Apoy 60

1547 Words

ANG ARAW para malaman ang kapangyarihang elemental sa Dakoroso ng mga kabataang edad labing-anim ay nagsimula na. Taunan itong ginaganap sa malaking pabilog na bahay na nasa gitna ng isang malawak na obal. Napapaligiran ang malawak na lugar na iyon ng mga nakatayong mga haligi at rebulto. Makikita rin dito ang apat na tore na tamang-tama ang layo mula sa isa’t isa. Sa itaas din nga ng mga ito ay makikita ang apat na simbolo ng mga elemento.   Ang Apoy, Tubig, Hangin at Lupa.   Ang lugar na ito ay tinatawag na Simula. Sinasabi nilang sa oras na lumabas ang isang indibidwal mula sa loob ng bahay na narito ay simula na rin nila ito bilang isang nilalang na may elemental na kapangyarihan. Lahat ng mga kabataan ay nangangarap na pumasok sa loob nito sa pagdating nila sa kanilang wastong gul

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD