"Dali, Enzo kawawa yung bata." utos na halos talunin ko na ang bangin para lang maligtas si Yohan.
Natabunan siya ng putik sa may bato, siguro ay nadulas siya kanina kaya parang humihingi ng tulong si Kate.
"Antagal mo naman para kang babae." naiinis na saad ko.
Inanod na kasi ang tubig-baha ang mga malalaking ugat na sinasampahan namin. Kaya wala na akong maisip na daan.
Nagpalinga ako sa kung saan-saan pero wala akong nakitang mabilis na daan.
"Teka anong binabalak mo?"
"Tatalon." seryoso kong sagot.
Wala na akong maisip na ibang paraan para gawin mas madali ang aking pagliligtas sa bata.
"Nasisiraan kana yata ng tuktok, gusto mo yatang mamatay ng maaga." bumilog ang mga mata niya.
Alam kong natatakot siya kahit ako na hindi isang normal na tao. Dahil alagad ako ng sirena.
"Ano tatalon kaba o hindi?" anas na tanong ko.
Nakapikit siyang tumingin sa malalim na bangin, habang nangangatog ang kaniyang mga binti.
Pana'y ang pag buntong hininga niya at pangangatal dahil sa sobrang takot.
Para siyang tuod.
"Mommy ko."
"Lalake ka ba talaga, mababaw lang 'yan oh." tinuro ko ang malalim na bangin.
"Ako muna ang tatalon—"
"Teka ako na."
"Ako na."
"Hindi sabing ako na."
"Sige sabay na tayong dalawa." pahayag ko.
Nagulat ako ng mabilis siyang yumakap sa akin na parang hindi ako makahinga pero kumalas rin siya at may ginawang ritwal.
"Lord 'wag niyo po muna akong papatayin, sayang po ang malalahian ko, unahin mo nalang po si Kate. Basta 'wag po ako please please—" marahas na tinulak ko siya sa bangin.
"Waaaaah!" sigaw naming dalawa pero mas malakas yung sigaw niya kaysa sa akin.
Kinumpas ko ang kamay ko at pumitik sa hangin para gumawa ng isang makapal na dahon para hindi maskit ang babagsakan namin.
"Munikkkkk! Waaaaah lord ayoko pang mamatay." sigaw niya na parang bumibigay ang kaniyang boses.
Nakayakap siya sa akin na parang takot na takot, sumigaw siya na sobrang nakakarindi sa tenga.
Kung hindi lang kinakailangan ay hindi kita yayakapin.
"Manahimik ka nga nasa baba na tayo,alis." malakas na tinulak ko siya kaya natabunan siya ng maraming tuyong dahon.
Namula ang pisngi ko dahil sa nangyari kanina lang masyadong close ang body and reaction naming dalawa.
"Hoy Myloves tulungan mo ako dito ang sakit ng balakang ko." sigaw niya.
Alam kong kaarawan niya ngayon at wala akong pakialam kung sisirain ko ang araw niya dahil sa walang kadahilanan.
Pero back to what we talking about, nakahiga si Yohan sa lupa habang natatabunan ng malaking bayo sa kaniyang hita.
"Kate gising." inuga niya ang balikat ni Kate ng sobrang lakas.
"Kate did you hear me? Hey!"
Pero hindi parin ito nagigising o nagkakaroon ng malay.
May bahid ng dugo ang kaniyang noo at labi. Napahinto ako ng makita ko ang puting kumikintab na bagay. Kaya dahan-dahan akong yumuko at kinuha ang isang butil ng perlas.
Paano nag karoon ng perlas ang batang ito?
"Perlas?" tumingin ako sa gawi ng bata. "Hindi kaya?"
Pumitik ako sa hangin at pinahinto ang lahat ng bagay. Bukod kasi sa kapangyarihan kong mapahinto ang isang bagay at gumawa ng mga bagay na isipin ko ko ay maaring magkatotoo. Bukod sa pagtatrabaho bilang isang Psychiatrist ay isa ako sa pangalawang pinuno ng mga alagad ng mga sirena. Kami ang promoprotekta sa kanila.
Malaking kawalan sa amin kapag may nasaktan na sirena lalo na kapag kadugo namin ito ay labis kaming masasaktan. Kung hindi naman ay sa amin napapasa ang kanilang sakit o 'di kaya ay parusa.
Halimbawa na lamang ng pangayayaring ito, napapansin kong kumukulubot ang makinis kong balat.
Bilang sumpa sa mga alagad ng mga Sirena ay patuloy kaming paparusahan hangga't hindi kami nagmamahal ng isang ka lebel namin. At 'yon ay isang Sirena.
Katulad nga ng sinabi ko pinahinto ko muna ang inog ng mundo nila Enzo at Kate, maliban kay Yohan na patuloy ang pagsusuri ko rito.
Kung hindi magkakamali ang hinala ko ay isa itong..
Sirena
"Monique.." nakaramdam ako na parang nagtayuan ang mga balahibo ko sa braso.
Ganito ang nararamdaman ko tuwing may hihingi ng saklolo. Hindi ito isang normal na tao kundi isang ingay ng sirena. Hinawi ko ang hangin at pinatahimik ang paligid. Nakaramdam ako ng isang kaluskos sa hindi kalayuan ang tantsa ko ay 5 kilometro mula rito.
"Leonardo?"
Bumuntong hininga ako at pinagtabi ang perlas ng pagiging sirena ko sa aking palad. Kinuyom ko ito at dahan-dahang binuksan. Kakaiba ang perlas na hawak kumpara sa isang mataas na antas ng sirena.
Ang perlas ng aking buhay ay nasa palad ko, samantalang ang perlas naman ng mataas na antas katulad ni Leonardo ang hari ng karagatan ay ang mismong kaluluwa nito. At ang tanging paraan para makuha nila sa palad ko ang perlas ay ang isang halik.
Dahan-dahan tumaas ang perlas papalayo sa aking palad nagsimula itong maging bolang asul na kumislap sa kalangitan. Napaupo ako dahil sa sobrang liwanag at bumalik ang perlas sa aking palad tanda nang hindi na nito kinaya ang kapangyarihan ng kalikasan.
Sumuka ako ng malapot na berdeng dugo dahil may kung anong kumirot sa aking dibdib. Napahawak ako sa mga dahon at kinuyom ito bago tumingin sa kung saan-saan. May tumutulong tubig sa kaliwang butas ng ilong ko kaya mabilis ko itong hinawi.
Tumingin ako sa palad ko at nakita ko roon ang bahid na berdeng dugo. Tumingim ako sa kinaroroonan ng bata na parang pinapanood niya ako.
"Isa taring sirena?" tumango ako gaya ng nais niyang gawin ko.
"Oo gaya mo ako'y isa rin' taga-bantay." ani ko.
Nagulat ako sa sumunod na pangyayari binasag niya ang mahika na ginawa ko upang patigilin ang oras sa isang palakpak lang. (Rich Clap)
"Isa kang—"
halos namilog ang mata ko dahil sa sobrang mangha sa batang ito. Mabilis akong lumuhod sa kaniyang harapan at humingi ng tawad.
"Patawarin niyo po ako kamahalan." halos mabali na ang likod ko dahil sa isang paggalang.
Ang Rich Clap mermaid, ay maituturing na mahirap gawin kumpara sa tunay kong abilidad.
Sila ang masasabing may mataas na antas kumara sa akin.