SERYOSONG pinagmamasdan ni Mars ang mapang ibinigay sa kanila ni Kuku. Tinitingnan niya ang mga madaraanan nila sa silangan, at oo nga’t wala roon ang Dakoroso, pero posibleng maalin lang sa mga daraanan nila ang kinalalagyan noon. “Naisip ko lang, posibleng wala nga talaga ang Dakoroso sa kasalukuyan. Pero paano kung ito ay mabubuksan sa pamamagitan ng isang mahika? O baka may susi?” sabi bigla ni Aru na katabi si Mars na kasalukuyan ding tinitingnan ang mapa. Habang naglalakad sila sa isang mahabang daanan na naging lupa sa gitna ng isang malawak na damuhan ay pasimple namang nakikinig si Hikin sa mga ito. Sa pagkakaalala niya, isinara na nila ang Dakoroso noon. Hindi na rin nila alam kung paano ito mabubuksan dahil ang tanging alam niya ay magbubukas lang muli ang lagusan sa ora

