"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Josh
"Tita naman syempre bakasyon."
"Tss, tapos?"
"Maglalaro ako magdamag ng ML."
"Hindi pwede."
"Sige na tita."
"Ayoko."
"Please?"
Siya nga pala ang pamangkin kong si Josh anak siya ng kapatid kong bunso na si Noa. Sobrang daldal niyang bata kahit lalakeng tao. Tss!
"Oo na."
"Talaga tita?" nanlaki ang mata niya at niyakap ako. "Baka gusto mong bawiin ko pa?" asik na niyakap siya pabalik.
"Ang ganda talaga ng tita ko."
"Bolero ka."
"I'm not kidding your pretty Aunt, I swear mamatay man si Kate." natawa ako sa inaasal niya
Siguro kapag nandito si Kate baka nabatukan na niya agad si Joshua sa sinabi niya.
"Sus!"
"Tita, oo nga pala nabalitaan ko na may kasama ka sa bahay mo." kunot noong tumingin sa kaniya. "Sino naman?" takang tanong ko.
"Naaaay si Tita!"
"Tsss!"
"Pero tita infairness ang gwapo niya."
nabakla na yata ang pamangkin ko.
"Sino ba kasi ang sinasabi mo?"
"Basta tita sinasabi ko sayo h'wag munang pakawalan bihira ang ganyang lalaki." ngumisi ngisi siya
"Huh?"
Sino ba kasi ang sinasabihan niya?
"Denying queen talaga si Tita."
"Luh."
"Kilala mo 'yun."
"Joshua." tinaasan ko siya ng kaliwang kilay at kinuha ang cellphone niya.
"Tita, ibalik mo nga 'yang Cellphone ko." pilit na inaagaw sa'kin ni Joshua ang pinaka mamahal niyang Telepono.
"Ibabalik ko ang Cellphone mo kung sasabihin mo sa'kin kung sino ang tinutukoy mo." pang uulit ko.
"Hindi ko naman alam ang pangalan niya, Paano ko sasabihin kung hindi ko naman alam ang pangalan niya?" ngumiwi ako at napakamot sa ulo.
Easy!
"Alam mong bata ka, loko karin e no? Kung anu-ano ang sinasabi mo sa tao tapos hindi mo naman pala kilala ang buong pagkatao niya. Ayos ka lang—"
Hindi katulad ng ibang teenager si Josh hindi siya naninigarilyo, umiinom ng alak at pinagbabawal na gamot. Kahit sa mga magulang niya kapag pinapagalitan siya ay hindi siya sumasagot nakatungo lang nag kaniyang ulo at pinakikinggan niya ang nagawa niyang mga kasalanan. Bihira ang batang ganito na katulad ni Josh kaya tingnan mo kung ano ang reaksyon niya sa'kin malapit ng umiyak habang nakatungo.
"Teka, tita tatanungin ko na lang siya." nahinto ako sa pag sesermon ko sa kaniya at tinignan ang lalakeng pinutahan niya.
"Joshua bumalik ka."
Si John? O si Jack? Baka naman si Enzo?
Nakita ko ang pakikipag-usap nito sa matangkad na lalake, kahit hindi ko naman naririnig ang mga pinag uusapan pero alam kong tungkol sa'kin ang sinasabi nila. Tinuturo ako ni Joshua habang nakikipag usap siya. Nakita ko ang sabay nilang paglalakad papunta sa kinaroroonan ko hindi ko alam kung aalis ba ako sa pwesto ko o hindi.
Ano namang balak mong bata ka?
"Tita I know his name." nagtaas ako ng tingin ng makita kong nasa harapan ko si Jack na nakasumbrero ng parang Cowboy hat.
"His name is—" pinutol ko ang sasabihin niya at tinawag ang pangalan ni Jack
"Jack?"
"Oo tita ang pangalan niya ay Jack."
"Oo tita ang pangalan niya ay Jack."
"Oo tita ang pangalan niya ay Jack."
"Oo tita ang pangalan niya ay Jack."
Umiling iling ako at tinuon ang atensyon ko kay Joshua ang mabait kong pamangkin...
"Hoy bata ka anong sinabi mo kay Jack." galit na saad ko
"Siguro kung anu-ano ang pinagsasabi mo sa kaniya?"
"Hay naku!"
"Bakit ba kasi ako nagkaroon ng pamangkin na sobrang daldal."
"Nakakainis."
Nilingon ko sa likod si Jack na walang hindi mapantayan ang kaniyang masasayang labi. Tumatawa mag isa? Baliw lang naman siguro ang gumagawa ng ganoong bagay. Nagbubungkal siya ng lupa at tinataniman ng panibagong sibol ng bulaklak.
Nakakainis ka..
"Wala naman akong gusto sa kaniya tapos may pakindat kindat pa ngayon, Seryoso ba siya? Tss?"
"Tita.. Manahimik ka nga."
"Ang ingay mo! nagsasalita ka mag isa d'yan. Hindi mo na lang lapitan 'yang pinariringgan mo." inarapan niya ako at tumayo bigla na nagkukunwaring nabibingi.
"Abat ikaw talagang bata ka—"
"Tita H'wag kang maingay naglalaro ako ng Mobile Legends."
"Yan diyan ka magaling."
"Syempre tita."
"Ah ganun pala?" nginitian ko siya na parang nanatakot.
"Mythic na tita ako, kalaban ko si Lexie at Choox."
"Congrats." kinaltusan ko siya kaya agad siyang napatayo at hinarap ako.
"Tita alam ko na yanganyang galawan mo. Wala akong sinabi kay kuya Pogi Okey tinanong ko lang ang pangalan niya." umupo siya at hinarap ulit sa mukha niya ang Cellphone.
"Ayan putek naman ang kati!"
"Ano palag ka?"
"Sino bang kalaban mo huh at bakit pikon na pikon ka, laro lang yan h'wag mong seryosohin?" hinawakan ko ang balikat niya nagbuntong hininga siya at saglit na tiningnan ako. "Tita naman ta-trashtalk e? Sino ba naman hindi magagalit? Mas malakas ang trashtalk kaysa sa laban!" umirap na naman ulit siya at pinagpatuloy ang laro.
"Nagluto nga pala si Kate ng paborito mong maja blanca at Shanghai nasa lamesa lang." tatalikod na sana ako ng biglang nakarinig ako ng..? Nakakasakit sa ulo yun ah.
"Putang*na mo—" malutong na mura niya kaya nilapitan ko siya at inagaw nag Cellphone niya.
"Ano nga ulit ang batas ko sa pamamahay na ito Joshua Cruz?" ngumisi ako ramdam ko naman ang takot niya.
"Ang magmumura ay..?"
"Maghuhugas ng plato ng tatlong buwan...umaga, tanghali, hapon, gabi!" narinig ko ang pag singhot niya na parang may halong pagmamakaawa.
"Anong maghuhugas ng plato?" tumaas ang kilay ko at humarap sa kaniya. "Tita I'm sorry Tita please, H'wag mo po akong isusumbong kay Daddy please." ngumisi ako at umirap.
"Okey H'wag munang uulitin huh isa pang ulit sasabihin na kita kay sa Daddy mo." pambabanta ko kaya tumango tango siya at binigay ko sa kaniya ang Cellphone niya.
Konsintador si Tita..
"H'wag ka diyan, s**t! Damn! pabuhat."
"Ano?" malakas na bulyaw ko kaya nanlaki ang mata niya.
"Kinakanta ko lang po yung BORN SINGER sa Bts yung line ni Suga!" pagsisinungaling niya kaya nilapitan ko siya. "Ano nga ulit ang sinabi ko ilang segundo lang ang nakalipas?" pang uulit ko at hindi na ako nakapag timpi at piningot ko ang kaliwang tenga niya gamit ang kanan kong kamay.
"Tita may dalang kape si Kuya Enzo." tinuro niya ang kung saan, kaya napalingon ako roon, pero walang Enzo at kape.
^___^>>>Joshua
-_____->>>Ako
"Bye Tita! hahahahaha." kumaway kaway siya na parang model na lumalakad.
Joshwae..
"Hoy Joshua balik ka dito hoy!" sigaw ko pero hindi niya ako nilingon
"Hoy h'wag niyo akong dalhin sa Farm."
YOUR ENEMY HAS BEEN SLAIN..
DOUBLE KILL
EXECUTE...
TEAM DESTROY THE TERM..
TRIPLE KILL
MANIAC
Aba't talagang?
UNSTOPPABLE
SAVAGE!!
SAVAGE!!
SAVAGE!!
"Hoy Joshua! Pumunta ka dito."
"Tita naman e."
>
"Yan tuloy Defeat na ako." pagmamaktol na wika niya at padabog na hinarap ako. "Ano ba kasing kailangan mo?" nanlaki ang mata ko sa inasal niya NAPAKA WALANG GALANG!!
"IKAW!" dinuro ko pa siya
"Huh? Ako po?"
"Oo ikaw napaka walang galang mo, at sa'n ka natutong magmura? ni walang po at opo ako naririnig sayo—" napahinto ako sa pag sasalita nh magsalita si Kate at hawakan ang aking braso.
"Vanelophie, bata lang siya h'wag mong patulan." sinamaan ko siya ng tingin.
Tss! patulan?? seryoso ka kate?
"Sinasabi mo?" walang anu-ano'y saad ko "Pinapatulan mo ang bata." pang uulit niya.
"Anong pinapatulan? Tinatama ko lang ang pagkakamali niya." napaawang naman ang labi niya.
"In a good way dapat, kung sasawayin mo ang bata dapat sa loob hindi rito sa labas maraming nakakakita." bulong niya
Nahiya ako sa inasal ko may point rin naman kasi ang sinabi ni Kate. Tumingin ako kay Joshua na nakatungo at hindi kumikibo. Ang kulit mo kasing bata ka.. Akma siyang tatayo ng biglang magsalita ako.
"At saan mo balak pumunta?"
"Joshua." tawag niya rito kaya lumingon ito at pilit na ngumiti.
"Sa loob lang po." tumalikod siya at naglakad palayo.
"See, galit sayo ang bata kailangan mong kausapin siya ng mahinahon sa loob." tinuro niya ang kwarto ko sa itaas at hinawi ako na parang nagpapaalam.
"May kailangan ka pa?" anang na tanong ko "Oo nasa dulo na nang dila ko e, pinapasabi ni Enzo.." bumuntong hininga siya bago magsalita.
Ano naman kaya yung sasabihin niya?
"Ano?"
"Teka lang nag ba-blangko isip ko."
"Aalis na—"
"Oo natandaan ko na! bukas daw ng umaga mga 8 o'clock papunta siya sa lola niya sa Davao." salaysay niya kaya napataas ang kilay ko.
"Anong gagawin ko?"
"Kung pwede raw tayong walo este siyam pala kasama si Jerome." nag pa ikot ako ng mata. "Hindi ako sasama kayo nalang marami pa akong gagawin." umiling iling ako na parang mababali ang buto ko sa leeg.
"Alam mo Vanelophie kill joy ka talaga."
"Wala kang pake."
"Bakit pa kasi ang taray taray mo ngayon? Wala sa mood? Ano alien lang?"
"Bakit ba kasi ako nagkaroon ng kaibigan na sobrang—"
"Ganda? Sus wala yon salamat alam ko nayan." tinapik niya pa ang braso ko
"Seryoso ka?" pinipilit kong h'wag ngumiti dahil nakita ko na malapit na siyang mainis.
"Basta hindi ako sasama." pagmamatigas ko.
"Eh bakit nga kasi?"
"Basta ayoko."
"Huh? Paanong ayaw mo?" umiling ako at umirap.
"Kita nga sa reaksyon mo pero mahal, birthday ni Enzo yon paniguradong magtatampo yon sayo." ngumuso siya at akmang aalis.
"Teka, wait lang."
"Ano yun?"
"Tss."
"Oo pumapayag na ako pero hindi kasama si Jack." napangiwi siya at kinamot niya ang kaniyang ulo.
Hinanda ko na ang gagagamitin para mamaya, aalis kami at pupunta ng Davao para doon i-celebrate ang birthday ni Enzo. Kung hindi lang para talaga sa kaibigan ko ay hindi talaga ako sasama ayoko talaga umakyat ng napakataas na bundok para lang maabot ang bahay nila sa tuktok. Kahit labag sa kalooban ko na kasama ko si Jack, at siya ang palaging makikita ko at makakasama ko sa Davao.
"Oh mahal bakit gan'yan ang itsura mo? Dapat masaya ka ngayon dahil birthday ni Enzo." ani Kate.
Umirap na lang ako at hindi siya pinansin. Ayoko talagang sumama sa totoo lang, bukod kasi ng dahil ayoko talaga ay may masamang mangyayari raw kasi sa amin kapag nagsama kami ni Jack hula kasi 'yon sa amin ni ka Iling..Mapaniwalain pa naman akong tao kaya likas sa akin na maniwala sa kuru-kuro.
Malay mo totoo!
"Huy! Vanelophie ano wala sa mood? Meron ka ngayon?" pangungulit niya
Alam kong kapag hindi ko pa siya sinagot ay kukulitin niya talaga akong kukulitin. Alam ko na ang mga galawan niya.
"Wala ako ng sinabi mo, mood Oo wala ako sa mood." umirap ako
Alam naman niya siguro ang tinutukoy ko regla or red days!
"Bakit ba kasi wala ka sa mood nag away kayo ni Jackxon?" lalo pa talaga akong umirap ng marinig lo ang pangalan ni Jack at mas lalo ko pang kinainis dahil binuo niya ang pangalan ni Jack.
Ayan na sasabi kona tuloy.
"Humanap ka ng kausap mo." iniwanan ko siya pero napaatras ako ng makita kong papalapit sa akin si Jack. "Hahanap pala ako ng kausap huh." natatawang umiling si Kate kaya mabilis ko siya hinawakan sa braso.
Kailan pa siyang natutong pumorma? Noong una ko siyang makilala eh halos maging matanda siyang tingnan sa suot niya? Nakasuot siya ng terno sa damit ko long sleeve na sky-blue at pantalon na puti. Napaka gaya-gaya niya talaga sobra!
"Maiwan ko muna kayo diyan ~babuu.." napakunot ako ng noo iba ang ngisi ang ginawad ni Kate sa akin.
"Teka lang Kate-" akma ko siyang hahabulin pero nahawakan agad niya ako. "Ano ba?" inis na tugon ko.
Nakita ko ang reaksiyon niya na parang nagmamakaawa na patawarin ko siya sa kaniyang ginawa kabit wala naman talaga siyang ginagawa. Ayoko ko kasing magpatalo sa nararamdaman ayokong basta basta na lang ako magkakaguato sa kaniya ng hindi malalaman ang kaniyang pagkatao hindi ko pa talaga siya kilala ng lubusan tapos magkakagusto ako sa kaniya.
Isa akong taksil
"Bakit mo ba ako nilalayuan? may ginawa ba ako sayung masama? kung meron sorry, kung wala pag usapan natin." binaling niya ako at hinarap ako sa mukha niya.
"A-ano bang ginagawa mo?" nanlaki ang mata ko ng ipinagdikit niya ang noo ko sa noo niya.
WTF!
"Ginagaya ko lang ang mga napapanood ko sa pelikula." nakaramdam ako ng pag init ng pisngi kung narito sina Enzo at Kate ay baka kanina pa sila nag ubuhan sa sinaryo naming dalawa.
Nagtama ang paningin naming dalawa sa isa't isa na parang sinusuyod niya nag nararamdaman niya para sa akin.
"Jack,Vanelophie tara na."
"Hys ano kaba baka maabala mo sila.." sita ni Kate kay Enzo.
Mabilis ko siyang tinulak at para akong hahapuin sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hinawakan ko ang dibdib ko na panay t***k parin nito. Sobrang init rin nang pisngi ko na parang tinungga ko ang isang bote ng Red Horse.
"Teka Vanelophie."
Sa huli ay hindi ko parin talaga siya pinansin, nakita ko ang pagdala niya ng gamit naming dalawa tinulungan siya ni Enzo habang ako ay pinapanood lang ang ginagaw niya. Sumama ako sa grupo ng mga babae sa likod ng ban pawang may kaniya kaniya silang mundo si Kate ay nilalaro si Yohan na kani-kanina lang pinipilit ako na sumama sa kaniya. Dahil mapilit si Yohan ay sumama na ako kahit labag sa loob ko.
"Mama to." tawag sa'kin ng bata.
Hindi ko alam pero sobrang sarap sa pakiramdam kapag tinatawag niya akong "Mama." kahit hindi talaga siya nanggaling sa sinapupunan ko para sa'kin para kona talaga siyang anak. Pinupog niya ako ng halik sa pisngi. Namiss ko talaga ang batang ito, kahit pa sobrang kulit nito.
"Miss mo si Mama?" hinawi ko ang mahaba niyang buhok na hanggang mata para makita ko ang kayumanggi niyang mga mata.
"Opo." masigla niyang sagot at kumalong sa kandugan ko.
"Mama nasa'n po si Daddy?" tanong niya at nagpalingon lingon kung saan-saan.
"Ah, ewan ko." pagsisinungaling ko at tumingin sa side mirror para tignan siya pero akma siyang nakatingin rin sa kung saan ako naroon kaya itinuon ko ang atensyon ko sa kaniya.
"May anak kana Vanelophie? Akala ko anak 'yan ni Kate at Enzo." sabad ni Niña kaya napaawang naman ang labi ko at ganun rin si Kate.
Sa sitwasyon ba namin mukha na ba akong ina? Sa mura kong edad na bente nwebe? Sa bagay kung edad ang pagbabasehan ay hindi malayong huli na ako sa byahe, pero wala silang magagawa buhay ko ito.
"Haler Niña! Malabong maging kami ni Enzo, tyaka yuck super eww nakakadiring pangyayari kung mangyayari ang sinasabi mo." parang nagmamashin-gun ang bibig niya sa sobrang bilis niyang magpaliwanag ng walang dahilan.
Napagawi naman ang tingin ko kay Monique nakita ko naman ang ekspresyon niya na parang malalim ang iniisip.
"Hys, anak mo?" baling niya sa'kin kaya ngumisi ako.
"Anak-anakan ko bakit?"
"Ahm, hindi malayo sobrang magkahawig kasi kayo ng bata pati si Jack, kung nagkataon baka napagkamalan ko kayong mag asawa na at may isang anak." lalo pang umawang ang labi ko pero biglang humarang si Yohan sa harap ko at pilit akong tinatago sa kaniya.
"Sino ta? Batit mo inaaway Mama to?" sinamaan niya ng tingin ito kaya nagtawanan sila sa inasta ng bata.
"Kaugali mo rin Vanelophie." asar pa ni Niña kaya nagtawanan ang nasa loob ng Van.
Hindi ko napansin na parang nag init ang pisngi ko at tumungo. Pumasok na naman sa isip ko si Jack at Yohan nung magkasama kami sa Park.
"Shss, quite guys nandiyan yung asawa niya." napataas naman ako ng kilay at napatingin sa pumasok sa Van.
Anong ginagawa niya rito?
"Ehem."
"Eheeem."
Umaarte sila na parang nag-uubuhan lahat lalong lalo na si Kate na nangunguna sa pag ubo.
"Daddy." sumunggab agad ng yakap ang bata sa kaniya. "Perfect family, ehem." umubo ulit si Kate
Nagkatinginan kami sandali bago siya gumawi sa bata. May binulong siya sandali sa bata, hindi naman sa pag iisyoso at pagiging tsismosa wala namang masamang makinig. Makikinig kalang naman.
"Hoy anu'yan may ngisi pa, ngisi pa kayo d'yan nalalaman." sabad ko kaya nagtawanan naman silang dalawa.
"Ipangako mo sa akin na wala kang pagsasabihan ng mga sinabi ko." kumindat pa siya sa bata bago umalis at pumunta sa kabilang Van kasama sina Enzo.
"Promise Daddy!" nakangisi siya rito habang nag ba-bye at flying kiss.
"I love you Daddy to."
"Awwwww." parang aso na tumatahol ang tatlo kaya napairap na lang ako.
Ano kayang sinabi sa kaniya ni Jack at ganun na lamang ang ngiti nito. Hys! Ewan bahala na..
Umandar na ang Van na sinasakyan namin. Kaya nagtakipan ng mukha ang iba para matulog habang si Kate naman nag co-concert na todo sa loob ng Van hawak niya ang mikropono habang bumibirit ng kanta sa Portable Karaoke. Todo support naman si Yohan sa pagkanta ni Kate kahit pa masakit ito sa tenga. Habang ako naman ay tahimik na nagmumuni sa labas, iniisip ko parin talaga kung anong binulong ni Jack kay Yohan. Hindi naman s apagiging curious pero palagay ko dapat ko yung malaman
Hindi na ako nakapag timpi at tinawag ko si Yohan para alamin kung ano ang sinabi sa kaniya ni Jack.
"Yohan." tawag ko
Lumapit ang bata na nakanguso na parang nawala ang saya niya sa mukha. Natatakot ba siya? Hys! Ano kaba Vanelophie guni-guni mo lang 'yun.
"Batit po Mama?" tanong niya at umupo sa kandungan ko.
"Pwede ko bang malaman kung anong sinabi sa'yo ni Jack?" bulong ko sa kaniya pero mabilis siyang umiling. "Ayoto nga sabi ni Daddy 'wag to raw sabihin sa inyo." pinagdikit niya ang dalawang hintuturo niya at bumelat.
Hys, kailangan kong gamitin ang black magic ko.
"Kapag sinabi mo sa akin bibilhan kita ng Ice cream." ngumisi siya sa'kin tanda ng pagsang-ayon pero biglang iyong nagbago.
"Sabi ni Daddy bibilhan niya ato ng isang puno sa plastit na Ice cream." tumawa ulit siya
Inner me.. Naiinis na,Vanelophie kaya mo 'yan bata lang siya 'wag mong papatulan OKEY?!
Akma ko siyang tatampuyungin pero nagtimpi ako. Hys! kung wala lang akong pangako kay Mr. and Mrs. Lu baka na kaltusan ko na itong bata na ito.
"Yohan, tara kanta pa tayo." tawag ng tiyahin niyang walang hinto pagkanta.
"Opo Tita." nag ba-bye sign siya sa akin kaya napaawang ang labi ko.
Makalipas ang anim na oras na byahe.
"Yey!" sigaw ni Yohan sa tuwa habang parehas silang nagsasaya ni Kate.
Kalong niya ang bata dahil magaan lang naman si Yohan. Nagkatinginan kami ni Niña na parang may kung anong binabalak.
Ganun talaga siya tumingin matalas kung tumingin na akala mo'y may gagawin sa'yong masama. Pero hindi, ika nga ng iba. DON'T JUDGE THE BOOK BY IT'S COVER. Kahit pa marami na siyang napatunayan sa kaniyang mga pangarap katulad na lamang ng pagsusulat ng mga magagandang Nobela. Kilala siya at sikat saan man siya mapuntang lugar ay pinagkakaguluhan siya. Kilala siya sa buong Pilipinas bilang isang tanyag na manunulat. Kaya bawat kilos niya ay alam ng Media maliban na lamang kung hindi kami masusundan ng Media rito sa Davao.
"Una na ako, gusto ko ng umakyat sa bundok." naka-prepaired na siya naka botang kayumanggi at cowboy suit at malaking payong.
"Ano ka mangangabayo?" natatawang nilingon siya sa likod.
"Mangangabayo ba? Naulan kasi sa labas parang may bagyo 'ata."
"Pero okey narin para hindi tayo masundan ng Media." matawa tawang sabi nito bago binuksan ang kaniyang payong.
Umuulan ba? Kakasabi lang Vanelophie hys!
"Teka lang, uy pasama ako wala akong payong." sigaw ko pero hindi naman pagalit.
"Maraming susukob sa payong ko." sigaw niya dahil sobrang lakas ng ulan.
"Tsk."
"Bahala kayo d'yan dito muna ako sa Van, ang lakas-lakas pa ng ulan."
Ngumis ako at ginawang higaan ang lahat ng upuan sa bus at nagpatugtog ng malakas sa loob ng Van. Humiga ako sa malambot na higaan at nag unat bago tumulog ulit.
"Alam niyo ayoko talagang umakyat sa bundok baka madulas pa ako roon, tapos eww ang dumi-dumi kaya roon ang putik-putik." nagbuga ako ng hangin bago humiga pero nakaramdam ako na parang may katabi ako.
"Akala ko ba marami kang
kasama-" napahinto ako sa pagsasalita ng makita ko si Jack sa harapan ko nakaupo habang pinagmamasdan ako, mabilis akong napatayo.
"Anong ginagawa mo rito?"