Chapter 1.
Chapter 1.
(Sabi nila ang unang halik daw ay hindi makakalimutan na nangyari sa buhay ng tao.
Kapag ang na unang humalik sa'yo ay ang taong matagal mo nang gusto)
Ako si Catherine San Pedro "aka" Nene , 16 years old.
Di nga akalain ng iba na 16 years old pa lamang ako dahil sa taglay kung taas at hubog ng katawan mayroon akong magandang mata at matangos na ilong.
Parati nga ako sinasali ng aming barangay sa mga pa contest. Kaya lang ay ayaw kung humarap sa maraming tao na naka swimsuit at rarampa sa gitna ng stages.
Nagsimula ang lahat Isang umaga nagkita ang aking Nanay at si Aling Mary.
Naglalakad kami ni Nanay Beray papuntang palengke ng nakasalubong namin si Aling Mary.
"Mare!, Dalaga na anak mo!" Sabi ni Aling Mary kay Nanay Beray.
Ngumiti lamang ako sa puri ni Aling Mary dahil nahihiya ako sa mga puri nya.
"Oo nga mare!, Parang kailan ng ipinanganak ko si Nene." Sabi ni Nanay Beray sa Ali na tumitingin sa aking at pinagmamalaki.
"Oh, sya mare at mauuna na ako dahil hinihintay na ako ng anak kong si Jhon." Ang sabi ni Aling Mary.
"Eh!, Ikaw naman mare eh, may anak kang binata na kababata ni Nene."
Sabi ni Nanay Beray sa Ali.
"Hahahaha! totoo yun! Mari, binata na nga si Jhon koo!." Sabi ni Aling Mary sa kanyang Kumari.
"Oh, sya at Tama na dahil hinihintay na ako. Mari ehh, mauna na ako sayo haaa!." Sabi ni Aling Mary Kay Nanay Beray.
Umalis na si Aling Mary kaya naglakad din kami ni Nanay Beray at pumunta nang palengke at mamimili ng aming uulamin.
Maraming mga tao ang tumitingin sa akin. Mapa lalaki man o babae.
Dahil sa angking kung kagandahan lalot-lalo na ang mga binata na nagtitinda sa palengke.
Kahit saan man ako pumunta ay maraming nagpaparamdam sa akin kaya lalung nahihiya ako.
Nabili na namin ang aming uulamin ng uuwi na sana kami at maglalakad ng may huminto na Isang tryciyle at pinasakay kami dahil kakilala ni Nanay ang lalaki.
Nang maihatid na kami sa bahay at magbabayad na sana si Nanay Beray Kaso ay hindi tinanggap at saka ngumiti sa akin.
Kaya ngumiti rin ako at pinauna na ako sa loob ng bahay.
Nang maghapunan na kami ay pinagmalaki ng ako ni Nanay Beray Kay tatay Carlo habang kami ay kumakain.
Ang trabaho ng aking Tatay ay conductor ng bus.
"Alam mo ba Carlo na marami talaga ang humangga sa anak mo, dahil sa ganda nya at namana nya sa akin.' ang pagmamalaki ni Nanay Beray.
Kinabukasan ay sinundo ako ng aking mga kaibigan na kasing edad ko rin.
Maglalakad lang kami sa tabi ng dagat at mangunguha ng mga shell's na pwede namin lulutuin.
Ang pangunguha ng Shell ang aming bonding naming magkakaibigan.
Nang pumunta kami sa tabi ng dagat ay nagsimula na kaming tumingin-tingin ng mga shell's.
Habang kami ay naghahanap ay nakita namin si Jhon ang kababata namin na anak ni Aling Mary.
"Pst!, Pst, sit, sit," Nene! Ne! Tignan mo si Jhon" sabi ng aking kaibigan na si Angel.
Dahil nakatalikod ako at abala sa pagkuha ng mga she'll ng lumapit si Jhon sa amin.
"Hi!, Ano kinukuha nyo "tanong ni Jhon sa amin at tumingin sya sa akin kaya napayuko ako.
"Hi!, Ne! " Sabi ni Jhon sa akin.
"Hi!, Nahihiyang kung sagot sa kanya.
"Kamusta ka na Ne?" Tanong ni Jhon sa akin, dahil kauuwi lang ni Jhon sa galing Maynila.
Nag-aaral ito sa Maynila at ngayon lang nag bakasyon.
"Okay lang, ikaw kamusta ka sa maynila?" Tanong ko sa kanya.
"Ito walang pinagbago!" Sipunin parin sabay nitong tawa at pahid sa kanyang ilong na kahit wala naman sipon.
Iyan kasi ang tatak sa kanya "Jhon sipunin."
Kaya natawa lamang ako at nawala na ang hiya ko sa kanya.
Dahil matagal din kaming di nagkita, ilang taon din itong nasa Maynila.
Lumapit din ang iba namin mga kaibigan na sina Angel, lovely at si Lorenzo.
Matagal na kaming limang magkakaibigan dahil noong mga bata pa kami ay kami lagi ang naglalaro.
Kaya ng umalis si Jhon ay kaming apat na lamang ang natira dito sa Isla.
Hanggang lumipas ang ilang taon at ngayon lamang ito bumalik sa Isla.