Kabanata 118 MATAPOS ANG UNANG SUBJECT namin ay pumunta ako sa library para may gawin doon. Hindi muna ako sumama sa mga kaibigan ko dahil tatanungin lang nila ako kung bakit tahimik ako. Palagi na lang kasi ako malungkot at tahimik kapag kasama sila. Kaya naman ay humiwalay muna ako sa kanila para hindi na nila ako tanungin pa. " Uy! Nandito ka lang pala. Bakit hindi mo kami sinama?" Anang ni Madona sakin ng makalapit sakin. Kimi naman akong napangiti sa kanila. " Sorry." " Bakit ba? Palagi kana lang tahimik at malungkot. Hiwalay na ba kayo ni tiyo Isidro mo?" Tanong naman sakin ni Kiara sa mahinang boses para hindi magalit ang nagba-bantay. Marahan naman akong umiling. " Hindi." " Hindi naman pala eh." Si Madison. " Bakit ang lungkot mo? Atsaka namumutla ka." " Hindi ko rin alam

