Kabanata 1
Jennalyn P.O.V.
I'm here at school garden and let me instroduce myself. My name is jennalyn ashinada raffd I'm a collage student at park university.
"Hey babe." napatingin naman ako sa tumawag sakin at napangiti ako sa aking nakita o kung sino man ang nakikita ko. may hawak siyang bulaklak at parang may humaplos na mainit na kamay sa aking puso.
"For you." wika nya na binigay ang bulaklak sakin at tumabi sakin ng upo.
"Baka naman pinitas mulang 'to sa kung saan or sa gilid gilid." Pang-aasar ko sakanya.
"Hindi 'no, ako pa ang nagtanim niyan para lang sayo 'di ba nga sabi mo paborito mo ang red rose saka fresh 'yan bagong pitas. " sabi niya saka niya ako kinindatan kaya bahagya akong lumingon sa kabilang bahagi ng garden para hindi niya mapansin ang pamumula ko, saka ko sya kinurot sa tagiliran niya.
"Ikaw babe ah, ganyan ka talaga kiligin kaya madali kong malaman kung kinikilig ka. " nanunuksong sabi nito habang nakapaskil parin ang nakakalokong ngiti sa bibig nya.
"H-hindi ahh." nauutal na pagdepensa ko saka ako tumalikod sakanya.
Naramdaman ko naman na niyakap niya 'ko patalikod at idiniin ang mukha nya sa aking leeg.
"Bakit? may problema ba?" nag aalalalang tanong ko sakanya.
Bakit kase? Hindi naman ganyan si cedric maliban nalang kung may iniisip sya. At kung may problema siyang iniisip o kinakaharap.
"Iniisip ko lang na ipakilala ka na sa mga magulang ko habang hindi pa nila ako naipapatali sa iba." Seryosong sabi nito kaya iniharap ko sakanya ang mukha ko.
" Walang problema sa akin kung ngayon mo na ako ipakikilala sa magulang mo o kila tita." Sabi ko sakanya, saka ko hinawakan ang kamay nya at bahagya iyong pinisil and yes nakita ko na ang mama at papa nya. Mababait din ang magulang nya at naipakilala nya na narin ako bilang kaibigan.
Ayos lang naman sa akin 'yun, ako rin naman kase ang nagsabi sakanya 'nun kahit na 5 years na ang relasyon namin.
Tinatago lang muna namin dahil ayokong masaktan ang mga fans nya na nagmamahal sakanya nang lubos. Isa kaseng sikat ang naging boyfriend ko ayos lang naman sa akin 'yun.
"Atsaka babe gusto na kase kitang pakasalan. Excited na akong ipakilala ka bilang girlfriend ko tutal naman ay gragraduate na tayo sa loob ng isang bwuan. "Sabi nya.
Tama rin naman sya makakagraduate na kami sa loob ng isang bwuan kaya pwede na kaming magpakasal.
Gusto ko kase na ipakilala niya 'ko kapag nakagraduate na kami.
Para naman hindi nakakahiya sa magulang niya mahirap lang kase ako at gusto ko rin na kapag ipinakilala nya na ako ay may maipagmamalaki na ako sakanya o sa magulang niya.
"'Lika na babe last subject na at excied na akong matapos ang last subject para maihaid na kita, pero bago 'yun ay ipakikilala muna kita sa magulang ko at sigurado ako na masaya sila para sa'kin. " Malamlam ang mga matang sabi niya sakin.
"Talaga! magiging masaya sila para sayo dahil sa ako ang napangasawa mo. Kapag ako nga ang napangasawa mo hindi kana magugutom dahil isa yata itong future chef." pagmamalaki ko sakanya, bahagya naman siyang napatawa saka kinurot ang pisngi ko.
"Aba syempre dapat lang na hindi ako gutumin ng soon to be park ko. " Sabi niya kaya napatawa ako ng mahina.
"Halika na nga't baka malate na nga tayo. " Sabi ko saka ko siya hinila patayo at lumabas na kami ng garden.
Paglabas namin ay binitawan ko na ang kamay nya at mas binilisan 'ko pa ang lakad kaya mas nauuna ako sakanya.
Nasa koridor na kami ng makasalubong ko si zandra bestfriend ko kahit hindi sabihin sa'kin ni zandra alam kong may gusto siya sa boyfriend ko hindi naman nya alam na siya ang boyfriend ko, eh.
"H-hi, Cedric." nahihiyang pagbati ni zandra.
Biglang napatuon ang tingin ko kay cedric. Hindi niya tinugunan ang pagbati ni zandra, nakapoker face lang sya't derederetsyo lang ang lahad nya at nilagpasan kami.
"Sungit niya talaga 'no? pero hindi parin ako susuko mahal na mahal ko siya gagawin ko ang lahat basta ba sakin lang ang bagsak nya." Bulong niya sakin.
Napatitig ako sakanya. Bakit mahak niya si cedric? Eh, kahit kailan di ko pa nakitang nakipag-usap si cedric sa ibang babae.
" 'Lika na baka malate tayo." sabi niya saka kumapit siya sa braso ko at nagsimula na kaming maglakad.
" 'Di ba may nobya na si cedric? bakit gusto mo parin s'yang makuha?" Seryosong tanong ko sakanya.
"Dahil mahal ko siya and yes alam kong may nobya suya pero hindi ko pa naman nakikita at gusto ng mga estudtante na malaman kung sino ang nakabihag sa puso ni cedric. " sabi niya kaya napatango tango ako.
"Anong balak m?o anong gagawin mo para sayo parin ang bagsak ni cedric?" tanong ko ngunit hindi mo mahihimigan ng pagkainis.
"Edi ipapakausap ko kay papa na ipakasal ako kay cedric tutal bussiness partner naman ang magulang namin.eh!" sabi niya.
Nakaramdam ako ng libo-libong karayom ang tumusok sa puso ko.
Palibhasa'y mayaman ang pamilya kaya nakukuha niya ang lahat ng luho nya.
"Paano kung kamuhian ka niya dahil sa ginawa mo sakanya? O sa gagawin mo sakanya?" tanong ko sakanya.
"H-hindi 'yan... mapapaibig ko rin 'yan katulad ng mga nababasa natin sa mga libro o mga love story na nakakakilig. " nakangiting sabi niya sa'kin.
"Baka mailove din siya sa akin. Sa una kamumuhian niya ako o ayaw niya sa akin pero pagdating ng panahon ay mamahalin niya rin ako. oh 'di ba ang ganda ng love story namin kung nagkataon." sabi nya.
Napatango tango naman ako sana naman hindi niya mahalin ang babaeng 'to alam kung hindi mangyayari 'yun may tiwala ako sakanya.
"Oh, nandito na pala tayo eh." sabi niya.
Saka niya tinangal ang pagkakayakap niya sa braso ko at binuksan nya ang pintuan at nakita namin na may teacher na.
"Sorry sir late na kami." paghihinging paumanhin ko.
"It's okey. Sige pwede na kayong maupo." sabi ni sir kaya pumasok na kami at pumunta na sa sariling pwesto namin.
Ako ang katabi ni cedric at malapit na ako ng bumulong sakin si zandra.
"Palit tayong pwesto besh malay mo magkadebelopan kami ni cedric kapag nakapag usap na kami." sabi niya sa'kin habang may mahinang tawa.
"Mag paalam ka muna kay sir." naiinis na sabi ko.
"Ay, sige mukha namang okey lang sayo." sabi nya saka bumaling kay sir " sir, pwedeng makapagpalit ng upuan?" tanong niya kaya napatingin narin ako kay sir.
"Ah. yes kung okey lang sa taong papalitan mo ng upuan." sabi ni sir kaya napatingin ako kay Cedric.
****
Jennalyn P.O.V.
Ng matapos ang klase'y pwede na daw umuwi kaya lumabas na 'ko ng may humila sa braso ko. Si zandra lang pala.
"Bakit?" tanong ko sakanya.
"Samahan mo ako. Please!" sabi niya saka nag puppy eye.
"Sorry may pupuntahan kase ako. eh," sabi ko saka ako tumingin sakanya.
"Teka! San ka ba kase pupunta?" tanong ko.
"Makikipag kita kase ako kay cedrick at may plano ako. At sigurado akong sisikat 'yun bukas. Hahahaha," sabi nito saka tumawa na parang baliw.
"Sorry talaga. " sabi ko saka tumakbo papunta sa parking lot dun ko nalang hihintayin si cedrick.
Zandra P.O.V.
Bakit parang nagmamadali si jenny?
'Di ko nalang pinansin 'yun. Dali dali akong pumunta sa gym. Sigurado akong naghihintay si cedric sa akin.
Tinatanong niyo kung pa'no ko nagawa? Simple lang naman. Sinabi ko kay cedrick na makikipagkita si jenny sakanya. May sasabihin sakanya si jenny at alam kong pupunta 'yun dahil kaibigan niya si jenny.
Ng makarating ako sa gym ay nakita ko siyang nakatalikod sa pwesto ko. Kaya lumapit ako sakanya at niyakap siya ng patalikod. Ang bango niya talaga hihihi.
'Click'
"Ikaw. Ha, nangyayakap ka ng patalikod tyansing ka rin eh 'no." sabi nito kaya napatawa ako.
Hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako pinaharap sakanya. Ngumiti ako sakanya.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya kaya nabitawan nya ang kamay ko na hawak niya.
"Bakit nandito ka?" tanong nito nagkibit balikat nalang ako sa sinabi niya.
"Sabi niya mauuna na daw siya sayo. Sabihin ko daw sa iyo sabi niya. " Sabi ko kaya napatango siya.
"Okey. Aalis na pala ako." Sabi niya saka tumalikod sa'kin at dali daling naglakad .
Hinila ko ang braso niya at pinilit kong mapaharap siya sa'kin. Ng mapaharap siya'y kaagad kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya.
Kita ko naman na nagulat siyna kaya napangisi ako.
'Click'
Pinalalim ko ang halik ngunit hindi talaga siya gumaganti sa halik ko.
Kakagatin ko na sana ang ibabang labi niya ng bigla niya akong itulak kaya labi ko ang nakagat ko.
Nakakainis siya hindi parin tumalab. Tumayo ako at dinuroduro siya.
"Bakit. Hindi mo ba nagustuhan ang labi ko na kay nipis at lambot?" tanong ko sakanya.
"Hindi! Dahil mas masarap at mas malambot at mas manipis pa ang labi ng nobya ko kesa sa labi mong bulok. Pwe!" sabi nito saka naglakad ng mabilis.
Napa-upo naman ako dahil sa inis. Sino ba kase ang girlfriend niya? baka naman kase wala talaga.
Jennalyn P.O.V.
Nasa 30 minutes na ng makarating si cedric dito.nakakainis naman siya.pero napansin ko na hinihingal siya.
" 'Bat ngayon ka lang? kanina pa kita hinihintay ah. Alam mo bang pinapapak na 'ko ng mga lamok? tss. "naiinis na tanong ko sakanya.
"A-ahh a-ano k-" hindi nya natutuloyo ang sasabihin nya kaya sumabat na 'ko.
"Ano ngang sasabihin mo?" naiinis na tanong ko sakanya.
"Kase si zandra niyakap niya 'ko sa likod. Akala ko ikaw 'yun, sabi niya kase gusto mo daw makipagkita sa'kin tapos may sasabihin ka daw sa'kin kaya akala ko ikaw 'yun tapos hinalikan niya 'ko." Pagpapaliwanag nito.
"Wala naman akong sinabi sakanya ah---" Bigla nalang pumasok sa isip ko 'yung sinabi ni zandra kanina.
'makikipag kita kase ako kay cedrick at sigurado akong sisikat 'yun bukas.'
Napahawak nalang ako sa sentido ko ng maalala ko 'yung sinabi niya.
"Hey babe are you alright?" tanong niya kaya ngumiti ako at tumango.
" 'Lika na nga babe pupunta pa tayo sa bahay para ipakilala ka 'di ba." Sabi niya.
Napatango naman ako kaya pumunta na kami sa kotse niya at pinagbuksan niya 'ko ng pinto. Saka niya sinara ang pinto ng makapasok ako at umikot sa kabila para makapagdrive na siya.
Nang makarating siya ay kaagad niyang inistart ang kotse at nagdrive ng mabilis.
PARK Residence.
Ng makarating kami sa bahay nila ay lumabas na 'ko ng kotse at ganon din naman siya.
Pumasok na kami sa bahay nila at naabutan pa namin sina tita at tito na seryosong nakatingin sa cellphone nila.
Ng makalapit kami sakanila ay umupo na kami sa tapat ng pinag-uupuan nina tita at tito.
"Mommy?" tawag ni cedrick kina tita kaya napatingin sila sa amin saka nagsimula ng magsalita si cedrick.
"Mommy may mahalaga po kaming sasabihin ni jen sa inyo kaya---" Hindi na naituloy ni cedrick ang sasabihin ng may sumulpot na maid kaya sakanya natuon ang atensyon namin.
"Ma'am may tao po sa labas ng bahay. Alexandra daw po ang pangalan." magalang na sabi nito.
"Papasukin mo." sabi ni tita at bumaling kay cedrick " Ano nga ulit yun? iho." sabi ni tita.
"Mommy kami po ni jen ay--" naputol ang sasabihin niya ng may biglang nagsalita.
"Hi tita at tito , baby at best?"
Napalunok ako sa biglang nagsalita. Hindi ako pwedeng magkamali, ang boses na 'yun kilalang kilala ko 'yun.
Napatingin ako kay cedrick at kung ano ang reaksyon niya. Pero ng mapatingin ako ay nakakunot siya.
Na para bang nagtataka din. Kaya nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at tama nga ako nandito siya at bakit naman?
Umupo siya sa tabi ni cedrick at kumapit sa braso nito tinanggal naman ni cedrick ang kamay ni zandra at tama kayo si zandra nga nandito.
"Ang sweet niyo namang magnobya't nobyo. Sana all talaga, 'yung isa kase diyan 'di na masyadong sweet." Saad ni tita na parang kinikilig at nagpaparinig.
Kinilabutan ako at napalunok sa sinabi niyang magnobyo't nobya
"Anong magnobyo't nobya. Mommy?" Takang tanong ni cedrick. Ganoon din naman ako, pa'nong magnobyo't nobya sila eh kami ang magnobyo't nobya.
"Ikaw talaga magdedeny pa. Kalat na kaya sa social Media na kayo ay may secretong relasyon. Eto pa nga ang mga litrato oh." Sabi ni tita saka pinakita sa amin 'yung litrato at nanlaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon.
Si zandra hawak hawak ang magkabilang pisngi ni cedrick habang magkalapat ang mga labi nila. Mukhang kanina pato at hindi ko kayang tingnan kaya napaiwas ako ng tingin.
Pa'no na 'to mali sila ng hinala at ito pala ang sinasabi ni zandra na sisikat at paraan para maging sila ni Cerick.