Vanelophie
Ilang beses akong hindi mapakali at kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog tinabunan ko ang mukha ko ng kumot at pinikit ko ang aking mata.
"Hindi ako makatulog." ginulo ko ang buhok ko at tinapon ang unan ko.
"Ano bang nangyayari sa'kin." mahinang sinampal ko ang pisngi ko kapag pipikit ako nakikita ko parin si Jack? Kapag nakamulat naman naalala ko ang paghalik niya sa labi ko.
"Baliw na 'ata ako." gumilid ako pero hindi parin talaga ako makatulog. Bumaliktad akong higa pero hindi parin talaga ako makatulog.
Tumayo ako at binuksan ang cellphone ko.
10:17 pm
"Makagawa nga ng Dalgona." naghihikab na tinahak ang madilim na pasilyo. Nakakita ako ng kaunting liwanag sa kusina kaya nagmadali ako pumunta roon nakalimutan ko 'atang patayin ang ilaw sa kusina.
Nalaglag ang cellphone ko ng humarap ang pulang mata. Naistatwa ako sa kinalalagyan ko, patuloy parin ang pagkakalkal niya sa ref.
"S-sino ka?" nagbukas ang ilaw ng pumitik ang kung sino. "Hindi karin makatulog?" tanong pabalik niya.
"Tinatakot muna man ako eh." ngumuso ako at nawala ang takot nararamdaman ko at napalitan ito ng malakas na pagtibok ng puso.
"Gagawa ako ng kape hindi ko mahanap kung nasaan nakalagay nakita mo ba?" tumitig siya ng ilang segundo pero sumagot ako.
Act normal na parang walang nangyari Vanelophie okey! Ideny mo kapag may sinabi siyang iba..
"Nandito sa Cabinet." binuksan ko ang Cabinet at kinuha ang lagayan ng kape. "Salamat." inabot ko sa kaniya ang lagayan ng kape.
Kumuha ako ng dalawang baso para magtimpla para sa aming dalawa inilapag ko ito sa lamesa. Naghintay kami ng ilang minuto upang pakuluin ang mainit na tubig. Tahimik ang paligid walang nagsasalita sa aming dalawa tila nagpapakiramdaman kami sa isa't isa hindi alam kung sino ang mauuna.
"Ja—nelophie." magkasabay na tawag namin sa aming pangalan. "Hindi ikaw muna ano ba ang sasabihin mo?" pampaubaya niya tiningnan niya ako sa mata.
"Hindi alam kong mahalaga ang sasabihin mo kaya ikaw muna." saad ko tumingin ako sa kung saan-saan. "Magkakagulo kung sabay tayong magsasalita kaya ikaw na lang ang mauna." sumilay ang magandang ngiti niya sa kaniyang labi.
Tama naman ang sinabi niya magkakagulo at hindi kami magkakaintindihan kung parehas kaming magsasalita. "Teka yung mainit na tubig kumukulo na." akma akong aalis ng biglang hinawakan niya ang braso ko kaya napatingin ako sa kamay niya.
"Hayaan mo 'yan mag usap tayo ikaw at ako." hindi ako nakatanggi at umupo na lang. "Jack." bulong ko sa hangin.
"Naalala mo ba ang nangyari sa'tin kaganina?" ngumiti siya na nanabik sa aking sagot.
Ano Vanelophie sasabihin mo ba? O itatago mo na lang. Paglalaruan ko muna siya tingnan natin kung anong reaksyon niya kapag nakalimutan ko ang lahat sa limot
"Huh? Anong—sa ating dalawa may nangyari ano naman." umiling iling ako at ngumiti "Nakalimutan muna agad?" umarte akong nakakunot ang noo na walang nangyari.
"Hys!" galit na nagbuga ng hangin.
Hindi ko alam kung tatawa ba ako o titignan ko lang ang kaniyang mukha. Tumayo siya at ginulo ang kaniyang buhok bago tumingin sa'kin at tinuro ako pero nagkibit balikat na lang ako.
"Alam mo Jack magkape na lang tayo, para mahimasmasan ka." akma akong tatayo ng bigla akong napaatras at napapunta ako sa pader.
Nanlilisik na naman ng kaniyang mata. Galit na galit na naman siya may balak na naman siyang masama. Nakatingin lang siya sa'kin at humikbi na lang ako, Sinuntok niya ang pader at hinapit ang aking baywang.
"Remember this Day Vanelophie." tila isang musika ang pagkakasabi niya sa tenga dahan dahan niyang inilapit sa mukha ko ang mukha niya at hinawakan ang aking pisnge akma niya akong hahalikan pero tinabunan ko ang kaniyang bibig.
"Anong gagawin mo sa'kin." buti kinaya ng resestensiya ko ang malakas niyang karisma.
Wuu! Pinagpawisan ako doon huh!
Tinulak ko siya at pinatay ang stove kumuha ako ng pot holder at sinalin sa dalawang baso. Nanapapakit ako dahil nakita ko ang kaniyang reaksiyon pagkadismaya. Nagtakal ako ng tatlong kutsarang kape para sa'kin at talong kutsara para sa kaniya. Kumuha ako ng ice cubes sa ref at pinatong sa lamesa nilagay ko sa baso ang ice ganun rin ang ginawa ko sa kaniya.
Hala bakit ako nagpainit ng tubig? Piste!
Kumuha ako ng gatas at tinakal ko ito sa baso nilagay ko sa mixer para maging malapot ang gatas. Tinapon ko ang dalawang nakasalin na mainit na tubig sa baso pero sa kasamaang palad.
"Ouch ang init." sigaw ko sa sobrang sakit nailaglag ko ang baso naming dalawa. "Okey ka lang ba? may masakit?" hinawakan niya ang kamay ko at tumango ako kumuha siya ng thin cloth na puti at binasa ito ng malamig na tubig.
Idinampi niya sa aking nangingirot na palad kaya nakagat ko ang labi ko sa sobrang hapdi.
"Ako na lang sana ang nagdala ng mainit na tubig sa lababo kung hindi mo naman gagamitin." nagulat ng buhatin niya ako na parang bagong kasal. "Hoy ibaba mo nga ako Jack." pero wala parin siyang reaksiyon seryoso at sobrang cool ng dating.
Hindi ko parin maalis ang tingin niya sa kaniyang inosenteng mukha. Napakagwapo talaga niya walang maihahalintulad sa gwapo niyang taglay. Dahan dahan niya akong binaba sa kama at tinignan.
"Bakit nakatitig ka?" akusang tanong ko sa kaniya. "Bakit kasi.." hindi kuna tinuloy ang sasabihin niya at hinila ko ang damit niya.
Nasa ibabaw ko siya at nasa ilalim niya ako. Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko na tanging siya lang ang nagpatibok nito. Hindi ko man siya ang unang inibig pero gagawin ko siyang huli hanggang sa huling hininga ko.
"I love you Jack.." hinawakan ko ang kaniyang pisnge at sinimulang halikan siya. "Dito ka lang sa tabi ko." pumikit ako at rinamdam ang kaniyang halik.
Tumama sa aking pisnge ang sinag ng araw mula sa malaking bintana. Minulat ko ng dahan-dahan ang kaliwa kong mata at sumunod ang kanan. Bumungad sa akin ang mukha ni Jack na walang halong problema sa kaniyang mukha. Nakayakap siya sa baywang ko kaya may naisip tinaas ko ng kaunti ang kamay ko at ginawa ko ang masamang balak ko. Nag smack ako sa kaniyang labi nanlaki mata ko ng kagatin niya ang labi ko at simulang halikan. Marahas na tinulak ko siya dahil uminit ang pisngi ko at tumalikod.
"Gosh ang init ng pisngi ko." hinaplos ko pa ang pisngi ko at napalabi ako. "Hys!" nagbuga ako ng hangin at hinawakan ang aking labi.
"Bakit parang alak ang labi ni Jack nakakalasing hindi ko siya mahihindian." bulong ko sa sarili
Tumingin ako sa kaniya nakahiga siya hindi parin nagbabago ang ayos nakayakap parin siya kay Doraemon.
Grabe naman itong lalakeng ito matulog hinalikan niya ako hindi parin talaga nagising. Umupo ako sa tabi niya at tiningnan ang mukha niya.
"Ang gwapo mo parin kahit tulog ka." hinawi ko ang kaniyang manipis na buhok. "Jack mahal kita pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula." hikbi ko hinawakan ang kaniyang pisnge.
"Ayokong masaktan ulit ako takot akong magmahal kaya sabihin mo sakin kung nagloloko ka." akma akong tatayo ng biglang hawakan niya ang braso ko. "Vanelophie hindi kita niloloko, mahal kita pero.." nagtakip siya ng ilong at nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
"Nagsipilyo kana ba?" mahinang sinuntok ko ang kaniyang dibdib at tinanggal ko ang kamay niya sa ilong. Ngumuso ako at inirapan siya
"Hiyang hiya ako sa'yo hinalikan mo pa nga ako." kinuha ko si Doraemon at hinampas ko sa dibdib niya.
"Mabango ang bibig ko kahit hindi ako nagtu-toothbrush." nagmamayabang ang kaniyang tono sa pananalita. "Tch, ewan ko sayo." inirapan ko siya at akmang iiwan ng hilahin niya ang braso ko.
"Walang akong pake kung kakagising mo lang hindi naman sila ang hahalikan ko eh, ikaw naman." nag init ang pisngi ko sa sinabi niya
Bakit ba ang lakas mong magpakilig? Pati nagyeyelo kong puso ay natunaw mo..