Napapatingin ako sa batang kanina pa sa'kin nakatitig. Tila ba sinusuri niya ang buong detalye na makikita sa aking katawan. Napasulyap ako sa kaniya pero mabilis siyang tinuon ang atensyon niya sa libro.
Hindi kaya—posible ang naiisip ko pero malabo 'yung mangyari. Posible kayang alam niya ang mahika? Kung ikukumpara ko ang sarili ko sa kaniya ay tiyak na mas mababa ako sa kaniya. Hindi siya Alagad, Hindi rin siya Taga-bantay ng Kaluluwa mas lalong hindi siya Prinsipe o hari dahil wala siyang tatto sa likod na may korteng "walang katapusang bertud. " o infinite.
Hinatid kami ni Enzo papunta sa bahay nila, kami muna ang inuna niyang dalhin dahil may sugat kaming dalawa. Si Kate naman ay nasa sofa dahil ani ni Enzo hindi sana'y si Kate sa kama. Dahil madalas siyang nahuhulog roon.
"Ano ato sa tingin mo?" nanlaki ang mata ko ng magsalita siya.
Paano niya nalaman ang iniisip ko? Hindi kaya?
"Isa kang sirena at alam ko 'yon."
"Mabuti." nanlaki ang mata ko sa inasal ng bata.
Inosente ang kaniyang mukha pero balot ng misteryo ang kaniyang buong pagkatao nito. Ano kaya ang misteryo niya? Palaisipan parin sa akin ang mga nangyari. Pero may patunay ako na sirena siya. "Kung ano mang masamang binabalak mo sa akin ay hindi ka magtatagumpay." ngumisi ito na parang kilalang kilala niya ako.
Nanindig bigla ang mga balahibo sa takot sa batang nasa harap ko. Napansin kong hindi na bulol ang pananalita niya. Kahit bata siya ay ramdam ko kung paano manlisik at manakot ang batang nasa harap ko.
"At kung may balak kang masama na gawin kay Mama ko ay ako mismo ang papatay sayo." nanlaki ang mata ko dahil sa pambabanta niya.
"Maliwanag?" napatango ako sa sobrang takot at nilisan niya ang kwarto, Nakahinga ako ng maluwag.
Paano niya nalaman na may binabalak akong masama kay Vanelophie?
Nagbuga kao ng mainit na hangin, para akong nasa isang korte na sinentesyahan ng mabigat na kaso. Ano ba kasing mayroon doon sa bata na'yon? Ang umasta siya ay parang mas matanda pa siya sa akin?
Ilang minuto akong naglagi sa loob ng silid at mabilis rin akong lumabas dahil nagwawala na si Enzo sa labas.
One steps,.. I'm gonna be afraid!
Two steps,..Shall I speak? or...,
I..
.....
Should...
But—
No..
Pero kapag sinabi ko? Baka magbago ang lahat—nang dahil sa akin.
Bahala na...
Bumalandra sa akin ang putikang dalawang tao na may bahid ng dugo. Putikang-putikan ang damit nilang dalawa.
"Anong nangyari sa kanila? Bakit putikan sila?" tanong ko sa kaniya.
Napansin kong hindi umiimik si Enzo kaya ako na mismo ang sumuri roon. Tahimik ang lahat at pinipigilan ang kanilang mga paghinga. Napagawi ang tingin ko sa batang kanina pa ay parang walang gana sa lahat ng bagay.
Matalas ang mga mata niyang nakatingin sa akin kaya napaiwas agad ako rito, hindi ko namalayan na tumindig na ang balahibo ko sa braso.
May naisip akong paraan upang mapabilis ang lahat ng bagay. Pumitik ako sa ere at huminto ang nasa paligid ko maliban sa bata. Kinumpas ko ang kamay ko para bumuo ng tubig upang balutin ang dalawang sugatan. Tila ba sumasang-ayon ang lahat sabaking ginagawa. Mabilis ang pagtakbo ng oras kaya mabilis ko rin silang ginamot ng hindi manlang nasasaktan.
"Mahika ng sinaunang Sirena, Tama ba?" sumilay ang ngiti sa mukha ng bata. Tumango ako tanda ng pagsang-ayon rito. "Ang sabi sa akin ni Ama bago siya mawala ay delikado ang mahika na ito, sapagkat pwedeng ika-matay ito nang mismong gumamit ng kaniyang mahika—" naputol ang sinabi ko dahil nagsalita ako.
"Nagkakamali ka pagkat, ito'y pamana sa akin ng aking mga ninuno." wika ko
"Pwera na lamang kung gagamitin mo ito sa kasamaan, Tama ba ako?"
"Paano mo nasabi ang lahat ng mga 'yan." paniniguro ko "Dahil sa kadahilanang alam ko." saad nito na parang nagmamayabang ang asta nito.
"Gusto mo bang isiwalat ko sa kanilang lahat ang ginawa mo sa kanilang dalawa?" tinuro niya pa ang dalawa na nababalutan ng bilog na tubig.
Namutla ako sa sinabi niya, paano niya nalaman ang gagawin ko? "Ano ba 'yang sinasabi mong bata ka?" natatawang tumingin ako rito.
"Alam mo ba ang gagawin sayo ni Jack kapag nalamang niyang pinagtatangkaan mo ang buhay niya?" huminto siya at pinagpatuloy ang kaniyang mga sasabihin. "Papatayin ka niya sa isang kurap lang, alam kong may pagtingin ka sa kaniya, na dapat ay sayo lamang siya nakatuon pero napunta 'yun sa iba."
“Kaya mo nagawa ang bagay na dapat ay ibabaon mo lamang sa limot ay napunta sa pag hihiganti, kaya kung ako sayo itago mo nalang ang nararamdaman mo para sa kaniya. Dahil kaibigan kalang niya.” nag-inot nag sulok ng aking mga mata.
Hindi ko alam kung bakit pumatak ang luhang nais kong itago. Ang luha ko ay naging perlas na mabilis na nalaglag ito sa sahig at nagpagulong- gulong. "Ano pa bang alam mo tungkol sa akin?" tumahimik siya at sumilay ang nanunuya nitong mga ngiti.
“Hindi mo ako makikilala kung hindi mo ako kikilalanin.”
"Marami akong nalalamang patungkol sa 'yo, kulang pa siguro ang kabanata na ito para sabihin sa'yo ang kasukdulan nito."
Pagkatapos kong marinig ang lumabas sa kaniyang bibig ay parang natusok ako ng lahat ng karayom sa lahat ng parte ang aking katawan.
"Aalis muna ako pansamantala ikaw muna ang bahala kayna mama at papa." tumango ako na parang isang bata.
Pinagpatuloy ko ang panggagamot sa dalawa dahil matindi ang kanilang natamo. At hindi naman talaga 'yon ang plano ko. Ang gusto ko lang naman ay takutin si Vanelophie sa totoong anyo ni Jack pero...
Hindi kaya nalaman agad ni Jack ang plano ko? Kung gayon? Bakit hindi manlang niya nagawang saktan ako?
"Hindi kaya—" napahinto ako sa pagsasalita na umano'y nagsalita siya.
"Vanelophie." namamaos na salita nito naramdaman ko na parang sinasaksak ako sa aking nararamdaman.
Napaka makasarili ko at naisip ko ang bagay na dapat kong gusto. Pero..Hanggang kaibigan lamang ako ng taong kababata ko.
Iniwan ko sila at umakyat papunta sa kwarto kung saan ako naglagi roon. Walang lumabas sa bibig ko kundi isang luhang patuloy na umaagos sa aking mga mata.
Luha
Nais ko mang magalit pero hindi ko magawa. Dahil ako ang mali at ako an may nagawang mali sa kanila, hindi naman kasi ako ang komokontrol sa puso niya at hindi ko rin siya pag mamay-ari sino ako? Kaibigan niya lang naman ako at hanggang doon nalamang 'yon.