KABANATA XXV

3357 Words
???????? Hindi ako mapakali lakad doon lakad dto ang ginagawa ko. "Kapag hindi ko siya nakikita hindi lumalakas ang pag t***k ng puso ko, pero kapag nandiyan siya.." nahawi ang tingin ko sa panyo na nasa lamesa "Alam ko na." ngumisi ako "Vanelophie." nabingi ako ng marinig ko na naman boses ni Jack. Mabilis kong piniring sa mata ko ang panyo. "P-pasok." umupo ako nagkukunwaring magbasa ng libro. Ang narinig ko lamang ay ang paghinga niya. "Bakit ka nakapiring?" anas niyang tanong. "W-wala lang gusto ko lang." nagulat ako agawin niya sa'kin ang libro. "Hindi ka makapag-babasa na balikatad ang hawak mo sa libro." napaigtad ako ng hawakan niya ang kamay ko at ilagay sa kamay ko ang libro. Ayan na naman ang puso ko lumalakas na naman ang pag t***k. Please heart act normal. Hindi ako makahinga! "Tyaka hindi ka makapag babasa ng may piring sa mata mo." akma niyang tatanggalin ang piring ko ng mabilis akong umikot at tumayo natulak ko siya pero mabilis siyang kumapit sa kamay ko kaya na out of balance kaming dalawa. Parehas kaming natumba sa sahig. Nasa ibabaw ako at nasa ilalim siya Parang nag slow motion ang lahat at dahang-dahan natanggal ang piring sa mata ko. *lab dub *lab dub* Act normal... s**t! bakit hindi ko magawa? Ilang segundong nagtama ang paningin naming dalawa. Iniiwasan kong tumingin sa kaniyang labi pero sobrang mapanukso nito. Lumapit ako ng dahan dahan pero bago pa man ako makalapit ay minulat ko ng kaunti ang kaliwang mata ko. Nagulat ako ng wala na siya sa ilalim ko. Agad akong napatayo at lumingon sa likod. Paanong? Napunta siya sa likuran ko ng hindi ko namamalayan? "Ngayon pwede ka ng magbasa ng libro ng walang piring, walang sagabal." ngumisi siya at umalis. Nagkusot pa ako ng mata at umiling iling. "Gawain ba 'yon ng normal na tao? O sadyang baliw lang ako." puro tanong ang nasa-isip ko. Kumuha ako Float sa refrigerator dahil sa sobrang init aatakihin 'ata ako ng heat stroke. Actually nandito ako sa 7/11 kung saan nagta-trabaho si Jerome. Speaking of him nagkabati na kami. Nangako siyang hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kaniya. Alam kong masakit para sa kaniya ang mga binitawan kong salita. Pero anong magagawa ko kung iba naman ang tinitibok nitong aking puso. "Napadaan ka pala dito, sakto at launch break ko." umupo siya bago ngumiti. "Kamusta?" kumuha siya ng tatlong fries at kinain niya ito. "Eto ayos lang." humigop ako ng kaunti at tumingin sa kaniya. "Sure ka? E bakit ganyan ang mukha mo?" kunot noo niyang tanong. "Sa pag-aalala ko hindi gan'yan ang nakilala kong Vanelophie Cruz dati." tumawa siya. "Talagang binuo mo pa talaga ang pangalan ko." angil ko "Mas maganda na yung buo kaysa kulang." pamimilosopo niya. "E, kung batukan kaya kita?" banta ko "Joke lang lang di ka naman mabiro." tumawa ulit siya. "Alam ko kung bakit ka pumunta dito, may problema ka 'no?" akusa niya kaya nabulunan ako. Mabilis siyang kumuha ng tubig at iniabot sa'kin Paano niya nalaman? "Salamat." napapapikit ako habang iniinom ang tubig. "May problema ka kaya, sabihin mo sa'kin baka matulungan kita." mahinahon niyang saad. Kung alam mo lang talaga Jerome.. "Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin?" bumilog ang mata ko ng malaman niya ang iniisip ko. "Paano mo nababasa ang iniisip ko?" nagkunot noo ako. "Naturingan kitang kaibigan ko pero hindi mo alam ang buong pagkatao ko." nagbuga siya ng mainit na hangin "Hindi ako interesado sa buhay ng iba, hindi ko naman kailangan pag aralan ang lahat ng detalye sa buhay mo." sinsiryong saad ko. Naturingan akong masiyahin at sobrang daldal pero hindi ako interesado sa anong bagay lalo pa sa buhay ng iba, bakit ko sila papakealaman? Hindi naman ako si PSA tsk!tsk! "Aww! tagos sa puso ah." hinawakan niya pa dibdib niya para maging totoo. "Ganito ba talaga kayong mga lalake mapanaket?" wala sa wisyong wika ko. "Hindi naman lahat, bakit na try mo na ba kaming lahat?" nag-angat ako ng kaliwang labi. "May point ka diyan." sang ayon ko. "Nakakainis lang kasi, sinasabihan niyo kaming paasa. Kasalanan ba naming maging gwapo kami?" hinawi niya ang kaniyang buhok at kinindatan niya ako. "Eww, Gwapo ka? Saan banda?" tumawa ako sa huli. Kahit kailan talaga si Jerome sobrang lakas kasi ng hangin niya. Mapapairap ka na lang talaga kapag kausap mo siya. "Sabi ng mga magulang ko, tyaka gwapo naman talaga ako hindi nga lang nakikita ng iba." humagalpak siya ng tawa at hinawakan niya ang kaniyang tiyan. "In your dreams!" angil ko Pumunta ako malapit sa dagat sa dis-oras ng gabi. Gusto ko lang ng sariwang hangin at gusto kong mapag-isa. Naguguluhan na ako simula ng dumating sa buhay ko si Jack. Palagi na lang akong may tanong na bakit?.. Kapag nakikita ko siya at isa pa ay kung bakit kakaiba ang kinikilos niya naiisip ko na nga lang na baka hindi siya isang tao. Tulad ng nababasa ko sa mga Libro. Baka isa siyang anghel dahil gawain ng anghel ang pagiging mabait at maamong inosente ang mukha. O 'di kaya isang Sirena dahil mabilis siyang makahanap ng patay na kabibe. "Hindi naman siguro." "Ano ba ang pinag iisip mo? Hindi totoo ang Fiction na nababasa mo sa libro." sita ko sa isip ko. "Paano kung hindi talaga tao si Jack? At isa siyang sirena o anupa mang lamang imortal, tatanggapin mo parin siya walang hindi." natigilan ako ng sunod sunod na kaluskos ang narinig ko. Mabilis akong napalingon at hinahanap kung saan nag mumula ang tunog na 'yon. Pero wala naman akong makita kaya nag kibit balikat na lamang ako. Ng biglang..M-may kumapit sa balikat ko "Putang.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng humiga ito sa harapan ko. "Hoy Vanelophie *hik!" hinawi ko ang manipis niyang buhok at nakita ko ang mukha ni Kate na sobrang pula. "Ano bang nangyari sayo? Amoy alak ka ah." angil ko ngumisi lang ito sa'kin. "Ang sakit Vanel.. Ang sakit masaktan." umiyak siya pagkatapos niya sabihin ang huling linya. "Sinong may gawa nito sayo?" kunot noong tanong ko "Basta ayoko ng mag mahal hik! pare-parehas silang mga lalake hik! magaling lang sila sa una. Sa huli sasaktan ka lang nila hik!" niyakap niya ako at iniyakan. "Akala ko siya na ang Forever ko, hindi naman pala meron na pala siya." parang batang umiiyak ito kaya pinatahan ko ito at hinahaplos ang likod niya. "Ilabas mo lang ang sama ng loob mo." nilakasan niya pa ang pag iyak. "Sinaktan ako ni Kier." hinigpitan niya ang pagkaka-yakap sa'kin. "Ano reresbakan ko na, masasapak ko yon e, sino siya para paiyakin ka?" naiinis kong tinignan ang dagat. "H'wag lang talagang magpapakita siya sa'kin at itim ang dalawa niyang mata." banta ko Hindi ko mapapalampas na saktan ang kaibigan ko. Lalo na kapag umiyak siya, tsk! Ngayon lang umiyak si Kate ng ganito ka seryoso. Nasabi ko na lang tuloy sa sarili ko na "Talo ka pala kapag marupok ka." Hindi na ako nakapagtimpi dahil naririndi ako sa malakas na pag iyak ni Kate. Para siyang makabubulahaw ng ibang residente sa lugar na'to kung nagkataon baka idemanda kami ng wala sa oras. Tumayo na ako at galit na susugudin ang bahay ni Kier. "Teka paano ko nga pala masusugod kung hindi ko alam ang bahay ni Kier." napalitan tuloy ng tawa ang pag iyak niya. "Ay tanga!" pinunasan niya ang luha niya sa pisnge at hinarap ako. "Pumunta ka nga rito, payakap nga ulit." mabilis ko naman siyang niyakap. "Sinabihan ko na siya ng masasakit na salita kaya bahala na siya sa buhay niya." nakita ko ang pag ikot niya ng kaniyang mata. Halatang naiinis siya kay Kier. "Good, that's my friend." tawa tawang inapiran siya. "Syempre kailangan nating lumandi, hindi tumatanda ang puso pero ang matres MESES! oo." Napahinto kaming dalawa ng biglang nangintab ang tubig sa dagat naging isang kulay asul. At isang nangingintab na malaking buntot ng isda kaming nakita sa dagat, Kaya mabilis kaming nagtago sa malaking bato at pinanoorin ito. Halos mangatog ang tuhod namin ng biglang humampas ang malaking buntot nito sa tubig tanda para kaming dalawa ay mapasigaw sa sobrang lamig ng tubig. "Waaaah!" sigaw naming dalawa "M-may, ano 'yun?" ???????????♡︎ Kate's Pov I wear my white dress, applied make up on my face, put red lipstick on their. Spray everywhere! This perfume makes me more confident. I see my reflection in mirror. I look gorgeous and presentable. Be a simple but in a cool way! See you, in Resto Hindi maalis ang ngiti ko sa isang sticky note na nakadikit sa lamesa. "This is it tinapa, magkaka boyfriend kana sa wakas." umikot pa ako at tinignan ang repleksyon sa salamin. "You look gorgeous Ms. Wellux." nagulat ako ng tumikhim ang lalake sa pintuan—si Kier "Sus, h'wag mo nga akong bolahin." "Totoo naman ang sinasabi ko." "H'wag ako maraming babae diyan na mas maganda kaysa sa'kin." "But in my eyes you was the prettiest women in the world." nagkasabay naman ang kilay ko at nilingon siya. "Seryoso ka? Nand'yan si Catriona—" "I don't care basta ikaw ang maganda sa paningin ko." Sure ka patawa ka din E 'no? "Annyeonghasayo, Welcome to our Koki Restaurant." tumungo ang dalawang receptionist. Ano raw P*ki? "Ang sagwa ng pangalan ng Restaurant." bulong ko, hindi ko inaasahang tatawa siya ng malakas sa sinabi ko. "Anong tinatawa-tawa mo diyan?" maangas na tanong ko. "Koki is meat in korea not Puk—" tinakpan ko ang bibig niya gamit ang hintuturo ko. "Wag munang ituloy lalong masagwa, Maraming nakakarinig." parehas kaming tumingin sa paligid. Ang sagwa kasi ng pangalan! "Mianhanhamnida." tumungo siya na parang mababali ang kaniyang buto kaya gumaya narin ako. Mian? Ano raw? "Ano yung sinabi mo sa kanila." maang na kinuha ang isang toothpick sa bilog. "Nag sorry ako sa kanila." mabilis niyang saad. May tinga pa 'ata ang ngipin ko. "May nakilala ako." pauna niya agad ko naman siyang nilingon "Sino?" walang emosyon kong sagot. "Ngayon lang ako nakakita ng babaeng hindi nahihiyang gumamit ng toothpick sa harap ng maraming tao." tinitigan niya ako Wag mo akong titigan ng gan'yan baka mahalikan kita ng wala sa oras. "Ano bang pagkain sa Restaurant na'to." kinuha ko sa kaniya ang binabasa niyang brosure. "Ano ba'tong sulat nila? Ching chong!" natawa siya sa sinabi ko. Korean five star restaurant nga diba? "Waiter." itinaas niya ang kamay niya sa ere. Kaya mabilis na lumapit ang singkit na babae na sobrang puti. Anong brand ng sabon mo 'te? Myra o Luxxe White? "Ne, Anneyeonghaseyo." tumungo ang babae na tanda ng pag galang (Yes, Hello) "Yeong-eo halsu isseoyo?" mabilis na saad ni Kier. (Can you speak in English?) Ano raw? "Aniyo." umiling ang babae (No) Pusang gala ma a-out of this country ako rito. "Yeong-eolo deon menyupan isseoyo?" presentable at ang cool tignan ni Kier sa t'wing magsasalita siya ng korean. (Do you have a menu in english?) Dudugo na ang ilong ko!! "Ito po Sir," nagkasalubong ang kilay ko. Marunong ka naman palang magtagalog pinapahirapan mo pa kami! "Hoy ikaw." "Ako po?" tinuro niya ang sarili niya bago nilingon ako. "Yes,you." mataray na sagot ko. "Bakit po?" anas na tanong niya "Marunong ka naman palang mag-tagalog kami'y pinapahirapan mo pa ala eh," tumayo ako at tinignan ang mukha niya bago sa mata. "What's wrong?" "Nag aaway siguro mali ang ibinigay na recipe." "Siguro nga!" Naririnig ko ang bulungan ng iba at pinalagpas ko na lang ito sa kabilang tenga. "Please stop it, Kate." pampipigil sa'kin ni Kier. "Mianhanhamnida." tumungo ang babae sa lahat ng kumakain. "Mis, sa susunod kung hindi ka sana'y mag korean mag tagalog ka na lang pinapahirapan mo lang sarili mo." bulong niya sa Waitress "Pasensiya na po talaga Ma'am..Sir." nahihiyang bumalik siya sa loob ng kusina. "Hayaan muna lang 'yon konting pagkakamali lang naman, umarte na lang tayo na parang walang nangyari." suhest'yon niya Act normal Kate! "May special Ramen sila rito with mebda koki." sinamaan ko siya ng tingin. "Oh! Nand'yan ka na naman sa pag sasabi mo ng bastos na word." Ang sagwa kasi iba ang naririnig ko. "Sorry nasanay kasi ako mag korean." nag V sign siya "Tsk! Kumain na nga lang tayo—" naputol ang sinabi ko ng makita ko ang dalawang bagay na pahaba. Kinuha ko ito at pinakita sa kaniya. "Ano 'to?" hindi ko maiwasang tignan ang ang hawak ko. "Chopsticks yan." nginuso niya ang hawak ko. Chopsticks para saan 'to? "Saan 'to ginagamit pang tusok ba'to ng sabaw?" ibinaba ko sa lamesa ang 'Chopstick' na sinasabi niya. Sige Kate isipin mo paano matutusok ang sabaw! "Ginagamit ito.." marahas niyang kinuha ang Chopsticks "Akin na 'yang kamay mo." utos niya, nanlaki naman ang mata ko. Ano ka pa chansing ka Ah? Hokage!! Dahan dahan niyang kinapitan ang kamay ko bago lagyan ng Chopstick. (ᗒᗣᗕ)՞ Kailangan ba talaga ganito ang gawin? Pwede namang kutsara at tinidor o kaya kamay. "Hindi ako sanay kumain ng ganito." nahihiyang tinignan siya. "Nga nga!" "Kaya ko na—" "Hindi naman ako bata para subuan." "Nga nga." "Ano Masarap ba?" "Gatas ah—" "Ang anghang." napasipol ako sa sobrang anghang samantalang tinatawanan naman niya ako. "Hahahahaha!" "ANG ANGHANG!" hindi parin siya tumigil sa pagtawa kaya binatukan ko ito. "Sorry, haha!" Iniabot niya sa'kin ang gatas na nasa gilid niya. "Papatayin mo 'ata ako sa anghang na hinayupak na noodle na 'yan." halos hindi ko na alam ang ekspresyon ko sa sobrang anghang. "Ay mali, naibigay ko sa'yo ang maanghang." kinagat kagat ko ang dila ko sa sobrang anghang. Piste! "M-meron ba silang piniritong lechon'g kawali?" request ko Sana meron sila..Ayokong mag tiis ng noodle na sobrang anghang, chopstick na 'di naman ako maalam. "Waiter!" "Salamat nga pala sa dinner huh." hinawakan ko ang t'yan ko na busog na busog. "Wala 'yon." sumilay ang maganda niyang ngiti. "Sir here's your Car." inilahad ng lalake ang kaniyang kamay papunta sa kotse. Nanlaki ang mata ko ng umilaw ang puting Sports Car. "Let's go!" "Teka sayo ba 'yan?" dinuro ko ang kotse "Oo." mabilis na sagot niya "Kung 'di mo mamasamain huh ano nga pala ang trabaho mo?" maang na nilingon niya ako at ngumisi. Ibinigay niya ang Card niya ang binasa ko ito. Licence Civil Engineering Executive organization. CEO Kier Dome Luxxielier. "P-paano ka?" "Because of you, your my inspiration..Saranghe.." hinawakan niya ang baba ko at dahan dahang iniangat ito. Lumalapit siya... Papalapit.. Ng papalapit.. Act normal. Mariin akong pumumikit, at hinawakan ko ang damit ko. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko parang lalabas. Hahalikan niya ako.. (ᗒᗣᗕ)՞ "Let's go!" natauhan ako sa sinabi niya "H-huh?" naguguluhan akong tumingin sa kaniya. Seryoso ka? Hindi mo ako hahalikan? Nasa labas kaming dalawa ng isang malaking Building. Luxxielleir Company.. "H'wag kang ma-mangha kulang pa yan." angil niya. "Seryoso ka?" napaawang ang labi ko. "Hello Sir." bati ng babae sobrang gulo ng buhok. Papunta siya sa Comfort room. "Teka parang kilala ko yon ah." nilingon ko pa sa likod ang babae. Familiar siya. "Siya si Althea, kaklase natin siya dati, dito siya nag ta-trabaho bilang operator." natulala ako sa sinabi niya. Operator? "Diba siya ang Zuma c*m laude natin?" maang na nilingon ulit ang babae. "Oo, hindi ko nga inaasahan na dito siya papasok nagmamakaawa siya noon na tanggapin ko." bulong niya Bakit? "Paano?" "Bali-balita dito na maaga siyang kumarengkeng, napansin mo nung graduation dati. Diba ang laki ng tiyan niya? Sabi ng iba nagpa-buntis sa tambay." napatakip ako ng bibig. Seriously? "Napapansin ko na maraming tumitingin sa ating dalawa at hindi lang 'yan, maraming akong namumukhaan." ngumiti ako sa lahat ng kumakaway sa'kin. Something fishy familiar.. "Kilala mo silang lahat." "Huh?" "Sila ang nam-bubully sa'kin dati." "Teka si Callix 'yun diba?" tinuro ko ang lalake na nag pupunas ng sahig. "Oo siya ang janitor dito." Bumabaliktad nga talaga ang mundo kung sino pa yung kawawa at mahirap noon siya pa ang ginagalang ngayon. "Galit ka parin ba sa kanila?" tanong ko. "Bakit naman ako magtatanim ng sama ng loob sa kanila. Tao lang din naman silang nagkakamali." tumingin siya sa malayo bago tignan ako. "Babe." nanlaki ang mata ko nang yumakap ang babae sa kaniya si Sabrina ang nakaaway ko dati. Nakasuot siya ng maiksi na itim na palda na kapag yumuko siya ay makikita ang kaniyang dark side(singit) Slim ang bewang niya at matangkad straight ang buhok. May matangos siyang ilong. At sobrang pula ng labi. Kulang na lang sa kaniya ang nunal na bilog sa noo na kulay pula para maging siopao. Tsk! "Ow! Hi sino siya babe?" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "K-kate, Sabrina, Sabrina this is Kate." May girlfriend na siya? "H-hi!" utal kong saad. "Nice to meet you." niyakap niya ako. Mahinang tinulak ko siya. Dapat nilakasan muna! "Babe, kumain kana?" malanding tanong niya at kumagat labi. Ouch! Ang saklap! "Pupunta lang muna ako sa CR." pamamaalam ko tinignan ako ni Kier. Your liar! "Teka sumabay kana sa'ming kumain." nilingon ko siya at mabilis na umiling. "Hindi na kayo na lang.." Habang papalayo ako sa kanila unti unting nag init ang sulok ng mga mata ko. "Kaya mo 'to Kate Wellux hindi ka iiyak sa lalake dahil sinaktan ka ni—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng tumulo ang masaganang luha ko. "Bakit ka umiiyak? Dapat pa nga matuwa ka sa kanila kasi meron na siyang girlfriend." kinausap ko ang repleksiyon ko sa salamin. ꧁꧂ Nag pasuray suray ako sa daan habang hawak hawak ang wine na binili ko sa bar. "Mga hayop kayong mga lalake kayo, matapos niyo kaming pakiligin, sasaktan niyo lang kami." bahagya kong itinaas ang bote sa ere. "Tara inuman pa tayo!" sigaw ko habang naduduling ang paningin ko. "Kier..Nakakainis ka." nilagok ko ang alak at tinapon ito sa malayo. Napapikit pikit ako at suminok ng makita ko ang babae na nasa isang bench. "Si Vanel—" naputol ang sinabi ko ng mauntog ang ulo ko sa poste. "Aughh!" hinaplos ko ang noo ko "Alam mo *hik! Isa ka din pinaparusahan mo ako huh!" sinuntok ko ang poste. "Aray!" namimilipit ako sa sobrang sakit. "Bad ka!" dinuro duro ko ang poste "Ano ba ang pinag iisip mo? Hindi totoo ang Fiction na nababasa mo sa libro." "Paano kung hindi talaga tao si Jack? At isa siyang sirena o anupa mang lamang imortal, tatanggapin mo parin siya walang hindi." natawa ako sa sinabi niya ng biglang matilapon ako sa d**o. Piste! Kumapit ako sa balikat niya "Putang.." hindi niya naituloy ang pag mumura niya at ngumisi ako bago napahiga sa kaniya. "Hoy Vanelophie *hik!" hinawi niya ang manipis kong buhok. "Ano bang nangyari sayo? Amoy alak ka ah." angil niya ngumisi lang ako sa kaniya. "Ang sakit Vanel.. Ang sakit masaktan." umiyak ako na parang bata "Sinong may gawa nito sayo?" "Basta ayoko ng mag mahal hik! pare-parehas silang mga lalake hik! magaling lang sila sa una. Sa huli sasaktan ka lang nila hik!" niyakap niya ko siya at iniyakan. "Akala ko siya na ang Forever ko, hindi naman pala meron na pala siya." "Ilabas mo lang ang sama ng loob mo." "Sinaktan ako ni Kier." "Ano reresbakan ko na, masasapak ko yon e, sino siya para paiyakin ka?" naiinis niyang tinignan ang dagat. "H'wag lang talagang magpapakit siya sa'kin at itim ang dalawa niyang mata." banta niya "Teka paano ko nga pala masusugod kung hindi ko alam ang bahay ni Kier." napalitan tuloy ng tawa ang pag iyak ko. "Ay tanga!" pinunasan niya ang luha ko sa pisnge. "Pumunta ka nga rito, payakap nga ulit." "Sinabihan ko na siya ng masasakit na salita kaya bahala na siya sa buhay niya." Pero hindi naman talaga "Good, that's my friend." "Syempre kailangan nating lumandi, hindi tumatanda ang puso pero ang matres MESES! oo." Napahinto kaming dalawa ng biglang nangintab ang tubig sa dagat naging isang kulay asul. At isang nangingintab na malaking buntok ng isda kaming nakita sa dagat, Kaya mabilis kaming nagtago sa malaking bato at pinanoorin ito. Halos mangatog ang tuhod namin ng biglang humampas ang malaking buntot nito sa tubig tanda para kaming dalawa ay mapasigaw sa sobrang lamig ng tubig. "Waaaah!" sigaw naming dalawa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD