[Ranz's POV] Dumating na ang araw ng paglilibot namin sa buong pilipinas. Sama-sama kaming ibabalik sa dati ang lahat. Hindi man namin maibalik ang lahat sa kung ano sila dati. Ang pamumuhay nila ay mababago. "Ranz, tulungan mo kami andae nila!" naalala kong nasa truck pala kami ng sundalo ngayon. Apat lang kaming nila Tasha, Kisha at Rhaniel ang nasa truck ngayon at yung iba naman naming kaibigan ay nasa kabilang truck. Napatingin naman ako sa harapan ko. Madami nga yung mga Zombie at kumpol-kumpol ang mga ito. Kinasa ko na yung baril na imbensiyon ni Dr. Jayr at tinutok ito sa mga zombie na nasa harapan namin. Agad-agad naman itong nagsibalikan sa dati nilang itsura.Mga sugat at kagat nito sa bawat parte ng katawan ay kusang gumaling. Mapapaisip ka na lang kung may mahika ba na lumal

