang nangmamata, baka sa oras na makita siya ng mga ginawan niya ng masama ay siya na ang makatanggap ng mga bagay na kanyang ginawa dati. Siya na ngayon ang pagtatawanan at gagawan ng hindi maganda. Halos matumba na nga siya sa paglalakad sa isang madilim na daanan. Nang m

