Kabanata 117 ISIDRO ( POV ) GALIT NA TUMINGIN SAKIN SI VERONICA habang nanglilisik ang mga mata niya ng marinig ang sinabi ko. Isang linggo kona 'to pinag-iisipan kung paano ko sa sabihin sakanya about sa paghihiwalay namin dalawa. Hirap na hirap na ako sa sitwasiyon namin ngayun ni Mila dahil 'di kona siya natatabihan sa kama o nahahatid sa school. Hindi kona rin siya nasusundo mula sa school kaya nagtatampo na si Mila sakin. Palagi na lang kasi sumasabay sakin si Veronica sa pagpasok sa work at pag-uwe. Parang binabantayan ang bawat galaw ko at nagdududa na siya sakin dahil malamig na malamig na ako sa kanya simula ng dumating siya. Kaya naman wala na kaming oras ni Mila sa isa't isa dahil palagi na lang nandiyan si Veronica. Binabantayan ang bawat galaw ko. Palagi rin niya tinatano

