chapter 1- i'm going to married
KAO'S POV
ako si kassandra nicole reyes alvarez, kao ang tawag sa akin ng aking pamilya at mga kaibigan, im 24 years old maganda maputi, 5'3 ang taas, no boyfrend since birth :)
gulat na tumitig si kao sa kanyang daddy ng sabihin nito na ikakasal na siya, paulit ulit sa utak niya ang binitawang salita ng kanyang ama, "ano pong sabi nyo dad? tanong niyang muli sa ama na tila hindi naintindihan ang sinabi nito.
'naipagkasundo na kitang ipakasal sa anak ng aking kaibigan, sana ay maintindihan mo ako kung bakit ko nagawa ang bagay nayon anak, gusto ko lang naman na masiguro na magiging maayos ang kinabukasan mo, gusto ko na mabuting lalake ang mapapangasawa mo, alam kung hindi ka sasaktan at papabayaan ni jake anak." mahabang paliwag ng kanyang ama.
nagmamakaawang tumingin siya sa kanyang ina, nakikiusap ang kanyang mga mata sa kanyang ina na tulungan siya nito, ngunit lumapit lamang ang kaniyang ina at niyakap siya. "kao anak sana maintindihan mo ang naging desisiyon ng daddy mo para sayo din naman yon, tandaan mo na para sa ikabubuti mo lang din ang ginagawa namin, mahal na mahal ka namin, ayaw namin na tumanda ka nalang ng magisa gusto namin na bumuo ka din ng sarili mong pamilya gaya ng ate kayla at kuya kent mo, 24 kana anak nasa tamang edad kana para bumuo ng pamilya, matatanda na kami ng daddy mo gusto namin makita kang may pamilya na bago manlang kami mawala ng daddy mo, mahabang litanya ng kanyang ina.
'pero mom hindi pa po ako handa, alam nyo naman po na takot pa akong pumasok sa ganyang relasyon, saka mom hindi ko po mahal ang lalaking nais nyong ipakasal sa akin ni hindi ko pa nga po siya nakita oh nakilala manlang, pano po ako makikisama sa kanya sa iisang bubong kung hindi ko manlang siya kilala, sagot niya sa kanyang ina.
'kaya nga sila pupunta dito anak upang magkakilala kau ni jake, please anak ako na ang nakikiusap sau hayaan mong magkakilala kayo ni jake, wag mo sana siyang itaboy gaya ng ginawa mo sa mga lalaking pinapakilala namin sau, mahabang pakiusap ng kaniyang ina.
alam kasi ng mga magulang niya ang ginagawa niya sa tuwing may ipapakilala itong lalake sa kanya. umpisa pa lang ay sinasabihan niya na ito na tumigil na dahil wala itong maaasahan sa kanya. kaya ang akala tuloy ng kaniyang mga magulang ay may pusong lalake siya, kaya desperado ang mga ito na ipakasal siya, dahil ni minsan ay hindi manlang siya nakitaan ng mga ito ng pagkagusto sa lalake , pero ang totoo ay hindi naman siya ganun, dahil minsan na din siyang nagkaroon ng paghanga sa isang lalake naputol nga lang ang paghangang yon ng masaksihan niya kung paano ilang beses na nasaktan ang kaniyang mga kaibigan ng dahil lamang sa lalake,
walang nagawa si kundi ang tumango nalang sa kaniyang mga magulang kahit labag sa loob nya, nagpaalam na siya sa mga ito na magpapahinga muna sa kwarto niya total mamayang gabi pa naman ang dating ng pamilya villaruel. umakyat siya sa kwarto niya at hinanap ang cellphone nya at tinawagan ang dalawa niyang kaibigan sa group chat nila sa messenger, yes kahit tatlo lang sila eh may gc sila,
hello, napatawag ka girl? anyare sa mukha mo? tanong ng kaibigan niyang si nica.
oo nga napano ka ? saad naman ni marie.
ikakasal na ako, naiiyak kung sagot sa kanila
tila nabigla naman ang dalawa sa sinabi ko dahil parehas silang natahimik at nanlaki pa ang kanilang mga mata.
ano ?! totoo ba yan kao?! tila di makapaniwalang tanong ni nica
o-oo k-kanina k-ko lang din nalaman ,nauutal na sagot ko
kailan ?! kanino !? kilala ba namin ?! sunod sunod na tanong ni marie
next month at jake laurenze villaruel daw ang pangalan kahit ako ay di ko kilala, ni hindi ko pa nga siya nakikita. sagot ko kay marie
so anong plano mo girl? tanong ulit ni marie
hindi ko din alam, malungkot na sagot ko
kaya mo naman bang suwayin ang mga magulang mo? tanong naman ni nica
alam naman namin girl na hindi mo kayang suwayin ang mga magulang mo dahil alam namin mahal na mahal mo sila, kaya wala kanang ibang pagpipilian kundi ang magpakasal sa lalaking yon, malay mo naman mabait at matinong lalake yung mapapangasawa mo, di tulad ng mga nagiging bf namin , sabi naman ni marie
hindi na ako umimik at nagpaalam na ako sa kanila, gusto pa sana nila akong damayan pero sinabi ko nalang na okey lang naman ako, at gusto ko munang magpahinga hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa kakaiyak ko
JAKE'S POV
hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi ng mga magulang ko na ikakasal na ako at pupunta kami mamayang gabi sa bahay ng mapapangasawa ko, wala namang akong magawa kundi ang sundin sila dahil ayokong sumama ang loob nila saakin, nagiisa lang nila akong anak at matagal na din nila akong pinipilit na mag asawa. hindi pa naman ako ganoong katanda, 26 palang naman ako pero minamadali na nila akong mag asawa. sa sobrang kagustohan nila na mag asawa na ako eh nagawa nila akong ipagkasundo sa anak ng kaibigan nila na hindi ko manlang kilala at ni minsan eh hindi ko pa nakikita.
gustohin ko man na tumutol eh wala na akong nagawa kundi pumayag ayaw ko din naman na may mangyaring masama sa ina dahil may sakit ito sa puso, alam kung sasama lang ang loob niya kapag tumutol ako sa gusto nila ng ama ko at yon at ayaw kung mangyari baka kasi atakihin pa siya sa puso, mahal na mahal ko ang mga magulang ko simula ng bata pa ako palagi akong sumusunod sa mga guto nila maliban nalang sa kagustohan nila noong mag asawa na ako. 22 palang ako ng simulan nila akong pilitin na mag asawa dahil daw sa matatanda na sila at gusto na nila mag ka apo, ilang beses na din nila akong inutusan na makipag date sa anak ng mga kaibigan nila pero wala naman akong nagustohan sa mga yon, magaganda naman at may mga kaya sa buhay ang mga pinapakilala nila sa akin pero kahit isa sa kanila eh wala naman akong nagustohan, dahil na rin siguro doon kaya naisipan nalang ng mga magulang ko na ipagkasundo na ako. dahil alam kung wala na din naman akong magagawa eh nagpasiya ba ako na maligo, mayamaya lang ay aalis na kami papunta sa bahay ng mapapangasawa ko,
pagkayare kung maligo nagbihis na ako, nagsuot lang ako ng longsleeve na white black pants at sapatos na babagay sa suot ko nilagay ko lang ang coat ko sa braso ko, mamaya ko nalng susuotin, pagkayare kung magpabago ay bumababa na ako alam kung nag aantay na saken ang mga magulang ko, hindi nga ako nagkamali nagaantay na nga saken ang mga magulang ko sa living room, nakangiti akong sinalubong ng aking ina, tumango lang saken ang aking ama at inakay ko na ang aking ina palabas ng bahay papunta sa sasakyang gagamitin namin.
KAO'S POV
nagising ako nang may maramdaman akong tumatapik sa balikat ko, anak gising na maghanda kana at mayamaya lang ay dadating na ang mga villaruel. gising saken ng aking ina
dahan dahan akong nagmulat ng mata ko at nakitang kong nakangiting nakatitig sa akin ang aking ina. " mommy, malungkot na tawag ko sa kanya, ngumiti lang siya at inalalayan akong umupo, "anak alam kung masama ang loob mo samin ng daddy mo pero sana maintindihan mo kami. alam kung labag sa loob mo ang magpakasal kay jake, alam ko din na kaya hindi ka tumututol eh dahil ayaw mo kaming suwayin ng daddy mo. anak sana maintindihan mo na para sayo lang din ang ginagawa namin, dahil sa sinabi ng mommy ko kahit papaano ay gumaan ng pakiramdam ko, nginitian ko at niyakap ko ang aking ina at sinabing naiintindihan ko po mommy, pagkapos ay kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tumayo na ko at nagtungo na ng banyo para maligo.
pagkalabas ko ng banyo wala na sa kwarto ko ang mommy ko, nagtungo na ko sa aparador ko at nag hanap na ko ng masusuot ko. dress na pabaloon ang ibaba na kulay sky blue ang sinuot ko at tinernuhan ko ng sandals na kulay sky blue din na may taas na 3inches ang takong. naglagay lang ako ng light na makeup sa mukha ko dahil ayaw na ayaw ko na nagmemake up ng makapal, nilagyan ko ng liptint ang labi ko ba natural ng mamula mula. kahit siguro hindi ko mag liptint eh mapula na talaga ng makuntento na ko sa itsura ko eh lumabas na ako ng aking silid. paglabas ko ng silid ko narinig ko ang aking mga magulang na binabati ang mga bagong dating, alam kung ang mga villaruel na ang mga iyon hindi ko alam ang gagawin ko kung babalik ba ako sa silid ko o bababa na ako para harapin sila hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil sobrang kaba na nararamdaman , pero sa huli ay bumababa na din ako nasa gitna palang ako ng hagdanan namin ng matanaw ko ang mga magulang ko at ang mga villaruel pero napako at tingin ko sa lalaking nakatitig din pala sa akin, dahil sa tingin niyang yon ay lalong bumilis ang t***k ng aking puso nanlalambot na din ang aking mga tunod na tila ba anong oras eh bibigay na ito. nakalapit na ako sa kanila eh hindi pa din nya inaalis ng tingin nya sakin, iniwas ko na lang ang aking tingin at pilit na ngumiti sa kanyang mga magulang, binati ko ang kaniyang mga magulang at nakipag beso ako kay mrs. villaruel pagkatapos nun ay inaya na kami ng mga magulang ko na magtungo na sa dinning area, hihilahin ko na sana ang upuan ko ng may nauna nang humila nun at nakangiti pa itong tumingin sa akin. wala na akong nagawa kaya nagpasalamat nalang ako at umupo na laking gulat ko ng umupo din siya sa katabing upuan ko. tiningnan ko siya pero nginitian nya lang ako.
kumain muna tayo bago natin pagusapan ang tungkol sa kasal ng mga anak natin,' pagkuway sabi ng ama ko
tahimik lang ako habang kumakakain hindi parin maalis ang bilis ng t***k ng puso ko, pagkayare namin kumain nagpaalam muna akong pupunta ng cr sa gilid ng mata ko alam kung katingin pa rin siya saken kaya halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba na nararamdaman ko. pagkapasok ko ng cr agad akong nag hilamus ng mukha at habol ang hininga. anong nangyayare saken bakit ganito nalng kabilis ang t***k ng puso ko, kahit kinakabahan pa ay lumabas na ako ng banyo at nagtungo na sa sala dahil nandon na sila at nagsisimula ng pag usapan ang kasal namin. pag upo sa tabi ng mommy nakita kung nakatingin parin siya saken kahit kinakabahan ay nakipagtitigan din ako sa kanya nakita kung ngumiti siya at nagiwas din siya ng tingin sa akin dun ko lang siya natitigan ng maigi. matangos ang ilong nya maganda ang mga mata nya na katamtaman lang laki, kapag ngumingiti siya ay nagiging singkit, bigla akong namula ng mapadako ang mata ko sa mga labi nya na parang ang sarap sarap halikan." napaka landi mo kao ! suway ko sa isip ko at ibinaling ang tingin sa mga magulang ko. natapos ang usapan nila na wala manlang akong naintindihan basta ang alam ko lang ay nextmonth na ang kasal namin pagkatapos magusap ng mga magulang ko at magulang niya ay nagpaalam na din sila. pagkaalis nila nagpaalam na din ako sa mga magulang ko na magpapahinga na, pagkatapos kung mag bihis ng pantulog pabagsak kung hiniga ang katawan ko sa kama ko. hindi ko alam kung makakatulog ba ko ngaung gabi. hindi pa din kasi mawala sa isip ko ang mukha ng lalaking pakakasalan ko. naiisip ko padin ang maganda nyang ngiti, ' ano bang nangyayare sayo kao
JAKE'S POV
nakauwe na kami at nandito na ko sa kwarto hindi pa din maalis sa isip ang magandang mukha ng babaeng mapapangasawa ko. pagkakita ko palang sa kanya habang pababa siya ng kanilang hagdan eh hindi ko na naalis ang mata ko sa kanya., hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko lalo na ng titigan nya din ako sa sobrang kaba na nararamdaman ko ako na ang naunang umiwas ng tingin pero sa gilid ng mga mata ko kita ko na nakatitig pa din siya sa akin, lalo lang bumilis ang t***k ng puso ko, natapos ang paguusap ng mga magulang namin na wala akong naintindihan hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. ipinikit ko na ang aking mga mata at pinipilit na makatulog pero hindi pa rin ako makatulog, mukhang mapupuyat ako ngaun sa kakaisip sa kanya. iniisip nya rin kaya ako? tanong ko sa isipan ko, wag ka ng umasa hindi ka nga niya mahal paano ka naman niyang iisipin ngayon ka lang niya nakita ni hindi nga niya kilala. kaagad na sagot ng isipan ko
KAO'S POV
KINABUKASAN kahit na inaantok pa ay pinilit ko ang sarili ko na bumangon hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip ko sa lalaking mapapangasawa ko, tsskkk! kasalanan mo to eh, paninisi ng isip ko sa lalaking dahilan ng pagkapuyat ko kahit tinatamad ay tumayo na ako at naligo na .pagkatapos kung magasikaso ng sarili ko ay bumababa na ako para mag almusal, nadatnan kung kumakain na ang mga magulang ko nakangiti ko silang hinalikan bago ako umupo sa upuan ko at nagsimula ng kumain,
anak hindi kaba sasama sa amin ng mommy? pupunta kami ngaun sa bahay ng ate mo pupunta din daw ang kuya kent mo dun kasama ang mag ina niya.' tanong ng daddy ko
hindi po muna dad sa susunod nalang po kailangan ko po kasi pumunta sa shop ngayon wala po kasi si nica at marie ngaun pagsisinungaling ko, ayaw ko lang talaga sumama dahil alam kung pag sumama ako hindi na naman ako titigilan ng ate at kuya ko na asarin, kilala ko ang mga kapatid ko hindi nila ako titigilan,
ganon ba? sige kami nalang muna ng mommy mo, namimiss na din kasi namin ng mommy mo ang mga pamangkin mo,
okey po dad pakisabi nalang po sakanila na dadalaw ako pag di na ako busy, nagpaalam na ako sakanila na aalis na ako.
nakasakay na ako sa kotse ko ng tumawag saken si nica,
hello'
hello girl papunta kana ba sa shop ngaun?tanong niya
oo paalis na ako,' why?
natanong ko lang baka kasi hindi ka pumunta kami na ang pupunta jan sa inyo.
no need on the way na ako
okey sige wait ka namin, marami kaming itatanong sayo hahaha sabay baba ng tawag.
sabi ko na nga ba eh, may pagka chismosa talaga tong mga kaibigan ko.
papunta ako ngayon sa coffee shop na pagmamay ari naming tatlo na magkakaibigan, pareparehas kaming graduate ng bussiness administration pero kahit na pareparehas kaming graduate ng B,A hindi parin kami napilit ng mga pamilya namin na humawak ng mga bussiness ng mga magulang namin gaya ko ay may mga kapatid din na lalake ang mga kaibigan ko at yon ang nagpapatakbo ng mga kumpanya nila. ang sa amin naman ay ang kuya ko lang din ang nagpapatakbo ng mga negosyo ng mga magulang namin simula kasi ng magasawa ang kuya ko sakanya na pinaubaya ng daddy namin ang mga negosyo dahil sa matanda na daw ito. walang nagawa ang kuya ko kundi tanggapin ang responsibilidad na binigay sa kanya ng ama namin dahil siya lang naman ang lalake.
papasok palang ako ng shop ng bigla nalang akong hilahin ng dalawa kung bruhang kaibigan papuntang office namin. pinaupo kaagad nila ako at tinignan ng nakakaloko.
what?! tanong ko
so anong ganap? tanong ni nica
takang tiningnan ko lang siya pero ang totoo alam ko kung ano ang gusto nilang malaman, gusto lang naman nilang malaman ang itsura ng mapapangasawa ko
wag mo kong matingnan tingnan ng ganyan! so ano nga ?! tila naiinis na tanong ni nica.
gwapo ba girl ?! tanong din ni marie
sabi ko na eh,
pwede na sagot ko. na halatang nabitin ang dawalang bruha sa sagot ko,
ganun lang?! sabay nilang tanong
napatawa nalang ako ng malakas sa itsura nila
gwapo naman siya matangkad maputi tama lang ang katawan.
ano bang name masearch na nga lang? tanong ni nica
jake laurenze villaruel. tugon ko
parang kinikilig pa ang dalawa ng isearch ang name ng lalakeng mapapangasawa ko.
parehas silang parang di makapaniwalang tumingin sakin
why?! tanong ko sa kanila ng mapansin ko na parang naguusap sila mata sa mata
girl alam mo na suki naten dito sa shop ang lalakeng ito madalas ko itong nakikita dito, minsan ay tumatambay pa siya dito, palagi ka lang kasing nakakulong dito sa office kaya hindi mo siya nakikita .mahabang paliwag ni marie
ako naman ang nagulat sa sinabi niya,
so regular customer pala namin siya.
halos buong araw akong di tinantanan katatanong ng dalawang bruha kong kaibigan