???? ?? ????
"Jack, abutin mo nga yun." tinuro ko ang kwintas. "Ito ba?" tumango ako
"Jack pwede mo bang ikabit ang kwintas sa leeg ko." utos ng babae rito. "Sige." tinananggal niya ang lock ng kwintas. "Aba! Assuming kang babaita ka." bulong ko
Parang umakyat yata lahat ng dugo ko sa ulo ko. "Talagang pahawi hawi pa ng buhok, kalbuhin ko yang buhok mo." naikuyom ko ang kamay ko. "Di hamak na mas maganda ako kaysa sa kaniya." tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
Itinulak ko ang babae sa malayo at inaagaw ko ang dapat susuutin niya. Nginisihan ko ang babae at bineletan siya. "Shu! Alis." pantataboy ko
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" pumay awang ako at tinaasan ng kilay ang babae. "B-boyfriend ko siya, akin siya bawal makisawsaw." akma kong niyakap si Jack.
"Ano bang pinagsasabi mo?" bulong niya "Basta magpanggap ka na lang." agad siyang tumango at niyakap ako pabalik.
Parang malakas na kumabog ang puso ko pero hindi ko ito pinansin. Inisip ko kung paano mapapaalis ang babae.
"Edi kayo na." umirap ito bago umalis "Kami naman talaga—" naputol ang sinabi at tinignan ang inosenteng mukha niya.
"Hoy ikaw Jack." tinulak ko siya at kinausap ng masinsinan. "Hindi porque inutusan ka na ipasuot sa kaniya e, gagawin mo na lang." hindi ko mapigilan ang sarili ko na magalit sa kaniya.
"Inutusan niya ako e," mahinahong saad niya. "Tsk, bahala ka na nga diyan." hinawi ko ang buhok ko
"Hoy beshie." nagulat ako ng sumulpot sa harapan ko si Kate "Ay impaktitang luka-luka." inirapan niya na lamang ako.
"Maka empakta ka, anlayo sa pagiging maganda ko." lumakas na naman ang hangin. "Saan banda." komento ko.
"Dahil good mood ako, hindi kita babatukan." ngumiti siya na parang kinikilig. " Oh kape para mahimas- masan ka, baka antok lang yan." iniabot ko sa kaniya ang kape.
"Sabing hindi ako umiinom ng kape." kumunot ang noo niya "Oo nga pala." humigop ako ng kape.
"May sasabihin ako." pauna niya
"Ano naman?"
"Nakita ko na ata ang forever ko." hinawi niya ang gilid ng buhok niya na parang nagpapa-bebe "Sino naman?" humigop ulit ako ng mainit na kape"Yung dati kong kaklase na 'geek' halos mabilanukan ako
"Seryoso ka?" ibinaba ko ang kape sa lamesa. "Oo kailan ba ako nag biro sayo?" hindi maalis ang abot tenga niyang ngiti. "Geek? Talaga kaibigan ba talaga kita?" nayukot ang noo ko
"Maka-geek ka diyan, ikaw nga naeengkanto kana." ngumuso siya.
"Ano bang lamang lupa o dagat ang sinasabi mo?" naguguluhan tumingin sa kaniya. "Sirena." parang nagpaulit ulit ang salitang 'Sirena' sa isip ko. Kasabay no'n ang pagtingin ni Jack na parang sumeryoso ang mukha niya. "Ayos ka lang?" tinignan ko siya. "Huh?"
"Hakdog."
"Kanina ko pa nahuhuli na tinigtignan ka ni Jack." parehas kaming tumingin sa kaniya. "Umiwas siya ng titingin ka diba?" tumango na lang ako.
"It means na gagandahan siya sayo." wika niya "Hindi na imposible 'yon, sa ganda kong 'to tsk! wala silang binatbat." pagmamayabang ko.
Napansin kong may kwintas siya sa kaniyang leeg. Hindi siya mahilig sa mga luho pero sinuot niya ang isang magandang kwintas na ginawa ni Jack.
"Diba hindi ka mahilig sa kwintas?" hinawakan ko ito. "Kaganina ko pa balak na sabihin sayo tsk!" inagaw niya ang kwintas niya
"Ano nga kasi?"
"Eto na nagkita kami ni Kier." namula ang pisnge niya. "Wait.. Diba yun yung sinabi mo sakin na Crush mo nung High school pa tayo?" tumango siya at kinurot ako sa braso.
"Putcha! Kailangan ba talagang mangurot, nang-gigil ka e." napangiwi ako. "Hindi nga batok kurot naman." tinarayan ko siya.
"So ayun na nga, Grabe anlaki ng pinagbago niya."
"Tsk, tapos?" naiiritang tugon ko. Napalingon ako kay Jack na ngumingiti sa mga babae.
"Alam mo ba bigay niya itong kwintas sa'kin." pagmamayabang niya. "Eh anong pake ko." nakatanaw ang atensyon ko sa mga babaeng nag papapicture sa kaniya.
"Tapos ito pa mag de-date daw kami mamaya 6 pm." halos pulang pula na ang mukha niya. "Edi mag date kayo." umiling iling ako at umakyat ang dugo ko sa ulo dahil sa sinabi ng babaeng may bangs.
"Tapos alam mo ba sinabihan niya ako na gusto niya ako."
"EDI MAGSAMA KAYONG DALAWA, MAGPAKASAL PA KAYO E." nagulat ako ng batukan niya ako.
"Ano bang pinag sasabi mo kanina mo pa tinitignan si—ah kaya pala." napagawi siya ng tingin. "May pagka-malandi rin pala 'tong Jack na 'to." dagdag niya.
"Hindi ako makakapayag na ginagan'yan ka ng lalakeng yan." tumayo siya at sinugod si Jack. Hinawakan ko siya ng mahigpit sa laylayan ng kaniyang damit.
"Hayaan mo na lang siya." pilit kong ngumiti. "Sigurado ka?" malungkot siyang tumingin sa'kin.
"Oo sigurado na 'ko."
Umiiyak ako habang nasa kwarto, hindi ko alam kug bakit ako umiiyak. Alam kong walang kami para mag-selos ako ng ganito. Ilang beses akong sumisinghot at umuubo. Naririnig kong may kumakatok sa pinto. Mabilis akong nagtaklob ng kumot. Narinig ko ang pag sarado ng pinto dumungaw ako ng kaunti sa butas ng kumot.
"Vanelophie.." isang malamig na tinig ang narinig ko. "Bakit ka umalis?" narinig ko ang kaluskos niya at umupo siya sa tabi ko.
"Mali ka ng iniisip wala akong girlfriend tulad ng sinabi sa'kin ni Kate." nagtakip ako ng bibig. "Alam kong gising ka at pinakikinggan mo lang ako.." sarkastikong saad nito.
Wala na akong magawa kundi tanggalin ang tabon na kumot sa katawan ko. Dahan-dahan ko itong binaba hanggang sa mata.
"Sino si Monique?" tuluyan akong umupo at hinarap siya. "Nakita kita kasama mo siya ang sweet sweet niyo pa nga e." singhal ko at umirap ako.
"Ano bang pinag-sasabi mo?" nagkunot noo siya. "Denying ka pa e nakita ko na." nag pout ako.
"Si Monique ay isa ko lamang na kaibigan, walang namamagitan sa'ming dalawa." paliwanag niya
"Ah edi ako lang?" nagtaas baba ako ng kilay at nagkagat labi. "Anong sinasabi mong ikaw lang?" natatawang umiling ako.
"Secret!" humagikgik ako at akmang baba sa kama.
Ng biglang hilahin niya ang kamay kaya mabilis akong napahiga sa kama. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko ng sobrang higpit, kasabay nun ang pagkabog ng puso ko. Nasa ibabaw siya at ako ang nasa ilalim.
"Sabihin mo muna sa'kin yung sinabi mo kanina." nagpupumiglas ako at pilit na tanggalin ang kamay niya sa kamay ko. "Ano ba bitiwan mo nga ako." naiinis na tinignan siya.
"Hindi kita bibitiwan hangga't di mo sinasabi ang sinabi mo kanina." tinakpan ko bibig ko gamit ang kamay ko umiling iling ako. "Nalimutan ko na." tumawa ako pinakawalan niya ako kaya mabilis akong bumangon.
"Yes!" halos mapatalon ako sa sobrang saya. "Nakabawi rin ako, yes." halos natatawang saad ko.
Iniwan ko siyang parang nag iisip sa kawalan. Ang cute niya kapag seryoso ang mukha niya. Kinuha ko ang Cellphone ko at di-nial ko ang Number ni Enzo.
"Your number is cannot be reach please check a number and dial again.. Tut..tut..tut—" sumingkit ang mata ko. "Puntahan ko na lang kaya si Enzo sa Hospital." tumango tango ako.
꧁꧂
Kumatok muna ako ng maraming beses. "Please come in." ng marinig ko yun ay pumasok na ako. "Vanelophie?!" gulat na saad niya ng tanggalin ko ang mask ko.
"Akala ko pasyente! Hahaha." binaba niya ang ballpen sa lamesa. "Mukha ba akong may sakit?" tanong ko pabalik.
"Maiba ako, bakit ka nga pala nandito?" tumaas ang kaliwang kilay niya "Enzo normal pa ba 'to?" nakatalumbaba ako at ngumuso.
"What did you mean?" seryosong tumingin siya sa'kin. "Hindi ko maipaliwanag mababaliw na 'ata ako." ginulo ko ang buhok ko.
"Huh?"
"Paano ko malalaman ang sakit mo kung hindi mo maipaliwanag, paano ka gagaling?" ani Enzo
"E kasi sa tuwing makikita ko si Jack, palagi na lang bumibilis ang pag t***k ng puso ko.. Tapos, kapag may babaeng umaaligid sa kaniya umaakyat ang dugo ko sa ulo. Sana hindi malala ang sakit ko." nag face palm ako.
"Naku! sobrang lala ng sakit mo Vanelophie." tinatakot niya ako
"Gamutin mo ako Enzo." pag mamakaawa ko. "I have a diagnosis, Your inlove with him masyadong malala para sa normal na pasyente." natatawang tinignan niya ako.
"Makapangyarihan ang Pag ibig kapag tumibok ito hindi muna matatakasan ito." wika nito.
"Huh? Edi hindi na ako gagaling?" nanlulumo kong saad.
"Ang tanging makapag papagaling sayo ay si Jack mismo.."
HEAL ME JACK!!
"Paano kung mamatay ako? Paano kung? Paano.."
????????
Hindi ako mapakali lakad doon lakad dto ang ginagawa ko.
"Kapag hindi ko siya nakikita hindi lumalakas ang pag t***k ng puso ko, pero kapag nandiyan siya.." nahawi ang tingin ko sa panyo na nasa lamesa
"Alam ko na." ngumisi ako
"Vanelophie." nabingi ako ng marinig ko na naman boses ni Jack. Mabilis kong piniring sa mata ko ang panyo. "P-pasok." umupo ako nagkukunwaring magbasa ng libro.
Ang narinig ko lamang ay ang paghinga niya.
"Bakit ka nakapiring?" anas niyang tanong. "W-wala lang gusto ko lang." nagulat ako agawin niya sa'kin ang libro.
"Hindi ka makapag-babasa na balikatad ang hawak mo sa libro." napaigtad ako ng hawakan niya ang kamay ko at ilagay sa kamay ko ang libro.
Ayan na naman ang puso ko lumalakas na naman ang pag t***k. Please heart act normal. Hindi ako makahinga!
"Tyaka hindi ka makapag babasa ng may piring sa mata mo." akma niyang tatanggalin ang piring ko ng mabilis akong umikot at tumayo natulak ko siya pero mabilis siyang kumapit sa kamay ko kaya na out of balance kaming dalawa.
Parehas kaming natumba sa sahig. Nasa ibabaw ako at nasa ilalim siya Parang nag slow motion ang lahat at dahang-dahan natanggal ang piring sa mata ko.
*lab dub *lab dub*
Act normal... s**t! bakit hindi ko magawa?
Ilang segundong nagtama ang paningin naming dalawa. Iniiwasan kong tumingin sa kaniyang labi pero sobrang mapanukso nito. Lumapit ako ng dahan dahan pero bago pa man ako makalapit ay minulat ko ng kaunti ang kaliwang mata ko. Nagulat ako ng wala na siya sa ilalim ko. Agad akong napatayo at lumingon sa likod.
Paanong? Napunta siya sa likuran ko ng hindi ko namamalayan?
"Ngayon pwede ka ng magbasa ng libro ng walang piring, walang sagabal." ngumisi siya at umalis.
Nagkusot pa ako ng mata at umiling iling. "Gawain ba 'yon ng normal na tao? O sadyang baliw lang ako." puro tanong ang nasa-isip ko.
Kumuha ako Float sa refrigerator dahil sa sobrang init aatakihin 'ata ako ng heat stroke. Actually nandito ako sa 7/11 kung saan nagta-trabaho si Jerome. Speaking of him nagkabati na kami. Nangako siyang hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kaniya. Alam kong masakit para sa kaniya ang mga binitawan kong salita. Pero anong magagawa ko kung iba naman ang tinitibok nitong aking puso.
"Napadaan ka pala dito, sakto at launch break ko." umupo siya bago ngumiti. "Kamusta?" kumuha siya ng tatlong fries at kinain niya ito.
"Eto ayos lang." humigop ako ng kaunti at tumingin sa kaniya. "Sure ka? E bakit ganyan ang mukha mo?" kunot noo niyang tanong.
"Sa pag-aalala ko hindi gan'yan ang nakilala kong Vanelophie Cruz dati." tumawa siya. "Talagang binuo mo pa talaga ang pangalan ko." angil ko
"Mas maganda na yung buo kaysa kulang." pamimilosopo niya. "E, kung batukan kaya kita?" banta ko
"Joke lang lang di ka naman mabiro." tumawa ulit siya. "Alam ko kung bakit ka pumunta dito, may problema ka 'no?" akusa niya kaya nabulunan ako. Mabilis siyang kumuha ng tubig at iniabot sa'kin
Paano niya nalaman?
"Salamat." napapapikit ako habang iniinom ang tubig. "May problema ka kaya, sabihin mo sa'kin baka matulungan kita." mahinahon niyang saad.
Kung alam mo lang talaga Jerome..
"Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin?" bumilog ang mata ko ng malaman niya ang iniisip ko.
"Paano mo nababasa ang iniisip ko?" nagkunot noo ako.
"Naturingan kitang kaibigan ko pero hindi mo alam ang buong pagkatao ko." nagbuga siya ng mainit na hangin "Hindi ako interesado sa buhay ng iba, hindi ko naman kailangan pag aralan ang lahat ng detalye sa buhay mo." sinsiryong saad ko.
Naturingan akong masiyahin at sobrang daldal pero hindi ako interesado sa anong bagay lalo pa sa buhay ng iba, bakit ko sila papakealaman? Hindi naman ako si PSA tsk!tsk!
"Aww! tagos sa puso ah." hinawakan niya pa dibdib niya para maging totoo. "Ganito ba talaga kayong mga lalake mapanaket?" wala sa wisyong wika ko.
"Hindi naman lahat, bakit na try mo na ba kaming lahat?" nag-angat ako ng kaliwang labi. "May point ka diyan." sang ayon ko.
"Nakakainis lang kasi, sinasabihan niyo kaming paasa. Kasalanan ba naming maging gwapo kami?" hinawi niya ang kaniyang buhok at kinindatan niya ako. "Eww, Gwapo ka? Saan banda?" tumawa ako sa huli.
Kahit kailan talaga si Jerome sobrang lakas kasi ng hangin niya. Mapapairap ka na lang talaga kapag kausap mo siya.
"Sabi ng mga magulang ko, tyaka gwapo naman talaga ako hindi nga lang nakikita ng iba." humagalpak siya ng tawa at hinawakan niya ang kaniyang tiyan. "In your dreams!" angil ko
Pumunta ako malapit sa dagat sa dis-oras ng gabi. Gusto ko lang ng sariwang hangin at gusto kong mapag-isa. Naguguluhan na ako simula ng dumating sa buhay ko si Jack. Palagi na lang akong may tanong na bakit?.. Kapag nakikita ko siya at isa pa ay kung bakit kakaiba ang kinikilos niya naiisip ko na nga lang na baka hindi siya isang tao. Tulad ng nababasa ko sa mga Libro. Baka isa siyang anghel dahil gawain ng anghel ang pagiging mabait at maamong inosente ang mukha. O 'di kaya isang Sirena dahil mabilis siyang makahanap ng patay na kabibe.
"Hindi naman siguro."
"Ano ba ang pinag iisip mo? Hindi totoo ang Fiction na nababasa mo sa libro." sita ko sa isip ko. "Paano kung hindi talaga tao si Jack? At isa siyang sirena o anupa mang lamang imortal, tatanggapin mo parin siya walang hindi." natigilan ako ng sunod sunod na kaluskos ang narinig ko.
Mabilis akong napalingon at hinahanap kung saan nag mumula ang tunog na 'yon. Pero wala naman akong makita kaya nag kibit balikat na lamang ako.
Ng biglang..M-may kumapit sa balikat ko "Putang.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng humiga ito sa harapan ko. "Hoy Vanelophie *hik!" hinawi ko ang manipis niyang buhok at nakita ko ang mukha ni Kate na sobrang pula.
"Ano bang nangyari sayo? Amoy alak ka ah." angil ko ngumisi lang ito sa'kin. "Ang sakit Vanel.. Ang sakit masaktan." umiyak siya pagkatapos niya sabihin ang huling linya.
"Sinong may gawa nito sayo?" kunot noong tanong ko "Basta ayoko ng mag mahal hik! pare-parehas silang mga lalake hik! magaling lang sila sa una. Sa huli sasaktan ka lang nila hik!" niyakap niya ako at iniyakan.
"Akala ko siya na ang Forever ko, hindi naman pala meron na pala siya." parang batang umiiyak ito kaya pinatahan ko ito at hinahaplos ang likod niya. "Ilabas mo lang ang sama ng loob mo." nilakasan niya pa ang pag iyak.
"Sinaktan ako ni Kier." hinigpitan niya ang pagkaka-yakap sa'kin. "Ano reresbakan ko na, masasapak ko yon e, sino siya para paiyakin ka?" naiinis kong tinignan ang dagat.
"H'wag lang talagang magpapakita siya sa'kin at itim ang dalawa niyang mata." banta ko
Hindi ko mapapalampas na saktan ang kaibigan ko. Lalo na kapag umiyak siya, tsk! Ngayon lang umiyak si Kate ng ganito ka seryoso. Nasabi ko na lang tuloy sa sarili ko na
"Talo ka pala kapag marupok ka."
Hindi na ako nakapagtimpi dahil naririndi ako sa malakas na pag iyak ni Kate. Para siyang makabubulahaw ng ibang residente sa lugar na'to kung nagkataon baka idemanda kami ng wala sa oras. Tumayo na ako at galit na susugudin ang bahay ni Kier.
"Teka paano ko nga pala masusugod kung hindi ko alam ang bahay ni Kier." napalitan tuloy ng tawa ang pag iyak niya. "Ay tanga!" pinunasan niya ang luha niya sa pisnge at hinarap ako.
"Pumunta ka nga rito, payakap nga ulit." mabilis ko naman siyang niyakap. "Sinabihan ko na siya ng masasakit na salita kaya bahala na siya sa buhay niya." nakita ko ang pag ikot niya ng kaniyang mata. Halatang naiinis siya kay Kier.
"Good, that's my friend." tawa tawang inapiran siya. "Syempre kailangan nating lumandi, hindi tumatanda ang puso pero ang matres MESES! oo."
Napahinto kaming dalawa ng biglang nangintab ang tubig sa dagat naging isang kulay asul. At isang nangingintab na malaking buntot ng isda kaming nakita sa dagat, Kaya mabilis kaming nagtago sa malaking bato at pinanoorin ito.
Halos mangatog ang tuhod namin ng biglang humampas ang malaking buntot nito sa tubig tanda para kaming dalawa ay mapasigaw sa sobrang lamig ng tubig.
"Waaaah!" sigaw naming dalawa
"M-may, ano 'yun?"