[Kisha's POV] Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon yung pagtatapat ni Ranz. Bakit pa kasi may nagkagusto sa akin at dalawa pa. Sana isa na lang. Ayoko naman kasing may masaktan akong ibang tao at mas lalo na kaibigan ko, dahil lang sa pagmamahal may masasaktan ako? Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Hinayaan ko lang ito dumaloy sa pisngi ko. Sana talaga hindi na lang nabuo ang salitang pag-ibig. Wala sanang taong masasaktan. Sinisisi ko nga sarili ko kung bakit pa kasi ako nabuhay sa mundong ito! "Kisha?" agad ko naman pinunasan ang luha ko at tinignan kung sino. "Umiiyak ka ba?" tanong ni Ranz sa akin at umiling naman ako. Naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko. Nakatingin lang ako sakaniya samantala siya ay nakatingin sa malayo. Huminga naman siya ng malalim bago nagsalita

