[Tasha's POV] Napamulat naman ako ng mga mata ko ng maramdaman ko yung sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Napaupo naman ako sa gilid ng kama ko. Nakita ko naman na mahimbing pangnatutulog sila Kisha, Shiela at Angela. Napansin ko naman na tila ba naaalala ko na yung nangyare sa akin mula sa kampo hanggang sa makagat ako ng Zombie. "Oh. Tasha gising ka na pala." napatingin naman ako sa nagsalita si Shiela. Nginitian ko naman ito. "Goodmorning Shiela!" pagbati ko dito. Na siyang ikinagulat niya. "Tasha?" Napalingon naman ako sa nagsalita. "Goodmorning bes." pagbati ko dito. Ngumiti naman ito sa akin. "Nakakaalala ka na Tasha?" tanong ni Kisha, tumango naman ako. Napatayo naman ito sa kama niya at linapitan ako. Naramdaman ko naman yung mahigpit niyang yakap sa akin. Kaya naman

