IKINASAL sila wala pang isang buwan. Pagkatapos ay tumuloy sila sa Europa para sa kanilang honeymoon.
Walang nakakaalam ng tunay na dahilan ng pagpapakasal nila ni Tody maliban sa mga miyembro ng pamilya at si Rachel.
Sa buong panahon ng kanilang honeymoon, natuklasan nilang compatible naman sila sa maraming bagay. They had the same taste in food. And they had a great time sa lahat ng coffee shops sa France.
She loved shopping. And Tody was very generous na bayaran ang lahat ng gusto niya.
Money was never a problem between them. Pareho silang hindi kapos sa bagay na iyon. At pareho ring walang inhibisyon sa paggasta.
All the nights were well-spent pleasurably in bed. She was a virgin bride ngunit hindi siya ganoon kainosente. She knew almost everything about s*x, theoretically. Pero iba pala kapag nasa totoong sitwasyon na.
Pakiramdam niya’y ganap na siyang babae nang dahil kay Tody.
Kaya bago natapos ang kanilang honeymoon ay na-realize niyang sa maikling panahong iyon ay in love na siya sa asawa.
BUT BEING in love with her husband was not enough for their marriage to work out.
Una’y hindi naman nito alam na mahal na niya ito. At wala siyang makitang senyales o naramdaman man lang na mahal na rin siya ng asawa.
Tumagal ang pagsasama nila nang isang taon. Umuwi pa sila sa Pilipinas noong baby shower ni Bernadette.
Lingid sa kaalaman ni Tody, mahal na niya ito bagaman hindi niya tahasang inaamin dito. Kung nahahalata man siya nito sa kanyang kilos, walang kaso sa kanya.
Pero inisip pa rin niya na malamang na ang nasa isip ng asawa ay ang ideyang nagpapanggap lamang siya. Nagpapanggap na masaya at kontento.
Akala nga ng iba’y kainggit-inggit silang pareho. Kung kagaya lang daw nila ang lahat ng mag-asawa, hindi na kailangan ng divorce.
Hindi alam ng mga ito ang totoong score sa kanila ni Tody.
Hanggang sa hindi nila namalayan ay nagsimula na silang magkalamigan sa isa’t isa. May mga mumunting problemang hindi nila pinagkaabalahang i-discuss man lamang o lutasin.
Hanggang sa naipon nang naipon ang maliliit na suliranin at nagmistulang higanteng pader na humarang sa pagitan nila.
Hindi na nila maabot ang isa’t isa. Nagpatuloy sila sa kani-kanilang mga careers. Kanya-kanyang buhay.
At ngayon... pagkalipas ng tatlong taon na namuhay sila sa kani-kanilang mundo ay parang bombang sumabog sa pandinig niya ang sinabi ni Rachel.
Sa loob ng dalawang taon ay wala siyang ginawa kundi ang ibuhos ang buong atensyon sa pagsasayaw. At sa tuwina ay nakakabit sa pangalan niya ang apelyido ni Tody.
She was thankful na hindi masyadong maintriga sa mundong ginagalawan niya.
Marra Legaralde-Ledesma, prima ballerina. Napaismid siya sa ideyang pumasok sa isip.
Isa nang successful business tycoon si Tody. At ngayo’y nagbalik na sa Pilipinas.
Sa mga lumalabas na feature articles tungkol dito, Tody was the image of a modern husband. Their marriage survived and worked despite the odds...
NAHAWI ang kurtinang tumatabing sa sulok na iyon ng dressing room. Para sa kanya ang lugar na iyon. At wala siyang pinapayagang pumasok maliban kina Rachel at Paul.
Natuon ang paningin niya sa nahawing kurtina.
Tody framed the door. Ang mga labi’y numipis dahil sa pagkakatikom. Matiim ang titig nito na nagdulot sa kanya ng pagkailang. Isang tikhim ang pinakawalan nito.
Kumilos si Rachel para lumabas. Bahagyang kumilos si Tody para bigyang-daan ito. Samantalang si Paul ay nanatiling ipinako sa pagkakatayo.
“May kailangan ka?” nagawa niyang itanong dito.
Gumuhit ang matabang na ngiti sa mga labi ni Tody. Lumipat ang tingin nito kay Paul.
Paul extended his hand. At kasabay niyon ay ang pormal na pagpapakilala sa sarili.
Sibil na tinanggap iyon ni Tody. At matapos na pormal ding ipakilala kung sino ito sa buhay niya ay saka sinabi, “I’d like to talk to my wife... in private.”
Napatango si Paul. And without a word, iniwan sila nito sa kapirasong silid na iyon.
“THIS IS indeed a surprise,” aniya nang mapagsolo sila. “Ano’ng kailangan mo?”
Tumaas ang isang sulok ng bibig ni Tody. Ni hindi nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Nanatili iyong blangko na nagdulot ng malaking palaisipan kay Marra.
Nanatili itong nakatayo. Tanging mga mata nito ang gumagalaw at naglalakbay sa kabuuan niya. Tila may dulot iyong apoy sa kanyang katawan.
Nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan ito.
He was more gorgeous than ever. Iyon ang salitang iniukol niya sa asawa mula nang madiskubre niya ang mga katangian nito. His physique was very male. His pants were always fit and looked like a second skin.
Malaki ang hawig nito sa ama. He had strong features na naglalarawan ng awtoridad at kapangyarihan. He had a commanding personality.
At may palagay si Marra na iilan lang sila na nabigyan ng pribilehiyo na malaman... that inside his taut face was a caring man, kagaya ng sarili niyang ama, kaya hindi siya nahirapang mahalin ito.
Humakbang ito papalapit sa kanya. “You’re asking me what I need, Marra? That’s a disappointing greeting, my dear wife. To think na tatlong taon tayong hindi nagkita.” He made two steps closer. Ang isang kamay nito ay tumaas at magaang na humaplos sa kanyang pisngi. “I was hoping for something a little more... familiar.”
Tuluyan na siyang pinangapusan ng hininga. She inhaled deeply at saka umatras nang isang hakbang. Kailangan niya ng distansya dahil nalilito siya sa pagkakalapit nilang iyon.
There was a hint of anger in his voice. At hindi niya maintindihan kung bakit at kung para saan iyon. Kagaya ng hindi niya maintindihan kung bakit natatakot siyang masyadong mapalapit dito. His presence had the usual effect on her. They were like opposite poles of a magnet. Strongly attracted to each other.
Batid niyang hanggang pisikal na atraksyon na lamang iyon. Deep inside her, hindi iyon ang nais niya. She wanted to be loved.
“Sa pangalan na lang kita asawa,” aniya sa pinagsikapang tatag ng tinig. “Tatlong taon na tayong hiwalay, alam mo naman iyon, `di ba?”
Ikinibit nito ang mga balikat. “Paano ko makakalimutan? I was always branded as the prima ballerina’s husband,” sambot nito in obvious distaste. “A lot of people are being fooled that we’re happily married. If they only know...”
“They know nothing.”
“Oh, yeah,” patuyang wika nito. “At hindi ako magtataka kung bukas ay mababasa ko sa society pages ang pangalan nating dalawa. “Tody, Marra Legaralde-Ledesma’s husband, flew all the way from the Philippines to watch her final performance for this season... At pagkatapos ay kung anu-ano na namang komento na alam nating pareho na malayo sa katotohanan.”
Gumawa ito ng isang hakbang na kinatakutan niya. She thought he would come near her. Distance was her defense. At pinangambahan niyang ipagkait nito sa kanya ang kailangan niyang distansya.
Ngunit lumigid lamang ito. Parang inspektor na nais halughugin ang bawat sulok.
Nakamasid lang siya. She found out there was little change in him. Perhaps the features...
Pilit niyang hinahanap sa mga mata nito ang ibang emosyon. Subalit wala siyang nakita. Maliban sa kapareho ng sarili niyang nararamdaman—desire.
Napabuntunghininga siya. She didn’t know there was a sleeping fire in her. At napagtagumpayan ni Tody na pag-alabin iyon noong panahong nagsasama pa sila.
The way he looked at her now, Marra felt as if they had just gotten out of bed. He stared at her with fiery eyes. At ang dulot niyon sa kanya ay ang paggapang ng pamilyar na sensasyon.
“Why are you here, Tody?”
Hindi ito sumagot. Minsan pa’y natuon sa kabuuan niya ang mga mata nito. Humantong iyon sa tapat ng dibdib niya, pababa hanggang sa flat line ng kanyang tummy...
Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi. Noon at ngayon ay iisa ang epekto sa kanya ng mga titig nito. Tila ito may sinisindihang apoy sa kalooban niya.
“Seen enough?” sarkastikong sabi niya. Hindi niya mapapayagan ang sarili na malaman ng kaharap ang pagkakanulo ng kanyang katawan dahil sa presensya nito.
Kumurba ang mga labi nito. “I don’t think so,” tugon nito. “I don’t think I’ve seen enough.”
Namalayan na lang niyang tinawid nito ang pagitan nila. Hinaplos nito ang kanyang balikat, magaan lamang ngunit tila kaya siyang ihatid niyon sa pinakamataas na antas ng emosyon.
Mula sa kanyang balikat ay dumulas ang palad nito pababa sa kanyang dibdib, saka marahang pumisil. Nakulong ang daing sa kanyang lalamunan.
“You know I wouldn’t be satisfied by just looking at you...” anas nito.
The next second, his lips were brushing against her own.
She wanted to collapse. Once again she melted in his arms. Ngunit bago pa nangyari iyon ay pilit niyang hinagilap ang sariling composure.
Had they been in their honeymoon period, she would have easily given herself away. And she would have kissed him back mindlessly. Ngunit ang pilit niyang idinidikta sa isip ay ang tatlong taong lumipas sa kanilang buhay.
They had been separated. Bagaman paminsan-minsan ay nabubuksan ang komunikasyon sa pagitan nila ngunit wala sa kanilang nangahas na magtanong sa personal na buhay ng bawat isa.
Alam niyang lalaki lang ito. For that, she believed that it was impossible for him to stay celibate for three years.
Ngunit hindi siya nagtanong dito. Hindi niya inalam kung sino ang mga babaeng napaugnay rito. Alam niyang mayroon. Iyon ang sinasabi ng kanyang kutob. Kung sino at ilan sila, hindi niya nais pang malaman.
Alam niyang gayundin ito. He didn’t dare ask her about her personal life. Alam nitong sa mundo niya ay hindi imposibleng dagsain siya ng mga manliligaw. Dirty old men and liberated bachelors. They wouldn’t mind if she was already married. Some suggested divorce while some blatantly offered casual relationships.
Alam niya ang pagkakaiba ng seryosong panliligaw sa panliligaw na wala namang patutunguhan. At pareho namang hindi siya interesado. She was now a prima ballerina. Wala siyang balak na bitawan ang titulong iyon. That was why she devoted all her time improving her craft.