Kabanata 78 ISIDRO ( POV ) MATAPOS NAMIN MAGYAKAPAN AY sinamaan niya ako ng tingin dahilan para magtaka ako habang nakapamaywang siya at nakaluhod sa kama. " Why?" Anang ko sakanya habang nakatitig dito. " Anong why? Anong ginagawa mo dito? Diba sa condo ka titira? O kukunin mo ang mga gamit mo kaya ka bumalik?" Sunod sunod ang mga tanong niya sakin habang nakanguso. Ang ganda niya parin kahit humahaba ang nguso nito. " No, baby-" " Anong no?" Sansala nito sa sabihin ko. Akala ko hindi siya galit kasi niyakap niya agad ako kanina. " Pa-tapusin mo muna kasi ako, baby. Magpapaliwanag ako sayo." Sabi ko sa kanya na may ngiti sa labi. Hindi naman ako naiinis sa kanya kapag ganito siya na parang isip bata. Mas natutuwa pa ako dahil alam kung gusto lang magpalambing ng dalaga sakin. Hind

