Kabanata Dalawangpu

1264 Words
"Akin na ang kamay mo." utos niya "Kaya ko na-" naputol ang sinabi ko ng akmang dudulas ako. "Kumapit ka sa kamay ko Vanelophie madudulas tayo." nakahawak lang ako sa malambot niyang mga kamay. Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaks'yon ko kung kikiligin ba ako o magagalit sa kalikasan. Bakit pa kasi Umulan dito sa bundok na ito at nagkahiwalay-hiwalay kami nina Kate at Enzo. Nakakabadtrip "Jack h'wag mong bibitiwan ang kamay ko huh!" natatakot kong sabi at tumingin sa malalim na bangin. Napalunok ako ng laway dahil sa takot nakakapit si jack sa sanga ng puno habang ako ay nasa kamay niya. Hindi ko alam pero ayoko maging assuming hinigpitan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa inosente niyang mukha. "Basta magtiwala ka lang sa'kin." tumango na lang ako dahil sa sobrang takot na baka bitiwan ni Jack ang kamay ko. Nang biglang... "Jaaaack!" sigaw ko Madudulas na talaga ako nagulat ako ng niyakap niya ako at prinotektahan sa mga bato at putik. Parehas kaming nadausdos pababa at nagpa gulong gulong habang prinoprotektahan niya ang ulo ko sa mga bato. Nakita ko ang itsura niya habang prinoprotektahan ako seryoso siya at hindi iniinda ang sakit. Sa wakas at huminto narin ang pag gulong namin pababa ng bundok. Nasa ibabaw ko siya at nasa ilalim niya ako putikan ang kaniyang damit at pantalon. Kahit pa kaunting marka ng putik sa kaniyang mukha ay gwapo parin siyang tignan. Ilang segundo kaming nagtitigan hanggang umiiling ako at dahan dahang tumayo. Tsk. Ang putik ko na! "Bakit pa kasi umulan pa, Kapag minamalas ka nga naman, Ayan tuloy ang putik-putik kona at ang dugyot pa." "Dapat kasi hindi na ako sumama eh, Nakakainis hindi ko naman kasi matiis si Kate at Yohan." pumay awang ako habang pinupunasan ang maputik na parte ng damit ko. Napaupo siya sa may malaking bato na parang nanghihina. "Oh anong nangyari sayo?" lumapit ako sa kaniya na may parang kung anong bagay na iniinda siya. Namumutla siya habang pilit na itaas ang pantalon niya sa kaliwang bahagi ng kaniyang paa. Lumapit ako at itinaas ang kaniyang pantalon sa kaliwang bahagi. At tumambad sa akin ang tuklaw ng ahas. "Diyos ko po nakagat ka ng ahas." mabilis kong pinunit ang laylayan ng aking damit at itali ng mahigpit sa kaniyang paa upang mapigilan ang pagdaloy ng lason ng ahas sa kaniyang katawan. Higop-dura ang ginawa ko para matanggal ang lason ng ahas. Palagay ko'y hindi basta-bastang ahas ang kumagat sa kaniya. Mabilis pa sa alas kwatro na tinungo ko ang bag ko upang kunin ang tubigan ko na may lamang Ice Tea. Binuhos ko ang kalahati sa kaniyang paa at ang kalahati ay pinangmumog ko upang hindi ako masalinan ng lason. Natandaan ko kasi dati ang Lesson ni Prof. na kapag nakagat ang isang tao na hindi pamilyar na ahas na makikita lamang ito sa tubig ay ibuhos ito sa natulaw na parte ng tao upang mabawasan ang lason nito. Ang lason kasing ito ay pwedeng ikamatay ng dalawangput isang ka tao sa oras na hindi ito maagapan lalo ng mas malubha ang taong sumipsip ng lason nito at hindi nagmumog ng ice tea at segundo lang ay pwede na siyang mamatay. "Ayos ka lang? Jack? Sumagot ka." kinapitan ko ang balikat niya dagil hindi siya kumikibo. Nag aalala na talaga ako sa kalagayan niya. Baka napasukan siya ng lason sa katawan. Pero h'wag naman sana. Nagulat ako sa sumunod na pangyayari bigla nalang siyang bumasak sa lupa. "Jaaaaack!" hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa nangyari sa kaniya. "Tulong! Tulungan niyo kami!" "Saklolo!" sigaw ko sa kawalan pero alam ko kahit sumigaw ako ng sumigaw ay wala sa akin makikinig dahil balot ito ng mga puno at kung maririnig man nila 'yon ay sobrang hina. Ano'ng gagawin ko? Kailangan kasing may malapit na hospital dito para magamot si Jack. Kinabahan talaga ako at nalilito LORD HELP ME NAMAN POOO! Paroon parito ang ginawa ko nginangatngat ko ang daliri ng hintuturo ko. Kinakabahan talaga ako, hindi ko maiwasang tignan ang mukha niya. Napagawi ang tingin ko sa putol na kahoy malapit sa may silong siguro may nag siga rito. Mabilis akong gumawa ng baga sa pinagsama samang tuyong dahon sa may silong kahit papaano ay makakatulong ito para humingi ng tulong sa mga kaibigan ko. Hindi pa siya pwedeng mamatay.. Dahil.. mahal ko na siya! "Mag intay na lang tayo ng tulong Jack, pro-protektahan kita." pinunasan ko ang pawis niya sa mukha nagtataka ako bakit sobrang lamig nito. "Jack, gising." narinig ko ang mahinang ungol niya na parang nahihirapan. "Vanelophie." narinig ko ang mahinang pagtawag niya sa akin. "Jack h'wag mong piliting magsalita." "K-kahit anong mangyari sa'kin ay hayaan mo lang ako. Iligtas mo ang sarili mo dahil mahalaga pa ang buhay mo sa buhay ko." Napahinto ako sandali ng hawakan niya ng mariin ang kanan kong kamay at kinuha niya ang isa kong kamay. "Jack 'wag kang magsalita ng gan'yan." kinalas ko ang kamay ko sa loob ng malamig niyang kamay. Hinaplos ko ang buhok niya at hinawakan ang kaniyang pisngi. Nahihirapan siyang imulat ang kaniyang mga mata tanda nang pagkalat ng lason. "Mahal kita-Vanelophie." Pawang nahinto ang pag inog ng mundo ko ng marinig ko ang mahinang sinabi nito. Gusto kong ngumiti pero hindi ko magawa. Kahit na ang pagsabi niya pawang pabulong ay makabuluhan ito para sa akin. "Alam mo Jack hindi ka lang abnormal ang galing mo rin' magbiro eh 'no." pinipigilan kong hindi ngumiti dahil kapag ngumiti ako malalaman niya ang totoo. Ano nga ba ang totoo Vanelophie? "Jack.." "Huy! H'wag kang matulog kinakausap pa kita-" tumigil ako sa pananalita dahil hindi niya ako sinasagot sa tanong. "Jack." "Huy Jack!" pang uulit ko pero wala parin siyang kibo at nakapikit parin siya. Kinapa ko ang kaniyang pulso at leeg.. Napalitan ito ng lungkot na walang magkapagbabago kung hindi siya. "Jack h'wag ka namang magbiro." matawa-tawa akong tumingin sa kaniya at niyugyog ang kaniyang balikat. "Jack...isa," pero hindi parin talaga siya kumikibo para siyang lantang gulay. "Pinipilit mo talaga akong magbilang ng tatlo huh." bumilang na akong ng tatlo pero hindi parin talaga siya nagigising. "Jack." sumeryoso na ang mukha ko at nagsimulang nag init ang pisngi ko. Hindi ko alam kung paano ba ako kikilos, kung paano ko ba siya gigisingin. Umagos ang mainit kong mga luha kasabay ng pag ulan. "Hindi 'to pwedeng mangyari, Jack gumising ka, Jack."suminghot ako at hinawi ang nakakairita kong buhok sa mukha. Sinampal-sampal ko ang kaniyang pisngi pero hindi parin talaga siya nagigising. Mahal kita-Vanelophie.. Nang mag sink-in ulit yon sa isip ko ay hindi ko mapigilang maiyak. Kung sa iba 'yun ang pinaka masarap sa tenga kapag narinig nila sa akin hindi dahil pagkatapos niyang sabihin ito ay tumigil na ang pagtibok ng kaniynag puso. "Tulong! Parang awa niyo na Tulungan niyo kami." habang sinasabi ko ang mga salitang lumalabas sa aking bibig ay hindi ko paring maiwasang maiyak. "Tulungan niyo kami-" napahinto ako sa pagsasalita ng may pumalo sa ulo ko ng matigas na bagay kaya napahiga ako sa tabi ni Jack. Pilit ko man aninawin kung sino ang humampas sa ulo ko pero sobrang labo nito, napakalabo. Hinawakan ko ang noo ko ng may nadampian akong likido at tinignan ko ito. Dugo.. Inaabot ko ang kamay ni Jack upang hawakan ko ng mahigpit ito.. kaunti na lang mahahawakan ko na ang kaniyang kamay.. Sige pa Vanelophie.... Kaya mo yan.. At sa wakas nahawakan ko ang kaniyang malamig na kamay, at ngumiti habang nakatingin sa langit. Hanggang dito na lang siguro ang buhay namin ni Jack. Paalam..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD