Kabanata 77 ISIDRO ( POV ) NANDITO AKO SA LOOB NG KWARTO habang inaantay na matapos si Veronica sa kanyang ginagawa. Ihahatid ko siya sa airport dahil naglambing siya kanina na ihatid ko raw siya kaya hindi muna ako pumasok sa opisina para ihatid siya sa airport. Hindi niya ako na pilit na sumama sa america dahil ayaw ko talaga sumama. Kapag pinilit niya ako ay mag-aaway lang kami kaya hindi na niya ako pinipilit pa. " Papauwiin ko muna si Mila sa kanila, hon." Narinig kung sabi ni Veronica kaya natigilan ako at lumingon sa kanya. " At bakit naman?" Walang emosyon ang mukha na tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako do'n pero slight lang. Kasi kapag pinauwe ni Veronica si Mila sa probinsya ay hindi kona siya mayayakap at mahahalikan kahit dalawang linggo pa iyon. Kilala ko si Veronica, ka

