Kabanata Anim

1099 Words
Third Person’s Point of View Apat na haligi, dalawang palapag ang nawasak na. May malaking bitak ang sahig dahil sa malakas na paglindol. Ngunit ang trono ay maayos parin ang kinalalagyan. Kulay pula ang kalangitan tila mailap ang liwanag sa kanila. Sa dulo ng bulwagan ay naroon ang Ilra Dehar si Yonaphia na nakikipag-laban sa mga askesa. Gamit ang kaniyang balintataw ng Ladowa at ang kaniyang puting latigo. Maraming galos ang kaniyang t’yan kumpara sa unang laban nila sa mga askesa. Pitong Araw na silang nakikipag-laban sa mga hekadang askesa. Walang kumain. Walang pahinga. Tuloy ang laban. Si Ampyanah ay may malaking sugat sa kaliwang hita ngunit handa siyang magbuwis ng buhay para sa kapayapaan ng Antarjia. Hawak niya ang dyamanteng palaso at suot ang gintong kalasag. Kasama ang kaniyang makapangyarihang mahika. Si Zedamyah ay patuloy na lumalaban para rin sa kapayaan ng diwata at iba pang nilalang sa loob ng Antarjia. Ngunit si Amaru. Isa-isa silang tumingin kay Amaru. Nanlalaki ang kanilang mga mata habang nakatingin si Yonaphia kung saan galing ang punyal na tatama sa kaliwang mata ng ikalimang Bathala. Akmang haharap si Amaru sa kanila nang tawagin nila ang pangalan nito. “Amaru!” sigaw ng kaniyang mga dehar Nakakakilabot ang sumunod na pangyayari. Sa tanang buhay ni Amaru ay doon lamang siya kinilabutan. Tila may iba sa kaniyang naramdaman. “Sandali lamang ano ang iyong gagawin?” naguguluhang tanong ni Zedamyah sa kaniyang dehar. Hindi sumagot si Ampyanah at itinuon na lamang niya ang kaniyang atens’yon sa isang punyal. Huminga siya ng malalim bago humugot ng Liyar sa kaniyang likuran at pinatama sa punyal upang iligtas ang kanilang Nebe dehar. Ang kanilang bunsong kapatid. Nakita niya sa malayo may pasabulong na punyal na tatama sa kinaroroonan ng Nebe. Dumaplis ang Liyar sa punyal kaya nalaglag ito. Nagtagumpay si Ampyanah ngunit may sumunod naman na liyar. Maraming nagsisigawan ngunit tila nabingi sa sumunod na pangyayari. Tatama ito sa kaliwang mata ng bathala. Napakabilis. May naramdaman kakaiba ang bathala ang halimuyak. Pawang naamoy niya ito sa kung saan. Kumunot ang noo niya. Iniisip kung saan nagmula ang punyal. Itinaas niya bahagya ang kanang kamay ng bathala. Pumikit upang sambutin ang punyal sakto naman at ito ay nasambot niya. “Ang halimuyak ng Angla,” bulong ko. Natupotop niya ang sarili bibig at tumingin sa kung saan. Noong paslit pa lamang si Amaru ay kwinento ng kaniyang Aye na mayroong amoy na dapat iwasan mo. Babala sa kaniya ay may tatlong halimuyak. Ang amoy ng tagumpay sa halaman ng Sen, Ang amoy ng dalamhati at ang isa sa pinaka kinatatakutan. Ang amoy ng Angla ay amoy ng isang kamatayan. Para sa mga Antarjia ito ay sumpa ng isang napataas na bathala sa mundo ng Antarjia. Ang gagawa lamang ng bagay na ‘yon ay ang may hawak ngayong ng kristal na susi. “Hekada!” malutong na bulyaw niya sa buong palasyo. “Oh bakit tila ikaw ay napopoot sa iyong sarili?” pabalang ni Zedamyah. “Sandali, Ano ang nasa palad mo?” dagdag na tanong Zedamyah. Ipinakita ni Amaru sa kaniyang dehar ang hawak niya sa loob ng kaniyang palad. Natuptop ni Zedamyah ang kaniyang bibig dahil may puting bulaklak ang punyal na hawak niya. Ibig sabihin nito ay galing ito sa Angla. “Ang punyal ng Angla,” hindi makapaniwalang sambit nito. “Masamang pangitain ito sa buong Antarjia,” sambit ng ikalimang Bathala. Hinawi niya ang papalapit na askesa sa kinaroroonan nilang dalawa gamit aang kaniyang kapangyarihan na nyebe. “Amaru, Inuutusan kita bilang iyong Ilra dehar. Nais kong magtungo ka sa silid ng ating Amang Demviada upang masiguro kung maayos ang kaniyang kalagayan,” seryosong wika nito sa kaniyang dehar. “Bwera ise dehar,” may halong pangamba ang kaniyang sinabi. Sinabi ni Amaru na mag-iingat sila. “Kami na ang bahala rito, Lisanin muna ang bulwagan!” may diin na sinambit ang kaniyang dehar. Akmang aalis si Amaru sa pagitan ng kanilang mainit na usapan habang nakikipaglaban sa mga askesa ng muntikan siyang malaglag sa sinasakyan niyang nagliliyab na bato. Dahil may malaking palaso o Liyar na ang tatama sa kaniyang pwesto. Buti na lamang at tumama ito sa kaniyang baluti at hindi sa kaniyang braso. Nakita niya na may paparating na mga Sahal na bago nilang mga kalaban.  “Mahabaging Demviada!” sigaw niya sa gulat. Nahinto sandali si Amaru sa kaniyang paglisan ng makita niya ang malaking salamin na pinaka-iingatan ng kaniyang Ina. Ang salamin. Akma siyang pupunta dako na ‘yon upang tingnan ang kaniyang wangis roon ngunit napaupo siya dahil doon tumama ang kidlat na galing sa kaniyang dehar. Habang nakikipaglaban ang mga Arbe sa mga askesa ay doon nila palaging nilalapit sa salamin. Nanlaki ang mata ni Amaru ng makita niya ang kahinaan ng askesa. Kaya pala nagmistulang pula ang kalangitan ay dahil sa mga askesa takot sila sa liwanag. “Liwanag, Tama takot sila sa nakakasilaw na liwanag.” Natuptop niya ulit ang bibig niya at nagsalita. Kaya pala umiiwas sila sa liwanag ay dahil mapapaso sila. Kaya pala nagmistulang pula ang kalangitan ay dahil sa mga askesa takot sila sa liwanag. “Ampyanah, Alam ko na ang sagot sa bugtong,” ngiting turan ko. Nalilito si Ampyanah sa mga tinuran nito. Matapos niyang hatiin sa gitna ang isang askesa ay tumingin siya sa kaniyang kapatid. “Anong bugtong ang iyong tinuturan?” kuryosidad na tanong niya. “Sa mata ng iba siya ay mabuti sa lupa’y may sumpa, Bagsik niya’y makatago sa itim niyang nagngitngit na puso-“ sinambit niya ang sinabi ng hera ang dating reyna “Ano?” gulo parin ang isip ni Ampyanah. “Isinumpa ng ating Ina ang salamin, Ang bagsik niya ay kaibuturan ng kaniyang puso na nanyayari ngayon sa kalangitan,” ngiting sagot ni Amaru. Sa palagay niya ay ito na ang kasagutan sa bugtong ng dating hera ng Antarjia. Patuloy parin silang nakikipaglaban sa mga askesa. “Pagmasdan mo ang kalangitan, Hindi ba’t kanina lamang ay pula ang kalangitan ngayon ay nagiging itim.” Dinuro ni Amaru ang kalangitan sa malaking bintana. “Tama ka nga,” sang-ayon ng kaniyang ilra dehar. “Ngunit ipaliwanag mo sa akin paano, Ano ang dapat nating gawin upang paslangin ang mga hekadang askesa,” turan ni Ampyanah. Gumuhit ang ngiti sa labi ng Bathala. “Liwanag,” “Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Ampyanah sa kapatid niya. Tumango lamang ang Bathala at ngumiti rito. Tumingin siya sa malaking bitak na pader sa unahan ng bulwagan na may salamin. Nagyon lamang niya napansin na marami ang salamin sa palasyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD