ISANG nakangiting labi ang masisilayan kay Haku nang biglaan siyang atakehin ni Mars. Hindi niya inaasahan na ang isang Sero pala ay posibleng magkaroon ng elemental na kapangyarihan. Nang isang malakas na atake nga ang binitawan ng binata sa kanya ay walang kahirap-hirap naman niya itong sinalag gamit ang kanyang espada na naging dahilan ng pagkalat ng asul na apoy sa kalangitan. Isang mahinang pagtawa ang maririnig mula kay Haku. Mabilis niyang hinarap ang Sero at siya naman ang mabilis na umatake rito. Agad siyang naglaho at binigyan niya ng mga mabibilis na atake si Mars gamit ang kanyang espada. Sinubukan niya ito kung magagawa ba siya nitong makita. Ito na ang pinakamabilis na kilos na magagawa niya at buong kapangyarihan na rin nga ang kanyang ginagamit sa kasalukuyan. “

