NANG atakehin ni Haku si Mars, ang Sero ay bigla na lamang nakaramdam ng paglakas ng kanyang apoy. Hindi niya maipaliwanag pero nakita niya rin ang galaw ng kalaban sa maikling sandali. Iyon ang naging dahilan kaya nagawa niyang makapag-counter attack laban dito. Mabilis na sumama sa espada niya ang asul na apoy at kasama na rin doon ang kanyang umaapoy na aura. Buong-buo nga niyang inatake si Haku sa katawan nito. Dahil nga sa pag-aakala ng kalaban na hindi siya handa, ay hindi na nito tinaasan ang sariling depensa na naging dahilan upang ito ay matalo. Umihip ang hindi kalakasang hangin at kasabay ng paglalaho ng abo ni Haku ay ang dahan-dahan na ring pagliwanag ng paligid. Naglaho na nga ang maitim na kaulapan sa kalangitan at nagsimula nang bumalik sa dati ang paligid. Nawasak

