Third Person's Point of View
Napaslang na ang lahat ng mga kawal. Ang Ive Ilra dehar naman ay nawalan ng malay dahil sa matinding lason na kumalat sa buong katawan niya. Ngunit nagkamalay naman ito kinalaunan.
Kasama ni Yonaphia ang dalawang hanay ng mga Arbe at mga kawal. Ngunit ang ikalawang bathala ay patuloy parin na nakikipaglaban sa askesa —si Zedamyah.
Sa ikalawang palapag naman ay nandito sina Amaru at Ampyanah. Kasama nila ang isang hanay ng Arbe at tatlong kawal.
Kulang ito ngunit sila ay may panlaban. Ang latigo ng Ladowa at ang malakas na kapayarihan ni Amaru, ang nyebe at araw.
Napagpasiyahan ng dalawang dehar si Amaru at Ampyanah na umpisahan ang kanilang patibong sa mga askesa.
"Paano natin sisimulan ang ating plano?" tanong ni Ampyanah at tumalon siya ng mataas palayo sa malaking butas ng sahig.
Makikita sa malaking butas ng sahig na nakikipaglaban ang iba pa nilang kasamahan.
Muli, pinagmasdan pa ni Amaru ang kabuuan ng palasyo upang isaalang -alang ang plano.
Hindi sumasagot si Amaru.
Tahimik at malalim ang iniisip.
Lalo pang tumahimik si Amaru ng makita niya ang anino ng hindi kilalang liwe sa malayo ngunit nawala ito agad.
Ang ‘Liwe’ ay isang estrangherong hindi pamilyar rito sa Antarjia.
"Nakakapagtaka," bulong ng nebe sa kaniyang isip.
May malakas na kapangyarihan ito.
Napakalakas.
"Amaru," tawag ng kaniyang dehar.
“Ikaw ba ay nawawalan ng bait sa iyong sarili?” tanong ng kaniyang ilra.
Kumunot naman ang noo ng bathala rito.
“Nawawalan ng bait?” tanong niya pabalik.
“Oo,” sagot ni Ampyanah.
“Kinakausap mo ang iyong sarili, Dehar ko,” turan nito at diniin niya ang pagsabi sa ‘dehar ko.’
“Ano?” bulas na tanong ng bathala.
“H’wag mo na lamang isipin,” natatawa ang ilra sa kaniya.
Bumalik sa ulirat ang bathala patapon itong tumingin sa kaniyang dehar.
"Bakit tila ikaw ay namutla?" nag-aalalang tanong ni Ampyanah sa kaniyang nebe dehar.
"Ako lamang ay nakahagip ng malakas kapangyarihan sa kung saan, Ngunit ngayon ko lamang ito nasagap," sagot ni Amaru.
"Napakalakas nito kumpara kay Amang Demviada at hindi ako nagkakamali maniwala ka sa'kin," dagdag pa ng bathala.
Hindi nagkakamali ang bathalang si Amaru sa pagsagap ng kapangyarihan. Sa palagay niya ay mas malakas pa ito kay Amang Demviada at sa dating reyna.
"Kanina lamang ay kinakausap moa ng iyong sarili, Bakit ngayon? Hindi ko lubos maunawaan ang iyong tinuturan—" naputol ang sinabi ng bathala ng hawakan ni Amaru ang balikat ng kaniyang dehar.
Kumapit ang ikalimang bathala sa kaniyang Ilra dehar si Ampyanah upang maglaho at mapunta sa ibang silid ng palasyo.
Ngunit naalala ni Amaru na mas lalong hindi ligtas kung sa ibang silid sila paparoon. Dahil alam niyang matalas rin ang pang-amoy ng mga askesa na triple sa normal na nilalang.
"Sandali, saan tayo paroroon," huling binanggit ng bathala bago maglaho.
Mabuti na lamang at naglaho silang dalawa dahil ang mga sahal ay papunta sa kinaroroonan nila upang paslangin sila nito.
“Narito na tayo sa ating destinasyon,” matapos ng bathalang magsalita ay ngumiti ito.
Pagkadating nila sa silid. Pamilyar ito kay Ampanah.
Silid ito ng ikalimang Bathalang Amaru,
Gumawa si Amaru ng malamig na hangin sa pamamagitan ng pagkumpas nito sa kaniyang kamay. Ang natitirang dungawan na bukas sa kaniyang silid ay nagsarado sa mahika ni Ampyanah. Sinarado niya ito upang hindi sila sundan ng askesa at iba pang nilalang.
"Ikiste kija," mahinahon niya na turan sa kaniyang dehar.
Ang ibig sabihin nito ay 'makinig ka.'
"May malakas na kapangyarihan sa buong Antarjia ngunit hindi ko ito lubos mawari kung saan nagmumula ito," dali-daling salaysay ng bathala sa kaniyang Ilra.
"Ngunit sino ang may hawak ng pinaka-malakas na kapangyarihan sa buong Antarjia?" Tanong ni Ampyanah.
"'yan ang dapat nating alamin," sagot ng Bathala rito.
Umupo sila sa gintong upuan na may bilog na mesa na gawa sa perlas. Sa silid na ito kahit ano ang mapagpulungan nila ay hindi ito maririnig ng sinoman lalo na ang mga askesa o ibang nilalang.
"Uumpisahan natin ang plano sa—" naputol ang turan ni Amaru ng aatake kay Ampyanah na isang sahal.
Bumilog ang mata ng bathala dahil may nakapasok na sahal sa kaniyang silid.
Hinagis ni Amaru ang kaniyang sandata sa itaas. Gaya ng nais ng bathala ay nag-iba ang wangis ng hawak niyang sandata. Naging latigo ito ng Ikalawang Ladowa.
Latigo ng Ladowa, Ang kabiyak ng Ladowa na nasa pangangalaga ng kaniyang Ive Ilra dehar.
Binigay ito ni Yonaphia sa kaniya, Ang latigo ng Ladowa upang maprotektahan nito ang kaniyang sarili sa mga sahal.
Gumamit siya nito upang protektahan ang kaniyang Ilra sa isang sahal.
"Ipikit mo ang iyong mata Ilra!" babala niya sa bathala.
Malakas na hinampas ng bathala ang sahal sa katawan nito. Kaya matinding nasugatan nito ang katawan ng sahal na nagmitsa ng kamatayan sa ikalawang pagkakataon ng sahal.
"Ligtas kana," turan ng bathala.
"Doje ibwa dehar," taos sa pusong pagpapasalamat ng bathala sa kaniyang dehar.
Tumingin siya sa kaliwang bahagi ng templo sa kaniyang dungawan. Hindi ito nasisinagan ng araw, Hindi rin ito ang perpekto na gawing patibong upang makagawa ng liwanag dahil tinatapan ng malaking pulang ulap ang buwan. Ngunit may dapat na kailangan siyang makita.
"Ang buwan Ilra," turan niya saka tumingin sa labas ng malaking butas ng pader.
Matalino ang mga askesa.
Alam ito ng ikalimang bathaluman.
Kung gagawa siya ng malawakang liwanag sa buong palasyo ay makakawala ang mga askesa.
Lilipad ito sa malayo at babalik upang gantihan sila.
Tumingin si Amaru sa kaniyang palad.
"Ako'y nalilito sa iyong tinuturan, Ano ang mayroon sa buwan?" naguguluhang tanong ni Ampyanah.
"Ang buwan ay isa sa magiging kasangkapan natin," turan nito.
“Kasangkapan saan?” Tanong ni Ampyanah.
“Upang mabuo ang perpektong sangkap na gagawin natin sa mga hekadang askesa,” ngiting salaysay ng bathala kay Ampyanah.
Umiiwas ang mga askesa sa bintana lalo na kay Amaru ngunit hindi sa apoy.
Bahagyang bumaba si Amaru sa nagliliyab na bato.
Humalukipkip siya't tumingin sa kaniyang dehar bago sa kaniyang sandata.
"Saan ang kuntinente ng buwan?" Tanong ni Yonaphia.
At alam nila kung saan ang kontinente ng araw kaya ang gagamitin niya ay ang liwanag ng buwan.
"Sa kanlurang timog," sagot niya.
Ngunit hindi sila maaring gumamit ng sinag ng buwan. Dahil nakita ni Amaru kung paano naglaho ang hera at ang buwan.
"Mali, walang buwan rito. Naglaho ito kasabay ng hera," turan niya.
Sa palagay niya ay may nangyari ring masama sa kaniyang hera. Ang dating reyna ng Antarjia.
"Paano natin ililigtas ang Antarjia gayong walang buwan," nalulumong wika nito sa bathala.
Tila wala ng pag-asa.
Tumingin siya sa kaniyang palad at pinagmasdan ang dalawang kristal na kapangyarihan.
Araw at nyebe ang kristal na kapangyarihan ni Amaru.
Gumuhit sa labi ni Amaru ang ngiti.
"Alam ko na ang dahilan kung bakit ayaw nila akong pagamitin ng kristal ng araw. Hindi dahil sa apoy at init nito kun'di sa sinag na magagawa nito," ngiting sambit niya sa kaniyang dehar.
"Kaya pala kapag iyong ginagamit ang iyong kristal ay pilit nilang lituhin ka," matalinong wika ni Ampyanah.
"Nakita ko kung paano nila pagtangkaan ang buhay ng isang bathala. Dahil ikaw ang gusto nilang makuha at hindi ko ito papayagang mangyari," salaysay niya.
Nagsimulang gamitin ni Amaru ang ang kristal na araw.