[Marc's POV] Ano ba yung sinasabi nilang totoo? Yung nararamdaman ko ba? Kahit ako minsan di ko na rin maintindihan sarili ko. Na sana hindi na lang ako nagkagusto. Nagkagusto nga ba ako? Nakakagulo haiyst... habang naglalakad ako papunta sa silid namin. Nakita ko si Kisha, naglalakad papunta sa direksiyon ko. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa malagpasan niya ako. napatigil naman ako sa paglalakad at lumingon naman ako sa likuran ko. Kakausapin ko ba siya o hindi??? Bahala na nga. "Uhm. Kisha?" pagtawag ko dito. Napatigil naman ito sa paglalakad at humarap sakin. "Bakit?" tanong niya. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko dito. Nagulat naman siya sa tanong ko pero nabawi din agad ang gulat niya at mabagal na tumango. "Uhm

